Moonlight

851 115 25
                                    

Marsela's POV

"Avi yen!"


"Yahaha! Habol Tita Ninang!"


"Ibibitin kita ng patiwarik pag inabutan kitaaa!" a playful sigh escaped from my mouth habang pinapanood sila Gia na naghahabulan sa second floor habang ako, inaayusan ng buhok si Yve dito sa living room.


"Avi, wag kang tumakbo sa hagdan baka mahulog ka!" I warned nung napansin kong tatakbo sya pababa ng hagdan.


"Stop na Avi! Tita Ninang is getting tired na." pagod na sabi ni Gia.


"Yow not gonna get me Tita Ninang!" nasa gitna na ng hagdan si Avi ng lingunin nya si Gia na nasa pinaka taas pa ng hadgan habang hawak ang tiyan nya obviously breathing heavily.


Napatayo naman ako ng mapansin kong mamamali ng hakbang si Avi kaya mabilis kong nabitawan si Yve at tumakbo sa baba ng hagdan.


"Avi no!" nakita din naman ni Gia 'yon at mabilis na pagkilos ang ginawa nya. Nagpadulas sya sa kaliwang parte nung hagdan saka nya mabilis na inabot yung damit ni Avi to prevent him from falling.


She's gripping on the back of his shirt using her left hand habang yung kanang kamay naman nya ay mahigpit na nakakapit sa gilid ng hagdan to prevent herself from sliding.


"Sorry baby boy, but I got yah!" inis at nag-aalalang tumakbo ako pataas ng hagdan para kunin sya sa pagkakahawak ni Gia.


"Ano ba Avi! Muntik ka ng mahulog! Ang kulit-kulit mo! If that's how you behave with your Mama, ibahin mo ko. I don't like the way you misbehave with me because I'm getting tired Avi Kane!" I said bluntly out of sheer concern.


Sa sobrang pag-aalala ko di ko namalayang nasigawan ko sya, not until he started to sob. Napansin ko din ang mahigpit na kapit ko sa braso nya kaya napakalas ako, damn what did I do.


"I-I'm sowi M-Mommy—


"N-No baby. I'm sorry, hindi sinasadya ni Mommy. I'm worried, muntik ka ng mahulog. I don't know what to do if somethings happen sa inyo ni Yve habang wala si Mama." I let out a sigh then hugged him immediately.



I shouldn't be like that, bata pa sila at alam kong natural naman sa kanila yung pagiging malikot. Sa pagod ko na siguro 'to dahil ilang araw ng di umuuwi sina Nice at ako lang ang naiwan na magbantay kala Yve araw-araw except the days na pumupunta si Gia, gladly to help me. Pero hindi naman araw-araw andito sya. Si Ate Aya naman gabi na din nakakauwi, yung mga bodyguards naman naka-assign sa bawat sulok ng bahay hanggang sa labas at hindi naman nila trabahong alagaan yung mga bata 'coz obviously their jobs is to secure us.



"S-Sowi Mommy, I-I miss Mama." Avi cried then I lift him up saka dinala sa living room at inupo sa tabi ni Yve.


"Konti na lang mga baby. We're counting diba?Three days to go na lang uuwi na si Mama." malambot na sabi ko while softly stroking their hair.


"Stop being makulit na Avi okay? You see your Mommy turning into GodSela? It's not good for us if you continued being naughty we're gonna die she's gonna headlocked us." Gia said and I chuckled before wiping Avi's tears.


Ayokong matakot sakin yung mga anak ko, sa pahinga ko dapat dinadaan yung pagod na nararamdaman ko at hindi sa kanila.


"Babawi si Mommy, I'm gonna call Mama later tapos lalabas tayo mamayang gabi pupunta tayo kay Tita Ecka to celebrate her birthday, is that good?" I grinned at them at tumango naman silang magkapatid.


'Manila Girls'Where stories live. Discover now