J E A L O U S

1.6K 78 7
                                    

Abby's POV

Kinahapunan, nasa tapat ako ng room ni Marsela at iniintay sya. Hindi kasi kami magkaklase sa lahat ng subject, Hawak ko ang telepono ko habang naka earphone at iniintay sya ng may humila bigla nito sa tenga ko.

Agad naman akong tumayo sa pag-aakalang si Marsela yon dahil may mga estudyante ng naglalabasan.

"Hi." bati nya at sa loob loob ko naman napabuntong hininga ako.

"Rans, kamusta?" bati ko at saka umupo ulit.

"You're waiting for your friends?" tanong nya at napaisip naman ako.

Friends ba kami ni Marsela? Minsan Oo, Minsan hindi lalo na pag hineheadlock nya ako. Hashtag complicated kaya naman ngumiti na lang ako sa kanya.

"About dun sa nangyari sa Arc—

"Hindi ko alam kung nakapag desisyon na sina Alice, sila yung naargabyado ng mga kaibigan mo." sagot ko at tumango naman sya.

"Abby, I really wanna be closed to you. Please don't look at me like how you look at my friends. I'll make it up to you and prove to you that i'm not like them." ngumiti sya at tiningnan ko naman sya.

"Hindi naman kita tinitingnan katulad ng kung pano ko tingnan yung mga kaibigan mo. Ang hirap lang magtiwala." sagot ko at tumango naman sya habang kagat ang labi nya.

"Are you free? How about let's go out. My treat!" masayang sabi nya at sa loob-loob ko napasapo na lang ako sa noo ko.

"Sa susunod na lang, Rans. Sorry." sagot ko at tumungo para itago ang muka ko at iwasan ang tingin nya.

Katahimikan, pagkatapos ng ilang minuto narinig ko na naman sya.

"Abby—

"Rans sa sus—

Tumayo ako para harapin sya pero hindi pala si Rans ang tumawag sakin, napatingin ako mula ulo nya hanggang ID, Marsela Mari Guia at napalunok naman ako.

"Rans?Andito sya kanina?" tanong nya sabay nagcrossed arms.

Napatingin naman ako sa paligid, labasan na pala nila. Nakita ko naman si Ecka na kakalabas lang din at nagmamadaling umalis siguro iniintay sya ni Belle.

"O-Oo kanina." sagot ko at umirap naman sya.

"Do i look like Rans?" tanong nya at mabilis naman akong umiling.

"Hindi!Kinukulit nya kasi ako kanina." nagsimula na syang maglakad at naiiwan naman ako sa likod nya na sinusundan lang sya.

"What did you two talked about?" di ko alam bakit ganto kabado bente ako.

"Nagsorry din sya tungkol dun sa ginawa ng mga kaibigan nya.."

"And?" tumigil sya at tinaasan ako ng kilay kaya naman napaiwas ako sa tingin nya kasi parang anytime mamamatay ako.

"Niyayaya nya kong lumabas- pero di ako pumayag ha! Promise!" mabilis kong tinaas ang kamay ko at nagdadalawang isip na ngumiti sa kanya.

Matagal pa syang tumitig sakin kaya tumitig na din ako pabalik.

"Do you still have anything to say?" tanong nya at may naalala naman ako.

"Babalik pala kami sa probinsya sa friday. Sasama yung mga kaibigan mo, gusto mo din ba?" tanong ko at tumingin naman sya sa taas na parang nag-iisip bago tumingin sakin ng seryoso at sumagot.

"Why don't you go asked Rans to go with you?" pasinghap na sabi nya bago tumalikod at nagsimulang maglakad ulit.


"Marselaaa, teka lang!" mabilis naman akong humabol sa kanya.

'Manila Girls'Where stories live. Discover now