Special Chap: Flashback

765 92 17
                                    

Abby's POV

"Oh ayan. Hanggang dito na lang ako totoo na 'to." tumigil ako at saka tumingin sa kanya na nakanguso ngayon habang nakatingin din sakin.


"Sabi mo hanggang terminal."


"Terminal na 'to Mahal, ano klaseng terminal pa ba yung gusto mo?" natatawang saad ko bago ko kunin ang kamay nya at iabot ang maleta nya. "Mag-ingat ka okay? Magdasal ka bago lumipad yung plane, ingatan mo yung sarili mo kasi dalawa na kayo sa katawan mo. I love you." binigyan ko pa sya ng isang yakap at isang halik sa labi bago ko sya ngitian.


"Mag-ingat ka din, babalik ako agad Abby." sagot nya at tinanguhan ko naman sya.


"See you on Saturday." huling sabi ko bago ko sya panooring lumakad papunta sa terminal.


Ano kayang mararamdaman nya pag nakita nyang sya lang ang naka FA uniform don? HAHAHAHA Mabilis na tumakbo ako sa malapit sa comfort room kung saan naghihintay sina Gabb at sinalubong ko naman sila ng ngiti.



"Oh isuot mo na agad tapos ihahatid kita sa plane. May mga kinausap si Ms Sheila na nagpapanggap na FA's tapos sina Rans nasa plane na din nagkukunwaring pasahero." excited na kwento ni Gabb at mabilis ko namang sinuot yung uniform nya.



"Shems. Sobrang bagay maging piloto sayo Ate Abby, bakit ba mas pinili mong maging seaman?" umiiling na sabi ni Lara pero tinawanan ko lang sila.



"Ecka yung singsing? Ikaw yung pinabili ko diba?" mabilis kong tinuon ang pansin ko kay Ecka na tumango naman sakin habang nakangiti saka inabot sakin yung redvelvet box at agad ko namang sinilip yung nasa loob non kaya napangiti din ako.



"Nice. Ang galing mong pumili." nakipag-apir ako sa kanya habang iniintay ko si Gabb na matapos sa pagbubuhol ng neck tie sakin.



"Suot mo 'tong Pilot hat ko 'te baka makita ka eh. Kayong dalawa, Lara, Ate Ecka yung cap nyo? Sumakay na din kayo don mga pekeng pasahero." huminga ako ng malalim bago ko hawakan ang mga kamay nila.



"Kinakabahan ako.." mahinang sambit ko at hinawakan naman ako ni Gabb sa balikat.



"Wala sa dugo ng mga Fogi ang kabahan. Kaya mo 'yan Ate Abby!" she smiled kaya naman huminga pa ko ng malalim ng isang beses at kabadong winagayway ang mga kamay ko bago ako tumango sa kanila.



"Okay.. Tara." sabay-sabay kaming lumabas pero naghiwa-hiwalay din kami agad.


Magkasamang naglakad si Lara at Ecka papunta sa Terminal habang tinuro naman sakin ni Gabb ang daanan ng mga piloto papunta sa eroplano. Hindi ko nakita si Sela, baka nilo-load pa yung mga maleta nila gladly naging madali lang ang pagpasok ko sa eroplano. Hinatid ako ni Gabb sa pinakaunahan at namangha naman ako sa mga nakita ko. Ang dami pa lang pinipindot ng mga piloto, ano kayang mangyayari pag pinindot ko 'to lahat?



"Mga ganyang tingin mo Ate Abby ah. Wag kang basta-basta pipindot, etong radio lang ang gagamitin mo kasi this is for the announcement and once na nagsalita ka dyan maririnig ka naming lahat mula don sa passenger seats. Now, para hindi mahalatang fake pilot ka ang una mo muna dapat na sabihin is, 'Let's kick the tires and light the fires.' kasi 'yun yung common line ng mga pilot. Ikaw na bahala kung paano mo sasabihin with your most professional voice. Goodluck Ate Abby."  tinapik nya yung balikat ko tumango naman ako sa kanya bago ako maupo.



Parang mas kinakabahan ako sa dami ng buttons dito, naa-attempt akong pindutin jusko. Actually pwede naman kaming dalawa ni Gabb dito, samahan nya sana ako kaso nanalo yung kaharutan nya at gusto nyang tabihan si Coleen dun sa passenger seat.





'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon