The Plan

1.2K 82 2
                                    

Abby's POV

Linggo ng tanghali, nakaupo lang ako sa sala habang tinutulungan naman ako ni Coleen maglagay ng ointment sa paa ko, nasaktan kasi talaga dahil ang pangit ng pagtalon ko gawa ng tulak ni Belle.

"Medyo okay na ba 'te?" tanong ni Coleen at tumango naman ako.

"Okay na 'yan. Bukas magaling na 'yan panigurado." sagot ko at tinabi nya naman yung ointment.

"Dapat lang. May pasok na bukas you can't be excused kasi bukas na yung exam." umupo naman sya ng ayos sa tabi ko at saka kinuha yung remote ng TV.

"Coleen, kilala mo ba family ni Sela? May contact ka ba kahit isa sa kanila?" tanong ko at tumingin naman sya sakin ng nakakunot ang noo.

"Wala. Pero search mo na lang sa IG si Kuya Ugi, pogi ng kuya non ni Ate Sela. Wag magbabago isip mo ah baka kay Kuya Ugi ka bigla magkagust-

"Ikaw bata ka dami mong alam nagtanong lang ako." putol ko sa kanya at pabirong tinulak sya.

"Just kidding. Pero seryoso, search mo na lang po Miguel Guia. O di kaya yung Ate nya si Ate Aya." kibit balikat na sabi nya at ngumiti naman ako sa kanya.

"At anong score ni Gabrielle kay Coleen?" tanong ko at ngumisi naman sya sakin.

"Sikret para malupe-

"Hoy Coleen ha." pinisil ko naman ang pisngi nya then she whined.

"I was just kiddinggg Ate Abby. Of course you know naman po mag e-18 pa lang ako this year diba? Willing to wait naman daw si Gabb, hopefully sana nga marunong syang maghintay." sagot nya.

"Marunong 'yon. At kung sakali mang mali ako, ako mismo magbabalik sa kanya sa Encarnasion." biro ko at tumawa naman sya.

"Grabe yornnn. Pero thankyou Ate Abby." malambing na sabi nya at yumapos sakin.

Bigla kong namiss si Abea, kahit napakalakas non mang-asar bunso pa din namin 'yon eh.

"Coleen, aalis muna kami ni Mark. Abby ikaw na bahala kay Coleen Okay?" singit ni Tita Aira na kakababa lang ng hagdan.

"Okay po Tita."

"Byeee Mommy~" baby na baby amp.

"Okayyy~" nang makaalis na sina Tita Aira tiningnan ko naman si Coleen saka tumawa.

"Baby yarnnn?"

"Baby po ni Gabb." Aba may pagdila ang bata.

"Ang cute mo talaga. Pwede ba kita isako?" biro ko at tumayo naman sya saka nang-asar.

"By the way, kuha lang ako ng snacks Ate Abby." paalam nya at tumango naman ako.

Naiwan akong nakatitig lang sa TV nang maalala ko bigla yung pinag-usapan namin ni Stell.



Flashbaaackkk!

Mabilis at maingat kaming pumunta ni Ecka sa sinabing address ni Stell. Sobrang layo nya sa school.

"Mars, san ba kasi tayo pupunta?" kanina pang tanong ni Ecka.

"May taong kailangan ko makausap. Wag kang maingay sa iba please." pakiusap ko at tiningnan nya naman ako.

"Babae mo?Gago Abby di ka pa sinasagot ni Sela may babae ka na aga-

"Mema ka manahimik ka na lang." irap ko at tumawa naman sya.

'Manila Girls'Where stories live. Discover now