Secrets and Suprises

1.2K 81 2
                                    

Abby's POV

Nagkaroon kami ng contact kay Stell, at kalmado namin sinagawa yung napag-usapan na dapar magkaaway kami sa harap ng grupo nina Josh. Sa loob ng one week na exam nagsimula ulit silang manggulo nung Thursday kasama na si Stell don para hindi din sya pag hinalaan nina Josh.

"Saan na kayo?" tanong nina Lara ng kaming apat na lang ang maiwan.

"May dadaanan lang kami saglit ni Ecka. Kita na lang tayo dyan sa tapat ng café mamaya gimmick din tayong apat." sagot ko at tinanguan sila.

Sinadya naming ibagsak ni Ecka ang ilang exam para hindi kami makasama dahil nga may usapan kami ni Stell.

"Gegege. Tara Dana kain muna tayo libre mo." natawa kami sa sinabi ni Lara bago kami umalis. Pag sakay namin ni Ecka sa sasakyan agad kong pinatawagan si Stell sa kanya.

Mabilis naman laging pumick-up 'to kaya nasagot nya agad.

"Stell pre."

"Ecka, I can see Abby's car on the way na din ako kita na lang tayo don. We got a help from someone." rinig kong sabi ni Stell since naka speaker phone si Ecka.

"Mapagkakatiwalaan ba 'yan?" tanong ko at narinig ko naman syang timawa ng mahina.

"Yes Batas, I assured you hindi ako humihingi ng tulong sa mga taong balimbing." napatawa din naman ako sa sinabi nya. Naging closed na din kami nina Stell, after nila lagi manggulo nagkikita kami sa likod ng school para kamustahin yung isa't-isa.

"Sabi mo 'yan ah." sagot ko.

"Stell order mo naman ako ng isang flat white tenkyuuu!" dagdag ni Ecka kaya naman tumawa ulit si Stell.

"Sure. Abby? anything you want?"

"Info's. Yun ang gusto ko." nakangiting sabi ko kaya tumugon naman sya.

"Got it." pinatay nya na ang tawag kaya nagsimula na din akong magdrive.

"Nga pala. May nacontact ka na bang family ni Sela?Sobrang lapit na ng Birthday nya." tanong ni Ecka na nakasilip sa bintana. Hindi ako sumagot at mabilis na pinaharurot lang ang sasakyan.

Nang marating namin yung Calm Street Café dumiretso kami agad dun sa table at nakita si Stell na may kasamang isa pang lalaki.

"Abby, this is Sejun a friend of mine. His dad is a Senior Superintendent so I think he can help us." pagpapakilala nya kaya naman kinamayan ko yung katabi nya saka umupo sa harap nila.

"Nice to meet you Sejun. Glad that you agreed na tulungan kami ni Stell." ngumiti ako sa kanya at tumango naman sya.

"Maybe its time na din para mahuli yung mga masamang ginagawa ni Justin saka ng family nya." napakunot ang noo namin ni Ecka.

"Oh bat nasama family nila? Wag nyo sabihin malaking tao 'tong lalabanan natin?" kabadong tanong ni Ecka kaya napatingin na din ako kay Stell at sa kasama nya.

"Abby, think of it. Hindi naman sila magkakaroon ng lakas ng loob na gawin 'yon kala Sela kung walang nagsusupport sa kanila. Justin's family has a lot of dirty works, may kaso na din ang Daddy ni Sejun na matagal ng on-going kaya lang hindi mahuli-huli yung mga suspects pero one of them is Daddy nina Justin. Wala lang matinding evidence and this could be it." paliwanag ni Stell.

"Teka. So ibig nyong sabihin mga sindikato yung lalabanan natin?" Tanong ko at nagkatinginan naman silang dalawa nung Sejun.

"Justin's family once rumored to be a part of the underground black market." nagulat naman kami ni Ecka sa narinig namin.

'Manila Girls'Where stories live. Discover now