Chapter Four

21 3 0
                                    

Nakakapanlumo.

Hindi ko alam kung iiyak na ba ako o ano? Inaasahan ko naman na mahirap talaga ang Mathematics. Nag-review naman ako pero punyeta. Anong klaseng exam 'yon? Parang wala naman sa tinuro ah.

"Sa wakas, tapos na rin ang first monthly test! Tara gala. May bagong bukas na milktea shop." Sana all kasi matalino Haidey. 

We just entered the shop when I noticed the guy who's wearing a black oversized shirt and a black face mask. May iced coffee sa table nito at naglalaro ng Rubik's---teka! Sya 'yung...

"Yonah, dito!" Nilingon ko si Sally na tinawag ako. Hindi ko napansin na naiwan na pala ako malapit sa pintuan. Tiningnan ko ulit 'yung table sa may sulok pero wala na 'yung lalaki!

"M-Multo?" Pabulong lang 'yon pero narinig pa rin ni Sally.

"Anong multo? Ano bang tinitingnan mo?" 

"Wala. Tara order na."

Ilang beses ko pang tiningnan 'yung pwesto ng lalaki kanina pero wala. Namalik-mata lang siguro ako. Tama! Namamalik-mata lang ako. Walang multo. Wala.

"Guys! Kunin nyo na dito sa harap ang mga test paper nyo." Kararating lang ni hambog at dala-dala nito ang mabigat naming test papers. Suot na ng halos lahat ang mga bag dahil uwian na rin.

Sa aming tatlo, ako ang pinakamababa sa Math. Nakakasakit naman ng loob itong ayos ng test paper. Naka-stapler na kasi lahat ng subject tapos pinaka-una ay 'yung Math! Pucha, sakit sa mata. 32/50. Bahagya nang makapasa.

"Gosh! Bakit ang baba mo sa Math Yonah? Look at my score oh. Three lang mali ko. Sayang talaga. Kung hindi ako kinulang sa oras, baka na-perfect ko ang test natin." Hindi na lang ako nagsalita pero itong si Haidey, pabulong-bulong na ng mura sa tabi ko.

"Hala, Rhea ang hirap kaya. Ano bang sinagot mo sa number 10? Patingin nga. Ay, pa'no mo nakuha 'yon?" Curious na curious itong si Sally. Mukhang inosente pa sa mga nangyayari kahit niyayabang lang naman kami nitong si Rhea Azores, ang top 2. 

Sa totoo lang, hindi ko talaga gusto ang ugali nito. Ang yabang! Oo, may iyayabang naman pero nasobrahan lang talaga. Nilubayan na nya kami ng matapos nyang makapag-yabang dahil pinuntahan naman nito ang iba naming kaklase.

"Nyeta! Ang sarap manakal ng pugita." Asar na asar itong si Haidey. Pati sya, niyabangan din ni Rhea kanina at medyo ipinamukha pa na top 3 lang itong si Haidey. "Paano ko ba napag-tyagaan ang ugali ng pugitang 'yon sa loob ng tatlong taon?"

"Oy Haidey, grabe ka naman sa pugita. Ang galing kaya---"

"Sally! Please lang. Zip your mouth muna kung 'yan lang sasabihin mo. Naiirita ako."

"Bakit naman kaya?" Bulong sa 'kin ni Sally pero nagkibit-balikat na lang ako at bumalik sa pagdadalamhati dahil sa score ko sa Math.

"Oh-hoy!" May umagaw ng test paper ko habang naglalakad sa hallway. "Haha. Patay ka sa sermon ni papa mamaya."

Ito ang unang beses na nagtagpo ang landas namin ng magaling kong kapatid dito sa campus. Ano bang ginagawa nito dito? Napakapapansin.

"Akin na nga 'yan!" Pilit kong inaabot ang test papers ko pero itinataas ng unggoy. Sige na! Ako na maliit. Buset.

"Sino 'yan?" Hindi pa nakakapunta si Sally sa bahay namin kaya hindi nya alam na kapatid ko ang unggoy na 'to.

"Hindi mo kilala? Sya ang patpat na kapatid ni Yonah."

Inirapan ito ng kapatid ko at hindi na lang pinansin pa. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo ng unggoy kay Haidey.  Ayaw nya sa presensya nito, una pa lang nilang pagkikita. Awan ko ba sa abnormal na 'to. Maganda naman si Haidey tapos mabait pa. Abnoy talaga.

I Know YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon