Encarnasion

1.4K 78 0
                                    

Abby's POV

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan ng marating namin ulit ang probinsya. Gabi na kami nakadating kasi inabot kami ng traffic sa daan at muntik pang masiraan ang van.

Nag-unat naman ako at nakangiting timingin kay Ecka na agad ding bumaba ng driver seat. Kasalukuyang tulog ang mga kasama namin.

"Mag-iisang buwan pa lang tayong nawawala dito pero parang ang dami na agad nagbago." napatango ako sa sinabi ni Ecka.

"Sa bahay ko na sila papadiretsohin, dumalaw muna kayo nina Lara sa bahay nyo." nag-uunat na sabi ko.

"Sige sige. Oh si Abea na yata 'yon." turo nya sa babaeng palabas na ng bahay para magbukas ng gate.


"Ate!" dali-dali naman akong lumakad para yakapin sya. Namiss ko din ang kapatid kong matigas ang ulo no, kahit na minsan ang sarap ipang-swap sa milktea.

"Gising pa ba sina papa?" tanong ko at tumango naman sya.

"Oo naman. Kanina pa namin kayo iniintay eh. Hinanda na din namin ni Mama yung mga guest rooms para sa mga kaibigan mo." nakangiting sabi nya.


"Ate Abby." lumingon naman ako ng may tumawag sakin. Nakita ko si Lara na bumaba ng sasakyan at nagsisunudan naman yung iba.

"Gisingin mo na si Gabbo, umuwi muna kayo sa inyo." tumango sya sa sinabi ko saka kinatok ang shotgun seat kung nasaan si Gabb.


"Mukang madami kayong kasama Ate. Tara pasok tayo sa loob." Aya ni Abea pero pinigilan ko sya.


"Teka lang. Tingnan mo kung sinong kasama ko." sakto namang bumaba si Coleen bitbit ang unicorn toy nya habang kinukusot ang mata nya dahil siguro kakagising nya lang.

"Coleen?Coleeeennn!" nagising naman ng tuluyan si Coco at nakangiting sinalubong si Abea, ang longtime babysitter cousin nya tuwing umuuwi sila dito.

"Ate Abea! God, you look so different!"

"Ano ka pa?Parang dati hanggang bewang lang kita tapos ginagala kita dito but now, girl you grown up really fast!" binigyan naman sya ni Coleen ng pacute na ngiti saka sya niyaya ni Abea sa loob ng bahay para makipagkwentuhan.

"Batas, tulungan ka muna namin sa mga gamit nila tas sibat na kami." sabi ni Ecka at tumango naman ako saka tinulungan silang maghakot ng gamit.

"Is this your house Abby? Quite big." saad ni Belle. Ngumiti ako sa kanya bago kuhanin ang mga bag na hawak nila.

"Hinanda na nila yung mga kwartong tutulugan nyo, tara na sa loob para makapagpahinga kayo." Aya ko at syempre inalalayan si Marsela na bumaba sa Van.

Nakasilip lang sya sa bintana kanina habang halatang bigat na bigat na yung mga talukap ng mata nya.

Mahaba yung gabing 'yon para makapagpahinga ang bawat isa. Walang plano sa kung anong gagawin at mangyayari bukas basta nandito kami para asikasuhin ang ilang bagay at syempre, makapagpahinga sila ng  malayo sa Manila.


7:18 ng umaga. Gumising na 'ko para asikasuhin ang mga bisita ng bahay.

Kasama ko sa kwarto sina Alice, Dana at Gia habang nasa guest room naman sina Sheki, Ella, Belle at Marsela habang sa isa pang kwarto sina Gwynn, Brei at Jem. Si Coleen naman sa kwarto ni Abea natulog.

Pagbaba ko sa sala naamoy ko na agad ang mabangong umagahan, ngumiti ako at agad napaisip kung gano ko namiss si Mama na magluto para samin ng umagahan. Kaya naman habang inaantok pa ay dinala ko ang sarili ko sa kusina at mas lalo  pa kong napangiti ng marinig ko ang mahinang pagkanta ni Mama habang nagluluto ng mabangong fried rice at itlog.

'Manila Girls'Where stories live. Discover now