Chapter One

56 4 0
                                    

June 09, 2019

Here we are.

New house... meaning: new environment, new school, new faces. Hindi naman bago na literal ang bahay pero hindi pa siguro gano'n katagal nang ginawa at matapos dahil mukhang bago pa.

May multo kaya dito? Wala naman sana. Biglang may humawak sa balikat ko. Ah!

"Papa naman! Akala ko may multo na."

"Haha. Kakanood mo 'yan ng horror movies." Ginulo-gulo pa ni papa ang buhok ko. "Hindi ka pa ba mamimili ng kwarto mo? Nasa taas na si Yobi."

"Yobi! Ako muna mamimili ng kwarto!"

Ang loko nakapili na. Maganda rin naman itong akin. Mas malaki ito kaysa sa kwarto ko dati pero medyo madilim dahil yung bintana katapat ang isang malaking puno sa bakuran. May sariling banyo naman kaya ayos na rin.

"Ito na ba ang kwarto mo?" Napatingin ako kay mama. Tumango lang ako bilang sagot.

"Kayo na bahalang mag-ayos. Kanya-kanya na ring linis ha? Malalaki na kayo."

Tinanggal ko na ang mga puting tela na nakatakip sa mga gamit. May built-in cabinet na para sa mga damit at bookshelf. May table na rin para sa pag-aaral at kama na pang-dalawahang tao.

Mag-isa lang naman ako pero ayos na rin. Siguradong hindi na ako mahuhulog sa kama.

Naalala ko tuloy, madalas akong mahulog sa kama dahil sa likot kong matulog.

["Hey, what's up, Yonah babe?"] - Xiehan

Nasanay itong tawagin akong 'Yonah babe' lalo na kapag hinahabol sya ng mga ex fling nya.

Ang landi rin kasi ng lalaking ito tapos kapag suguran na, ako ang pinanghaharang. Buti na lang hindi ako weak para kawawain ng mga ex nito.

["Ops! Sorry. Nasanay lang."]

"Weh? Babe pala ha." Ngumiti ako at pinalambing pa ang aking boses para mas lalo itong maasar. "Babe sorry ha. Long distance na tayong dalawa. Don't worry babe---"

["Yonah! Stop it for Pete's sake. Geez. Kinikilabutan ako kapag sa'yo nanggagaling! Ang sama sa pandinig."]

Nagtawanan kami nitong mga kasama namin dahil sa panget na mukha nitong si Xiehan.

Inilagay ko sa cellphone holder ang phone ko at iniharap sa gawi kung nasaan ang book shelf dahil inaayos ko ang mga libro ko.

I'm a book lover kaya halos lahat ng ipon ko ay sa libro napapapunta.

["Nakarating na kayo sa new house?"] - Niege, my most talkative best friend.

"Yup. Ito nga oh. Naglilinis at nag-aayos na ng kwarto."

["Hindi ka na ba babalik? Mami-miss kita pero mas mami-miss ka ng isa dyan. Ba't kaya ang tahimik ni Vinno?"] Nang-aasar na naman ang tono ni Niege.

["Tanga, nananahimik ako dito. Ako na naman na-tripan mo. Crush mo 'ko 'no?"]

["Ulol. In your dreams."]

Aware naman ako na my gusto sa 'kin si Vinno. Sa aming apat, sa akin sya super caring. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang nararamdaman nya, kaso kaibigan lang talaga ang tingin ko rito.

Tanggap naman nya, bigyan ko lang daw sya ng time para maka-move on sa 'kin. Two years na pala 'yon tapos nitong nakaraan ko lang talaga na-confirm dahil umamin nga sya.

Mahalaga ang pagkakaibigan namin kaya alam nya kung hanggang saan lang sya.

["Maka-tanga 'to. Mas tanga ka! Pinuntahan nga nung madaling araw, hindi naman nagpakita. Ano kaya 'yon. Ang bobo."]

I Know YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ