Bakod here, Bakod there

1.6K 84 4
                                    

Abby's POV

Ang bilis ng panahon. Isang buwan na agad simula nung nameet ko yung family ni Sela. Bago sila bumalik sa ibang bansa nagcelebrate kami ng Birthday ni Marsela sa mansion nila kasama yung mga kaibigan namin.

Nag barbeque party kami habang mga naka-pajamas at alam na din ng mga kaibigan namin yung label namin. Panisss! Seby lang may label.

Bago matapos yung sembreak bumalik na ng ibang bansa yung family nya kahit sina Ate Aya saka Kuya Miguel sumama na din pero bago 'yon nangako ako na aalagaan ko si Marsela dito. Napag-usapan din namin na pagkagraduate namin ngayong year sasamahan ko si Sela na bumalik na don sa mansion nila so basically, titira ako kasama sya.

"Hoy! Galaw galaw baka pumanaw. Kanina ka pa tulala." napabalik naman ako sa wisyo ng biglain ako ni Ecka na nakaupo dito sa bleachers.

"Nag-iimagine na 'yan kasi titira na sya kasama si Ate Sela at the end of school year." singit ni Gabb habang nakangisi.

"Tigilan nyo 'ko ah nananahimik ako dito." tulak ko sa kanila at nagtawanan naman sila.

"Oh gusto mo patahimikin ka na namin habang buhay." dali-dali namang tinakluban ni Ecka yung bibig ko kaya naman todo palag ako.

"Yuck, kadiri 'te Ecka diba kakagaling mo lang sa CR?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Lara kaya mabilis kong sinipa si Ecka palayo.

"Ang baboyyy mo!" tinulak ko naman sya palayo habang patawa tawa sila.

"Tulaley ka kasi kanina pa. Masyado kang excited makasama si Sela."

"Hindiii. Hindi 'yon. May spare uniform ka? Naka casual clothes ako di ako nag-uniform eh." tumingin ako sa kanila at kumunot noo naman sila.

"Bat di ka nag uniform?" tanong ni Ecka at napakamot naman ako ng ulo.

"Wala. Nakakasawa kasi yung uniform eh paulit-ulit. Muntik pa 'ko harangin nung guard kasi nakacasual nga ako buti di ko nakalimutan yung ID ko." nakangising sabi ko at umiling naman si Gabb.

"Nako 'te wala. Si Ate Sela baka meron sya?" napasapo naman si Ecka sa noo nya sa sinabi ni Lara.

"Tanga. President jowa mo tapos ikaw pa unang lumalabag sa rules." dinuro ako ni Ecka at tinawanan ko naman sya.

"Kaya nga di pa 'ko nagpapakita kay Marsela." sagot ko.

"Ay hala 'te. Papunta na sila nina Coleen dito..Tinanong kasi kung nasan tayo eh." kamot ulong dagdag ni Gabb kaya naman napailing ako.

"Sige dun muna ako sa rooftop bahala kayo dyannn!" tumakbo na ko paalis ng bleacher pero sinalubong ako ng limang babae.

"Oh Ate Abby. Nagmamadali ka?" bungad ni Coleen at tumingin naman ako kala Ecka pero iniwasan nila yung mga tingin ko.

"Girlfriend mo Marsela pasaway." dagdag ni Belle na nakangisi habang si Jem naman tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Nice clothes. Saan ang gala Ms Trinidad?" as usual mataray na tanong nya.

Ngumisi naman ako at tumingin kay Marsela na tinititigan lang ako ng walang emosyon.

"Sinasalubong ako nyan may usapan kami nyan eh. Tara boss Abby—

Inakbayan ako ni Dana at akmang ilalayo na 'ko sa kanila ng magsalita si Marsela.

"Evans."

"Sayanggg! Pagdadasal na lang kita 'te Abby." bulong ni Dana bago sya tumingin kay Sela at ngumiti.

"Mahalagang paalala. Pag ang girlfriend mo'y nawala sa mood ingat ka, baka ika'y mabugbog." asar ni Belle bago lumakad papunta kala Ecka kasama sina Brei.

'Manila Girls'Where stories live. Discover now