Stell

1.3K 75 0
                                    

Abby's POV

Friday. Hindi ko kasama sina Marsela dahil President nga sya ng MISE may mga bagay syang ginagawa para magampanan yung mga responsibilities nya. Si Ecka sinamahan si Belle na sa science room dahil may kailangan daw habulin si Belle.

Yung iba hindi ko alam. Baka busy sa pagrereview para sa midterm o baka busy makipaglandian. Wala kaming teacher kaya pinili ko na lang muna pumunta at magstay sa secret room para mas komportable. Nakatitig lang ako sa bookshelves na katabi nitong couch ng bumukas yung pinto at sa gulat ko kung sino 'yon dumampot agad ako ng makapal na libro just in case lang ibabato ko sa muka nya.

"Ginagawa mo dito?" diretsong tanong ko at mabilis nya namang sinara yung pinto.

Iginala nya ang tingin nya sa loob ng room saka nagsalita,

"This must be you and the girl's secret room?"

"Seryoso. Bakit ka nandito?" pag-uulit ko sa tanong at huminga naman sya ng malalim bago ako tingnan.

"Nung lumabas ka ng room, Josh decided to followed you so be thankful na ako ang nakahanap sayo." sagot nya at napakunot naman ang noo ko saka ako ngumiti ng nakakaasar.

"Bakit kailangan kong magpasalamat? Eh diba kasama ka nila?" tumingin naman sya sa baba saka nag-isip.

"Kasama nilang magtransfer? Oo. Pero kasama nila sa mga plano nila sa inyo?Hindi. At hindi ako nag-agree." eto din yung narinig ko sa CR non kaya naman binaba ko ang librong hawak ko at tiningnan sya.

"Anong mga plano?" tanong ko.

Di naman na sya nagsalita at dumukot ng papel sa bulsa nya.

"If you trust me, I'll see you on that address after class Ms Trinidad and I'll tell you everything. Baka hinahanap na nila ako." ngumiti sya bago nagmamadaling lumabas ng room.

Nagdadalawang isip naman akong tinitigan yung papel at yung address na nakasulat don.

Calm Street Café

Agad ko naman ibinulsa yung papel ng bumukas ang pinto.

"'Te Abby, nakita naming lumabas dito yung isang lalaki kahapon. Ayos ka lang?" mabilis na tanong ni Gabb kasama nya si Coleen.

"How did that bastard know our room?" dagdag ni Coco.

"Nasundan nya 'ko sorry. Pero wala naman syang ginawa, at tingin ko naman hindi nya sasabihin 'to kala Josh." sagot ko at dinampot ang bag ko sa couch.

"Hindi tayo sure Ate Abby." kita ko ang pag-aalala sa mata ni Coleen kaya nginitian ko sya.

"Puntahan ko na si Marsela baka hindi pa kasi sya naglalunch. Hoy Gabb ah, 'yang pinsan ko wag mong i-good time bata pa 'yan." biro ko at tiningnan naman ako ni Coleen na parang walang kaalam-alam.

"Yes 'te." ngumiti naman ni Gabbo kaya umalis na din ako at agad na pinuntahan ang Office of the Officers.

Pansin ko lang nung sinundo namin sina Marsela kaninang umaga bago pumasok parang ang tamlay nya, not the 'mukang may sakit' tamlay. Yung tamlay na basta, himala nga din wala syang gana makipag asaran kay Ecka sa twing ako naman yung nang-aasar sa kanya lagi nyang sinasabi "Abelaine stop." , "Tigilan mo 'ko Abby wala ako sa mood" , "Naiirita ako sayo manahimik ka nga sa isang tabi pwede, Abelaine." tangina di mo pa nga 'ko sinasagot wag mo sabihing di mo na ko agad mahal Marsela?hmp. ಥ╭╮ಥ

Pagbukas ko naman ng pinto si Jem ang sumalubong sakin na may hawak na makakapal na papel sa maliit nyang kamay.

"Busy mga officers di kami natanggap ng bwisita." mataray na sagot nya. Kahit kailan talaga simula nung una namin syang nakita wala ng ginawa kundi tarayan kami.

'Manila Girls'Where stories live. Discover now