Chapter Six

23 2 0
                                    

"Dali na unggoy! Turuan mo muna ako sa Math!"

"Ang kulet naman ng panget na 'to. Nagre-review nga rin ako."

"Weh? Hindi ka naman nagre-review. Naglalaro ka lang ng ML!"

"Pucha, lumabas ka na nga!"

"Damot!"

Pinilit kong intindihin ang Math hanggang sa nakatulugan ko na ito.

Hala! Nakalimutan kong mag-set ng alarm! Halos ma-late na ako sa araw ng exam namin. Muntik pa akong masarhan ng gate.

Nang matapos ang exam, halos bumagsak na ang ulo ko sa desk dahil sa antok. Hindi ako sanay ng nagpupuyat kaya antok na antok talaga ako.

Hindi ko na nga naintindihan kung nasagutan ko ba ng maayos ang exam. Bahala na! Inaantok na talaga ako.

"May bibilhin lang ako. Sure ka, di ka sasama?" - Haidey

"Hindi na. Hintay na lang ako dito."

"Sige. Hoy Sally! Tara."

Nakapatong ang aking mga siko sa tuhod at nakahalumbaba habang nakatingin sa kawalan. Nandito ako sa bench malapit sa gate para hintayin si Haidey. Gusto ko na talaga matulog!

Napaatras ang ulo ko ng may dumikit na malamig at mamasa-masang bagay sa noo ko.

"Hey. Coffee?"

"Thanks."

Binuksan ko 'yung coffee in can at ininom agad para naman magising kahit papa'no ang diwa ko. Tumabi sa 'kin si Ion.

"Nagpuyat ka 'no?"

"Oo. Pinuyat ako ng Math." Natawa sya sa sinabi ko.

Naubos agad ang kape at medyo effective naman ito dahil nabawasan ang pagka-antok ko.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Hinihintay ko pa si Haidey. Sabay kami. Ikaw? Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Hinihintay pa kita umuwi."

"Huh?" Namali ata ako ng dinig. Bakit naman nya ako hihintaying umuwi?

"Wala. Sabi ko, tinatamad pa akong umuwi. How's your exams?"

"Ayos lang maliban sa Math. Sana naman makapasa."

"Pasa 'yan. Ikaw pa."

Dumating na rin sina Haidey at Sally kaya nagpaalam na ako kay Ion. Pagkarating sa kwarto, diretso agad sa kama at mabilis nakatulog.

Ang sarap ng tulog ko! Maliwanag pa sa labas pero alam kong mahabang oras ako nakatulog. Bawing-bawi sa pagpupuyat kahapon.

Gutom na 'ko. Hindi pa man din ako nakapag-tanghalian. May pagkain na kaya?

Kumatok muna ako sa kwarto ng unggoy para sana utusan itong bumili ng pagkain dahil tinatamad akong magluto, pero wala sya. Ako lang pala mag-isa dito sa bahay. Siguro naggala na naman ang unggoy na 'yon.

Nagpalit lang ako ng damit at lumabas na ng bahay para bumili ng pagkain. Hindi na ako nag-abala pang sumakay dahil gusto ko ring maglakad. Sayang din sa pamasahe. Medyo malapit lang naman 'yung bilihan.

Nakikinig lang ako ng music sa earphones habang naglalakad. Sayang! Hindi ako nakaabot sa red light kaya maghihintay pa ako para makatawid.

Kumulo na naman ang tyan ko dahil gutom na gutom na talaga. Buti na lang, wala akong kasama sa side na 'to dahil nakakahiya kung marinig nila ang tyan ko.

Marami ang dumadaang sasakyan. Sabagay, pagabi na rin at uwian na galing sa trabaho at eskwela. Hindi ko naiwasang mapatingin sa kabilang side ng daan.

I Know YouWhere stories live. Discover now