Chapter Two

27 3 0
                                    

First day of school.

Ilang beses ko pa tiningnan ang sarili sa salamin habang suot ang bagong uniform. Above the knee royal blue skirt, white short sleeve top, red ribbon, long socks, and black shoes with heels. Hindi naman gano'n kataas ang takong, 'yung tama lang.

Bakit kasi hindi ako nabiyayaan ng mahabang biyas na katulad ng kapatid ko? Unfair!

Nakangiti pa akong lumabas ng kwarto. Hindi naman ako excited na pumunta sa school pero... Putangina.

"Oh! Bull's eye! Good morning, panget!"

"Mama!"

"Wala pa sina mama. Mamaya pa dadating! Bye-bye!"

Kakatapos ko lang ulit maligo, at kasalukuyang bino-blow dry ang basang buhok. Agang-aga nasira na agad ang araw ko dahil sa unggoy.

Sabuyan ba naman ako ng isang mangkok na harina tapos halos sa buhok pa lahat napapunta! Sinong matutuwa no'n? Buset!

Pasalamat sya maaga pa! Kung sakali mang ma-late ako dahil sa kagaguhan nya, makakalbo ko talaga ang unggoy na 'yon!

"Hi!"

Napalingon ako sa babaeng bigla-bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Akala ko kung sino na, si Haidey lang pala. 

"Hi!"

"Sa Burgeon University ka rin pala?" 

Burgeon University, one out of three universities dito sa lugar na nilipatan namin. Bukod sa medyo malapit ito sa bago naming bahay, ayon sa aking research, maganda rin ang learning program nila kaya ito ang napili ko tapos 'yung unggoy gaya-gaya lang.

Sa entrance napansin ko na nagtatakbuhan na ang mga estudyante papasok. Napatingin naman ako sa aking relo. 7:22 AM.

Maaga pa naman ah. Ang alam ko, alas osto palagi ang simula ng unang klase. Bakit nagtatakbuhan na sila?

"Haidey---" Hinila ako ni Haidey at nagtatakbo na rin gaya ng iba. "Anong meron?"

"Nakalimutan kong sabihin sa'yo kanina na every Monday, may flag ceremony ng 7:30. Bilis! Baka masarhan tayo ng gate."

I'm glad we're classmates. Hindi na ako nahirapang hanapin ang pila ng section namin. May ilang sumusulyap sa akin na siguro ay nagtataka kung bakit sa dito ako nakapila gayong hindi naman nila ako kilala.

"Good morning grade 10, section 1!" Tinawag ako ni Sir Rafael Macon, ang homeroom adviser namin, para magpakilala. This is my most hated part, introducing myself.

 "Good day, I'm Yonah Nian Gabrino, 15. Nice to meet you."

Sa pinakalikod ako naupo dahil doon na lang may bakanteng upuan. Gusto ko sana sa tabi ng bintana pero occupied na iyon ayon kay Haidey kaya doon na lang ako sa katabing upuan.

"Good morning, sir."

"Good morning. Saan ka naman galing Von?"

Biglang nagpanting ang tainga ko at nilingon 'yung kausap ni Sir Macon. Hindi ako nagkamali ng iniisip. 'Yung hambog na Von nga! Akalain mo 'yon, sa dinami-rami ng section, kaklase ko pa ang isang 'to?

"Sorry sir. Napag-utusan pa po ni Ma'am Saragosa."

"Take your seat. By the way, before I forgot. Sino pa nga sa inyo ang kulang ang grupo para sa reporting?"

"Kami po sir."

Nakasama ako sa grupo nina Haidey. Okay na rin dahil may kilala na agad ako kaya hindi ako masyadong mahihirapan.

Nahuli ako ng isang linggo sa dapat na unang klase talaga. Medyo maghahabol ako dahil marami na agad naituro sa unang linggo pa lang ng school year na 'to.

I Know YouWhere stories live. Discover now