Becka's love and hate ft. gutom

1.4K 87 7
                                    

Belle's POV

Maligalig ka Ecka ha. Tingnan natin ngayon. So obviously, uminom sya kagabi kasama sila Gabb sa condo nila. Hindi na lang natulog nung nalasing may pagpunta pa sa bahay wala naman sa wisyo.

"Belle, let's go?I'll call a meeting para sa practice na sisimulan natin after class?" Sela asked at tumango naman ako habang sinasara ang pinto ng locker ko.

"Oo mars. Ipaalam mo na sa kanila para aware sila." I smiled then she nodded.

"Hindi pa din kayo nag-uusap ni Ecka?" tanong nya habang nilalagay ang ibang gamit nya sa loob ng locker. Sumandal naman ako para intayin sya saka ako sumagot.

"Not today mars. Nababadtrip ako pag nakikita ko sya." she scoffed and look at me.

"Oh?Nung una sayang-saya ka with your Ecka D'Magician." 'tong itlog na 'to medyo marunong din talaga mang-asar minsan.

"Hindi kasi ano mars.. Di mo ba napapansin? Masyado na sya nagiging seryoso nawawala na yung naughty and funny side nya na nagustuhan ko." I silently tap my foot on the ground and waited for Sela na matapos sa pagloload ng mga gamit nya.

"Mars. We all know who Ecka is, maraming nababago ang love pero don't think na may nawawala sa kanya mars. Naughty and funny side  is her signature pero yung sinasabi mong pagiging seryoso nya na ngayon? Ikaw ang nakapag-unlocked non. Simple lang mars, Ecka is really serious with you." she smiled and for unknown reason naintindihan ko naman sya.

"Hindi ka ba kinikilabutan Mars?Ang weird mapasok sa isang serious conversation with you." we laughed and started walking on the hallway papunta sa room namin.

"Ayannn. Nasayo kasi yung problema Belle, hindi ka sanay sa mga seryosong usapan." pailing-iling na sabi nya habang nakangiti.

"Alam mo namang pinanganak akong tumatawa kaya ayokong nakukulong sa mga seryosong bagay." biro ko then she rolled her eyes.

"You dumb." sagot pa nya bago ko sya tawanan.

"Kapag naging ayos yung performance natin sa Graduation event, mag-bakasyon ulit tayo ako naman ang sasagot sa lahat ng expenses, masyadong madaming padala si Mommy di ko na alam kung san ko gagastusin." Well. Sa trueee lang. Ayaw ng mommy kong nagugutom ako kaya tamang padala lang ng 50k every monthhh hihi.

Bayad naman na lahat ng tuition ko for my whole year in MISE hello, Elite 'tong School na pinapasukan ko hindi sila nagpapahuli sa mga singilan. At syempre pangbigay ko kay Tita Joy then the rest para sa sarili ko na. At hindi naman ako magastos sa pera kaya naiipon ko lahat ng napapadala nila so I think worth it naman kung gagastusin ko yung mga pera para sa mga kaibigan ko.

"Good idea Belle—

"Ayan na mars. Dalian mo na!" we heard silent whispers kaya naman napatigil kami ni Sela sa paglalakad.

"What are you guys doing there?" tanong ni Sela habang nakakunot ang noo. Sinundan ko naman kung san sya nakatingin, bandang dulo ng hallway malapit sa room namin I saw three figures.

"Goodmorning Sela-baby. May sasabihin daw si Ecka kay Belle." ugh. Kailangan may kasamang harot Abby? Aga-aga ginigigil ako ng dalawang 'to.

"Oh. Hi mars." mabilis kong siniko si Sela at inirapan sya. Napaka nito, galit nga ako don tapos kakawayan pa parang gago.

I was startled when Abby pushed Ecka in front of me na halata namang nagpapanic at kinakabahan.

"What is it?" Diretsong tanong ko. At nakita ko naman ang paglingon nya kala Abby habang nanlilisik yung mga mata nya.

"May banat daw si Ate." said Gabb at mabilis namang tumaas ang kilay ko kay Ecka. Banat amp.

"G-Goodmorning B-Belle." panimula nya.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon