Bad Day

1.3K 81 10
                                    

Abby's POV

Saturday. Gusto ko sana yayain si Marsela maggala ngayon dahil walang pasok kaya lang kagabi pa nya 'ko di nirereplyan medyo nag-aalala ako kasi di naman sya ganon, madalas di nya ko nirereplyan oo pero kahit papano naman sinasagot nya yung mga tawag ko o kaya siniseen nya 'ko pero simula pa kagabi wala talaga.

Kahit sana dot lang. Hindi kaya nagtampo 'yon kasi di ko sya naihatid kahapon pauwi? Nagtext naman ako sa kanya, nagpaalam naman ako;((

    Marsela Baby💖

04-01-2021

Replyaannn mo 'kooo!
sent Yesterday

Marsela, nagtatampo ka?
sent Yesterday

Kakain na 'ko galawin mo baso namin kung kumain ka na din..
sent Yesterday

04-2-2021

Goodmorning bebeqoe:>
sent 7:16am

Reply lang eh. Damot;<
sent 7:23am

Selaaa, pag di ka nagreply dudukutin kita dyannn.
sent 7:46am

Kawawa naman ako walang pumapansin sakin T.T
sent 8:04am

Inis naman akong sumubsob sa unan ko at tahimik na nagpapadyak na parang bata. Huminga ako ng malalim at napatikwas naman ako ng tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali akong tumayo sa kama para kunin 'yon sa lampshade. Muntik na nga kong mahulog.

Nawala naman ang excitement ko ng nakita kong si Gc lang pala.

Topapitsz( ꈍᴗꈍ)

EckaNiBelle
Bosss Abbyyy? Bohai ka pa? Gala, galaaa.

IcingSaCupcakeNiCoco
Pass. Pasundo.

Capt.NiBonitah
Pass. May date kami ni Sheki.

LaraBardagulMateNiBwei
Ako din. Nagpapasama si Obri may kikitain.

KayJemLangKakalampag
May training ako ng basketball mga Ate.

EckaNiBelle
Sige jowain mo 'yang bola. Selos na 'ko Dana ha.

PambansangUnderNiEllaMae
Abby pm.

IcingsaCupcakeNiCoco
Loh ano kaya yon 'te Gia?

KayJemLangKakalampag
Pm means Pake Mo Gabb.

Capt.NiBonitah
Ay wow. Tinuturuan ka na din ni Jem maging maldita?

Hindi ko na pinansin ang ibang usapan nila at agad kong pini-em si Gia.

AbbyTrinidad
Par help. Di na yata ako mahal ni Marsela;(

Ms.Guinevere
Wag kang praning Abby. Its Sela's thing. Puntahan mo na sa kanila.

Hindi na ko nagtanong kung bakit at agad ko namang sinunod si Gia. Eto din naman yung natakbo sa utak ko, kanina ko pa planong puntahan na lang talaga sya. So kinuha ko yung Thule crossover backpack ko at nilagay ko yung mga bagay na tingin ko kakailanganin ko.

'Manila Girls'Onde histórias criam vida. Descubra agora