Chapter Thirty-three

10 0 0
                                    

warning: harrasment

---

It's been a long day. 

Buti na lang at wala kaming practice ngayong araw sa DT. Hindi ko alam pero tinatamad ako.

Hindi ako naihatid ni hambog dahil nagka-emergency daw sa bahay nila. Hindi ko na nga natanong kung anong nangyari dahil nagmamadali ito. Mag-te-text na lang siguro ako mamaya. Nag-aalala rin kasi ako kay Lola.

Malapit na ako sa bahay nang madatnan si Jon na palabas ng bahay. Bihis na bihis ito at halatang may pupuntahan. Saan naman kaya?

Pasikreto ko itong sinundan hanggang sa makarating kami sa flower shop. Nangunot ang noo ko. Para saan ang bulaklak? Para masagot ang mga katanungan ay patuloy ko s'yang sinundan hanggang sa makarating kami sa... sementeryo?

Sino namang bibisitahin niya rito?

Nakapa ko ang salamin niya sa bulsa ng aking palda. Kinuha ko na lang ito basta kanina nang hindi pinag-iisipan kung saan ko gagamitin. Sinuot ko ito at nag-iba ang pakiramdam ko sa lugar. Bigla akong kinilabutan. 'Di kaya may biglang lumitaw na multo rito? Wala naman sana. Geez.

Lumingon-lingon ito at muntik na niya akong makita kung hindi pa ako nakapagtago sa likod ng isang puno. Sinilip ko ito at tumigil sa harap ng isang puntod na hindi gaanong kalayo sa kinatatayuan ko.

Pasimple akong lumapit at mukhang hindi niya napansin ang presensya ko.

"I don't know but why am I feeling this? Bakit 'di ako masyadong nasaktan nang malaman kong niloko mo pala ako? That you had another guy?" 

Sino ba 'yung kinakausap niya? Curious na curious na talaga ako.

"Is it because I already move on? Is it because I'm setting myself free from the pain you'd caused me? You know what?" I looked at the gravestone and my eyes widened.

"I am falling to the girl I've met---"

"S-She died?"

Nilingon ako ni Jon at bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata pero agad itong napalitan ng galit. Sobrang galit.

"Anong ginagawa mo rito!? Did you followed me!?"

Humakbang siya palapit sa akin at napaatras na lang ako ng hindi nag-iisip.

"C-Curious lang---"

"Fuck that curiosity! That's bullshit!"

"B-Bakit ka ba n-nagagalit---"

"You shouldn't come here! Alis!"

Sa kakaatras ko, hindi ko napansing may malaking bato na pala sa inaatrasan ko. 

I fall and it hurts. 

Nakatingin ako sa kamay kong may gasgas. Umagos ang luha sa aking mga mata pero hindi na ako nag-abala pang punasan.

"N-Nian."

Tumayo ako kahit sobrang sakit ng katawan ko sa pagkakabagsak. Tumakbo ako palayo sa kanya. Narinig ko pa ang pagtawag nito pero hindi ko na siya nilingon.

Yakap-yakap ang mga tuhod, dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa malawak na dagat. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag pero wala pa rin akong planong umuwi. Sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay tumulo na naman ang aking luha.

Umiiyak na naman ako. Hindi ko nga alam kung anong iniiyakan ko. 'Yung masakit ko bang katawan o itong hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.

Tangina. Ang sakit.

Bakit mo pa kasi sinundan? Kaya siguro nagalit kasi alone time niya 'yon eh, nakikisasaw ka pa. Kasama n'ya si Elle eh, 'yung taong mahal niya.

"Ang tanga Yonah. Ang tanga-tanga."

I Know YouWhere stories live. Discover now