Chapter Twenty-seven

7 1 0
                                    

News everywhere.

Naging malaking usap-usapan ang nangyaring nakawan sa loob ng supermarket. Nalaman na rin na 'yung kemikal na kinuha sa likod ng establisimiento ay isang high quality drugs. Marami pang ipinaliwanag tungkol sa drugs pero hindi ko na naintindihan.

"Stay away from danger, Nian. Always be careful." Ito lagi ang linyahan ni Jon sa tuwing aalis ako sa bahay.

That's weird pero nasanay na ako. It means he cares.

He cares.

Math time.

Tamad na tamad ako sa pakikinig kay ma'am Perez dahil alam ko na ang tinuturo nito. Ilang beses ba namang pinaulit-ulit sa akin ni Jon ang lesson.

"Ms. Gabrino seems to know the answer."

"P-Po?" Napatingin ako sa paligid at halos lahat sila ay nakatingin sa akin. May iilan pang nakangisi at parang natutuwa na ako ang tinawag. 

"Stand up and write the answer with complete solution on the board."

"Good luck." Pabirong sabi ni Rad pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

Kinakabahan akong tumayo at kinuha ang chalk na inaabot ni Ma'am Perez. Tiningnan ko 'yung pinasasagutan sa board saka nagsulat. 

"Very... good. You improved." Puri ni ma'am Perez sa akin na ikinahinga ko naman ng maluwag. Akala ko mali. "Dapat ganito ang solution, kumpleto."

"Nice one babe! Girlfriend ko 'yan." Walang kahiya-hiyang sambit ni hambog sa kanyang upuan na tinawanan lang ng mga kaklase namin at ni ma'am Perez. Good mood si ma'am ah.

Sana all. Ako? Hindi good mood. Sarap batukan ni hambog. Hmp!

"Stop. Stop the music!" Sigaw ni Haidey. Natigilan naman ang lahat sa pagsasayaw. Nasa kalagitnaan na kami ng pina-practice para sa sports fest. "I want it perfect. Yonah, medyo nahuhuli ka."

"Ha? Nakakasabay---"

"From the top!"

Bumalik kami sa kanya-kanyang pwesto. Ako'y nagtataka kung bakit sabi ay nahuhuli ako. Sinisigurado ko naman na kasabay ako sa beat.

"Stop. Stop. Mali 'yung step mo, Yonah. Pina-practice mo ba 'yung steps?"

"O-Oo." Nahihiya na ako sa mga kaklase kong pagod na. Ito na ata ang panglimang pinatigil kami ni Haidey at laging ako ang dahilan.

"Bakit pa kasi s'ya sumali?"

"Pa-epal lang s'ya dito eh."

"True. Pahirap sa buhay."

"Guys! Guys! I think we should take a break. Ten minutes---" Hindi na natuloy ang sasabihin ni hambog nang magsalita ulit si Haidey.

"No. We should continue. Malapit na ang sports fest. Hindi pa rin natin mapulido."

"Haidey," Huminga muna si hambog bago itinuloy ang sasabihin. "Tingnan mo naman ang mga kaklase natin. Wala pang pahinga simula kanina."

"Oo nga naman Haidey."

"Makainom man lang kahit konti."

"Fine. Fine. Ten minutes guys." Hindi ako umalis sa pwesto habang sila ay palabas na ng room ng Dance troupe. Nagpaalam naman kami na dito mag-pa-practice.

I want to confront Haidey. Alam kong walang kaibi-kaibigan dito pero bakit parang ang init-init ng ulo niya sa 'kin? Bakit parang ako lagi ang pinupuntirya niya kanina pa? Pumupurol na ba ako sa pagsasayaw? Hindi na ba ako katulad ng dati?

I Know YouWhere stories live. Discover now