Tologo bo, we?

1.1K 84 8
                                    

Abby's POV

After a week nakapag-adjust naman ako agad sa bahay nina Sela. Nakakatawa lang kasi may times na naliligaw ako sa dami ng rooms at pasikot-sikot ng bahay, mas pinipili ko na lang minsan tumambay dito sa kwarto, sa balcony, sala saka kitchen. Ayoko na mag-explore at baka kung saan pa 'ko mapunta.

Nakatanggap ako ng tawag galing kay Abea kaninang umaga lang, alam na nilang nakagraduate na kami at gusto daw akong pauwiin ni Mama habang bakasyon pa. Di ko alam kung sasama si Sela kaya tanungin ko na lang siguro sya pag nakita ko sya.

"Mahal? Are you going to be fine here? Nagpapasama kasi sakin si Belle kunin yung pinadala ng parents nya for this month. Might as well, kunin ko na din yung sinasabi ni Kuya Miguel na pinadala nya." bungad sakin ni Sela galing balcony habang hawak ang cellphone nya.

"Ganon ba?Hatid ko na kayo?" offer ko at umiling naman sya.

"Susunduin ako ni Belle. Pinasama ko na sa kanya si Ecka para may kasama ka dito." tumango ako at tiningnan sya na busy sa pagta-type sa phone nya.

Grabe aackkk. Ang ganda ng bebe kwaahhh! Iniisip nyo ba kung may nangyari na samin sa 1 week na pagsasama namin dito sa bahay? Wala mga mare, WALA. Pano ba naman, katabi nya na 'ko mas pinipili pa din nyang kayakap lagi si Bucho. Pero di naman ako tanga para magselos sa isang teddy bear..medyo lang.

"Magbihis ka na, aantayin ko sila sa baba." sabi ko binigyan sya ng halik sa noo baka sya tumango at kuhanin yung bathrobe nya.

Palabas na 'ko ng pinto ng room ng bigla nya 'kong tinawag.

"Ay-Mahal!" mabilis ko syang nilingon at tiningnan sya ng may pag-aalala.

"May kailangan ka pa?" tanong ko at ngumiti naman sya ng malaki bago umiling.

"Mahal kita, Mahal." hirit nya bago nagmamadaling pumasok sa malaking CR.

Binabawi ko na yung sinabi ko non, may asukal naman pala talaga sya sa katawan. Sadyang sakin lang nya nilalabas pag ako ang kasama nya at kami lang dalawa. Pangiti-ngiti tuloy akong lumabas ng kwarto at nasalubong ko naman si Nice sa hagdan na pinupunasan yung mahabang hawakan ng hagdan.

"Gooodmorning, Miss Abby. Ganda naman ng ngiti nyan." panunukso nya habang pataas-baba pa ang kilay nya.

Mabilis naman akong nag-clear throat at umaayos ng tayo saka sya tiningnan.

"Ang ganda kasi ng roommate ko e." sagot ko at binigyan nya naman ako ng malaking ngiti habang pinipigilan ang sarili nyang umirit at magtatalon sa hagdan.

"Ang tawag dyan, sanaol." umiiling na sabi nya at tinawanan ko naman sya.

"Nasan si Jewel?Nagbreakfast na ba kayo? Tara sabayan nyo 'ko. Aalis kasi si Sela so baka sa labas na 'yon kumain kasama si Belle." aya ko at kamot ulo naman syang tumingin sakin.

"Miss Abby, never pa namin nagawang kumain kasabay yung mga amo namin e. Nakakahiya naman po."

Napangiti naman ako sa kanya. Kung sa mga palabas laging tinatarayan nung mga amo yung mga katulong nila pwes, hindi to movie kasi wattpad 'to. Kaya naman pinilit ko na sya.

"Masanay ka na. Saka wag mo na ko tawaging Miss Abby, Abby na lang tutal muka namang di nagkakalayo edad natin dalawa." kindat ko sa kanya.

Di ako nagiging flirty ha, friendly 'yon.

"S-Sige na nga, Abby."

"Yown. Ikaw na bahala humanap kay Jewel ha?Baka kasi maligaw lang ako e. Sa baba lang ako aantayin ko mga kaibigan namin tapos sabay-sabay na tayo kumain. Sama mo na din sina Manang Lilibeth." nakangiting sabi ko bago diretsong bumaba ng hagdan at pumunta sa sala para hintayin sina Ecka.


'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon