Chapter Eight

23 3 0
                                    

He's gone.

Ano naman ngayon?

He's not important kaya bakit pag-aaksayahan ng panahon? Siguro, pinaglaruan lang talaga ako ng imahinasyon ko kahapon.

"Bakit ang tagal mo? Baka nakakalimutan mong may flag ceremony tayo ngayon? Bilis." Agang-aga ng sermon nitong si Haidey. Kanina pa siyang naghihintay sa salas namin at naririnig ko pa silang magbangayan ng unggoy kong kapatid. Hindi na nagkasundo ang dalawang ito. Buti pa si Sally, magkasundo sila nitong unggoy.

"Oy! Mamaya na ang landi, mag-fa-flag ceremony pa." May pagka-bitter ang tono ni Haidey nang makasabay namin papasok sa gate sina Enzo at Sally. 

Nagtatampo kasi ito kay Sally dahil hindi raw nito sinabi na sasagutin na pala nito si Enzo. Ewan ko ba sa babaita, sa akin lang sinabi bago kami maghiwa-hiwalay sa mall noong Sabado. Hindi ko naman nasabi kay Haidey at akala ko ay alam na niya since mas matagal siyang naging kaibigan ni Sally.

"Sorry na, Haidey. Alam ko namang idadaldal mo kay Enzo kaya hindi ko na nasabi sa 'yo."

"Hindi, ganyan ka na. Parang hindi kaibigan."

"Sorry na nga." Sinusubukang magseryoso ni Sally sa paghingi ng tawad pero halatang natatawa ito sa inaakto ni Haidey.

Discussion at dalawang quiz lang ang ginanap ng morning classes namin. As usual, punuan na naman sa cafeteria pero nakahanap naman kami ng mauupuan. 

"Aalis na lang ba kami dito? Mukha kayong mga sira. Respeto naman sa mga single." - Haidey

"Hanap ka na rin kasi. Ang dami dyang nagkakagusto sa 'yo." - Sally

"Ano ba type mo? Dali ihahanap kita." - Enzo

"Tigil-tigilan nyo nga akong dalawa. Si Von ba? Hindi ba kakain?" - Haidey

"Ah. Baka si Von ang type mo." - Enzo

"Tanga. Hindi pwedeng concern lang kasi magkaibigan kami?" Napatingin naman ako kay Haidey na katabi ko lang. Titingnan ko kung anong reaksyon niya. Matagal na kasi akong naghihinala na may gusto ito kay hambog.

"Yonah, ano na naman 'yang tingin na 'yan?"

"Wala. Masama na bang tumingin ngayon?" Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang nag-aasaran sila. 

"Oh, ayan na pala si Von." Anunsyo ni Enzo. Napansin ko ang paglingon ni Haidey. Hindi naman ako lumingon.

Excuse me? Sino sya para lingunin ko? Hindi naman kalingon-lingon ang hambog na 'yon.

"Von, dito---" - Haidey

"Isod." napatingala ako sa hambog.

"Ayoko. Pwesto ko---Ano ba!" Napilitan kaming umisod ni Haidey. Isiniksik ba naman ang sarili sa pwesto ko kanina.

Wow! Kami pa talaga ang kailangang mag-adjust para sa kanya? Kaimbyerna.

"Alam mo---"

"Hindi." Ang pilosopo talaga!

"---ang hilig mo ipilit lahat, makuha lang gusto mo 'no?" Kami lang ang nagkakarinigan dahil may kaingayan sa loob ng cafeteria.

"Of course. Gusto kita makatabi kaya iyon ang mangyayari."

"Ano?" Narinig ko naman talaga ang sinabi niya, naguluhan lang ako kung ano ang ibig sabihin nito.

"Maganda nga, bingi naman." He whispered something pero hindi ko narinig dahil sa sobrang hina.

"Kumain ka na dyan. Alam ko namang miss mo na rin akong makatabi."

"Ang kapal naman ng hambog---" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang salpakan niya ako ng garlic bread sa bibig. Bastos!

I Know YouWhere stories live. Discover now