Chapter Twenty-nine

9 0 0
                                    

"Are you sure she's capable of this thing?" 

Kanina pang kabado si Haidey habang nakatingin sa substitute ni Maxine. Nagtataka nga ako kasi sa aming dalawa, s'ya dapat ang mas may alam sa kakayahan nito dahil magkaklase na sila dati pa.

"She can do it, Haidey." I assured bago tumingin sa backstage. Panghuli pa ang section namin sa pila dahil bunutan ang ginawa. Hindi katulad nang sa cheering na sunod-sunod simula section 1.

"It will be your fault if she failed." Bulong ni Haidey. Hindi ko masyadong naintindihan kaya nilingon ko ito pero wala na s'ya sa tabi ko at nagsimula nang maglakad papunta kay hambog na mukhang kinakabahan na rin.

Sobrang lakas ng sigawan ng mga kaklase namin nang lumabas na ang magkapareha.

"Go! Radian! Go Pauline!" Sabay-sabay naming sigaw. Nakisabay na rin ang ibang section. Hindi ako nagkamaling isali si Pauline dito. Parang kanina lang ay kabadong-kabado siya pero halatang sanay na sanay. Alam niya ang gagawin kahit walang practice. Naalala ko tuloy ang naging kwentuhan namin ni Kuya Ziph.

"Lumalaban po ba si Pau sa mga pageant-pageant?" 

"Yup. She's so diligent when it comes to modelling kaso..." nakita ko ang pag-iiba ng ekspresyon ni Kuya Ziph. Parang may sakit at lungkot sa kanyang mukha.

"Kaso?" 

"Natigil dahil nawalan siya ng confidence."

"Huh?"

"Napagbintangan kasi itong magnanakaw noong grade 8 siya."

Hindi ako nakapagsalita. Kaya ba parang naging outcast s'ya sa classroom namin tapos binu-bully pa ng iba? Hayst! Pati tuloy ako nalungkot dahil wala man lang nagkwento ng gano'n sa akin.

"Don't tell her that I told this to you. Tinuturing ka kasi n'yang kaibigan at takot din ang isang 'yon. Baka raw layuan mo rin s'ya tulad ng iba."

Iyon ang hindi mangyayari. Kahit papaano tinuturing ko na rin itong kaibigan. Ang bait kaya niya at hindi s'ya 'yung tipong pag-iisipan ko na magnanakaw.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa aking bewang at kinabig ako ng marahan palapit dito. Susuntukin ko na sana nang maamoy ko ang pamilyar na pabango nito.

Nakikiliti ako sa marahang paghinga nito sa aking tainga at saka bumulong. 

"Thank you, babe."

Medyo inilayo ko ang aking ulo saka ito hinarap. Nakangiti ito pero hindi nakakaasar tulad ng nakasanayan ko sa kanya. It's a genuine smile. Parang may kahawig nga ang ngiti niya hindi ko lang alam kung saan ko nakikita.

Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo nang matauhan dahil sa click ng camera.

Napalingon kami sa isang student journalist na nagco-cover ng event namin. "Sana all." He said.

Bahagya ko namang itinulak si hambog palayo sa akin dahil naiilang ako sa mga matang nakatingin sa amin. Nahuli ko pa si Garian na umirap bago ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang tingin.

Pang-huli pa ang dance squad kaya naghiwa-hiwalay na kami para sa kanya-kanyang sinalihang sports at parlor games. 

'Don't worry babe. Hindi kita ihuhulog." Nakangiti pa rin ito katulad ng kanina. Ano bang nakain ng isang 'to at parang ang bait-bait niya sa 'kin.

Tatlong section na lang ang natitira at isa kami sa nakatagal dito sa newspaper dance. Nasa isang tabi naman sina Enzo at Sally na nanonood sa amin.

Sobrang liit na ng newspaper at hindi ko alam kung kaya pang mag-balance ni hambog. Nabigla na lang ako nang buhatin niya ako ng pa-bridal-style.

"Hindi kita hahayaang mahulog..." Sabi niya at nakangiti pa rin hanggang ngayon. "Pero pwede rin namang sa akin ka mahulog."

I Know YouWhere stories live. Discover now