A daily life on Guia's

1.1K 101 17
                                    

Marsela's POV

I woke up a lil' bit late today. Supposedly, 5am ako nagigising para 6am ako aalis ng bahay and its already 5:30am, mukhang napuyat ako kagabi because—speaking off. Walang babaerong nakahiga sa sofa.



I stood up and fixed the bed bago ako bumaba binuksan ko yung phone ni Abby and rolled my eyes for what I saw then decided to exit the room. I heard laughter's on the dining area so I peek on the door way and saw Manang Lilibeth and Tita Emma na tawa ng tawa along side with Nice and Jewel dahil sa mga sinasabi ni Abby sa kanila.




I crossed my arms as I watched them. Nakakatuwa lang kasi si Manang Lilibeth never kong nakita tumawa at makipagbiruan ng ganyan since she became my Nanny. I call her Manang but the truth is I've been treating her as a grandma silently.



"Nako Abby tigilan mo nga ako!" akmang hahampasin nya si Abby habang may bitbit na sandok habang walang humpay naman silang tinatawanan nina Nice.




"Hindi nga po tutulungan ko nga kayo oh. Akin na po 'yan."



"Ako na nga, ako na. Gisingin mo na si Marsela doon, jusko bata ka." I smiled habang pinapanood ko sila. Ngayon lang yata ulit naging maingay yung bahay.




"Manang, pahiram lang. Gusto ko lang ma-try kumain gamit yung sandok." they laugh and even me, napatawa ako ng tahimik dahil sa pangungulit ni Abby.



"Ano? Ginawa mo namang kutsara 'tong sandok, ikukuha kita ng kutsara tigilan mo na 'ko."




"Hay nako Abby. Siguro sa sobrang ligalig mo pati si Miss Sela araw-araw naaasar sayo kaya siguro madalas syang nakasimangot pag magkasama kayo." Tita Emma added at napakunot naman ang noo ko.




Ganon ba talaga ako kasuplada tingnan?




"Hindi naman Tita, alam nyo po masyado kasing pribado yung personality ng alaga nyo. Ang lakas din po kaya non mang-asar, eh kapag nasa kwarto kami non wala din kaming ginagawa kundi mag-asaran eh." bida nya kaya naman nagtawanan sila ulit.





"Gusto ko nga makita ulit yung pagiging makulit ng batang 'yon. Alam nyo ba nung kapanahunan ko nung bata pa 'yan halos araw-araw sumasakit ang ulo ko sa kapilyahan nyang si Marsela." napangiti naman ako sa sinabi ni Manang Lilibeth.





Tho I've experienced bullying before hindi ko naman itatanggi yung katarayan ko nung bata pa 'ko. Madalas akong nang-aaway, nagtataray but as I grew up everything changed. Tinanggal ko na yung pagiging makulit kasi I don't want to look childish at kineep ko naman yung pagiging mataray until now.




"Hayaan nyo Manang, ipapakita ko sa inyo pagiging pilya ng alaga nyo—





"What's for breakfast?" I decided to walk in para matigil na yung usapan nila as I sat down sa tabi ni Nice na mabilis namang tumayo.




"Goodmorning Miss Sela." she greeted and so I look at her.



"Bakit ka tumayo Nice?"



"Kasi po kakain na kayo—




"Sit down. Sabayan nyo 'ko." I mumbled at nakita ko naman silang nagtinginan as if asking each other kung dapat ba nilang sundin yung sinabi ko.



"Sige Manang, Tita Emma. Upo na po." aya sa kanila ni Abby kaya umupo na sila.



"Oo nga pala. Si Abby ang nagluto ng umagahan Marsela." Manang Lilibeth said so I look at her and smiled pero I didn't bother na tingnan si Abby.




'Manila Girls'Where stories live. Discover now