Mari

937 122 20
                                    

-O M N I S C I E N T-

Mahihinang pag-iyak at paghikbi ang nangingibabaw ngayon sa mga Guia. Tanging tunog lang ng mga gulong ang sumasabay sa munting iyak na pinapakawalan nya.


"Mari, tara na." striktong saad ng matangkad at maputing babae.


Pero ang batang tinatawag nya, nakatayo habang umiiyak at  nakatingin lang sa babaeng nakaupo sa sofa.


"Yvaine Mari." isa pang tawag sa kanya kaya mas lalo nyang nilakasan ang iyak nya.



"Mommy, s-san tayo punta?" humihikbing tanong nya. Saglit syang tinitigan ni Sela na maluha-luha na din habang may bahid pa din ng galit sa mga mata nya.



"Mari we're leaving! Sumunod ka na lang!" may kataasang boses na sagot nya dahilan para mapikit sa takot ang sarili nyang anak.



"Sela wag mo syang sigawan—


"Anong gusto mo?! Hayaan ko syang lumaki ng hindi marunong sumunod sakin?" may sarkastikong sabi nya.



The girl who's seating on the sofa already have a red eyes and puffy nose as she looks back to her little girl na umiiyak sa harap nila ngayon.



"Yve, baby sumunod ka na kay Mommy. Wag na matigas ang ulo." malambing na saad nya habang pinipigilan ang sarili nyang maglabas na naman ng luha.



Saglit na natigil si Sela habang tinititigan nya ang anak, marahan syang tumingala at huminga ng malalim bago nya bitiwan ang mga maletang hawak nya saka lumapit at lumuhod sa harap ni Mari.



"I'm sorry baby, pero can you please just listen and come to Mommy? Please?" she cried silently.



"I-Isasama ba natin si K-Kuya?" marahang ngumiti si Sela bago sya tumango at hawakan ang pisngi ng bunso nya.


"Of course. Magaling na si Kuya kaya isasama natin sya."



Saglit na tumigil ng pag-iyak si Mari pero tuloy pa din ang pag-hikbi nya bago nya silipin ang babaeng nakaupo sa likod ng Mommy nya.


"Eh si Mama?"


Hindi.


Masyado ng masakit kaya hindi.


"Ahm. Baby, si Mama need nya mag-stay dito kasi kailangan nyang bantayan si Tita Coco kasi di pa sya  magaling completely." munting palusot nya.


Gaano nga ba kasi kahirap mag-paliwanag sa batang wala pang muwang? Para kang nakikipag-usap sa sanggol na bagong labas lang.



Unti-unting humikbi ulit ang anak nya at umiyak bago nya tingnan ang Mama nya.



"Sunod ka ba Mama?" inosenteng tanong nya pero iniwasan sya ng babaeng halos mapaluhod na sa sofa.



Dalawang minuto ang lumipas at wala syang nakuhang sagot kaya tumayo na din si Sela mula sa lapag at saka pinahid ang mga luha nya.



"Let's go." akmang aabutin nya na ang kamay ng anak nya ng marahan naman 'tong lumayo sa kanya saka tumakbo kay Abby.



"N-No Mommy. K-Kawawa naman si Mama mawawalan sya kasama." mabilis na yumapos sya kay Abby na mahigpit namang sinuklian ang yakap ng anak nya.



"M-Mari." malakas na nagpakawala ng mabigat na hinga si Sela habang hinihintay ang anak nya pero mukang wala talaga 'tong balak humiwalay sa Mama nya.


'Manila Girls'Where stories live. Discover now