M I S E

1.4K 94 0
                                    

Abby's POV

Grabe. Ibang-iba sa pakiramdam ang gumising sa syudad. Kahit na subdivision naman 'tong bahay nina Coleen at tahimik, naninibago naman ako sa kwarto kung saan kasama ko si Coleen.

"Kamusta dun sa pinsan mo 'te?" tanong ni Lara. Andito kami sa isang coffee shop dahil maaga kaming nagkita kita napagdesisyunan ni Gabb na dito na kami mag umagahan.

"Ayos naman. Si Coleen, tinutulungan nya ko sa maraming bagay kaya nakakapag adjust naman ako."

"Nako kung nakita nyo lang kagabi. Mala mansion yung tinitirahan ni ate Abby." bida ni Gabb at napairap naman ako.

"Nakikitira lang naman ako. Pero seryoso pati ako namangha pag pasok ko sa loob.HAHA"

"Nako si Ate Ecka. Tuwang tuwa dun sa condo. Magdamag yatang naglulundag yan dun sa malaking kama nya e." kwento ni Lara kaya natawa kami ni Gabb na sumang-ayon naman sa sinabi ni Lara.

"Dala mo ba yung requirements ate Abby?" tanong ni Gabb at agad ko naman inabot sa kanya ang isang brown envelope.

"Kung tapos na kayo kumain tara na. Dalian nyo. Excited na ko makita yung school na papasukan natin." masiglang aya ni Ecka kaya naman nagsitayuan na kami.

Mabilis kaming nakapag paenroll nung araw na 'yon. Linggo na ngayon at wala akong ginagawa kundi humiga dito sa kwarto namin ni Coleen. Umalis kasi sya may lakad daw kasama mga kaibigan nya. Sinasama nya naman ako kaya lang nahiya naman ako, ayokong maging feeling close no.

Pagkatapos namin magpaenroll kahapon binigay na din samin ng school yung mga notebooks, hindi pala binigay. Binili namin, nagpasukat na din kami ng uniform baka next week pa daw maibigay samin kasi tinatahi pa kaya suot na lang daw muna namin kung anong gusto namin.

Excited kaming apat na pumasok. Di muna kami nagsama ngayon kasi gusto naming lahat ng pahinga dahil nga Lunes na bukas ibig sabihin papasok na kami.

~

"M I S E! M I S E! M I S E!" nasa tapat pa lang kami ng gate naririnig na namin ang mga estudyante sa loob ng School.

"Ano na? Dito na lang tayo sa labas mag-aral?" kinakabahang tanong ni Ecka.

"Oh kahapon lang excited na excited ka." saad ni Lara at napatawa naman kami.

"Ate Ecka, isipin mo nasa loob nyan prinsesa mo iniintay kang pumasok. YiEee tara na!" Aya ni Gabb. Tiningnan ko naman ang mga suot namin bago ako huminga ng malalim.

Naalala ko kaninang umaga...

Flashbackkk~

Pwede na siguro to.

Nakatayo ako sa harap ng salamin at tinitingnan ang sarili kong nakasuot ng pink shirt na may nakaprint na 'Abby' saka ko pinatungan ng lumang jersey.

Bigla namang pumasok si Coleen na nakauniform at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago tumawa.

"Ate Abby?Ano 'yang suot mo?" pigil tawang tanong nya at tumingin naman ako sa kanya.

"Panget ba?" nagdadalawang isip na tanong ko kahit kita ko na ang sagot sa mga tawa nya.

"Ate Abby. Wala ka na sa Encarnasion. Nasa Manila ka na. You can wear whatever you want. You can do everything you want. Ngayon mo ilabas yung style mo." paliwanag nya.

"Eh paanong style ba? Di kasi ako sanay baka mamaya mas pag tawanan ako sa School." sagot ko at umiling naman sya ng may ngiti.

"Ate, like what i've said nasa Manila ka na. Kahit makipagrelasyon ka pa sa bakla, babae o tibo hindi na bigdeal 'yon kasi madaming ganyan dito. May kanya-kanya tayong karapatan dito. Wear whatever you want pero wag ganyan kasi masyado kang mapaghahalataan na probinsyana. Tingnan mo yang name sa tabi ng chest mo, ano 'yan? Name tag?" biro nya at natawa naman ako kasi tama sya.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon