Cheerer

1.4K 90 3
                                    

Abby's POV

Ano na naman ba 'yon Abelaineee?! Gusto mong mapalapit sa kanya pero paulit-ulit mo naman syang iniiwan sa kamay ng lalaking 'yon!

Dumiretso ako sa CR para maghilamos at pagalitan ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Ako nga yung ginawang taga bantay sa kanya pero di ko naman sya nadedepensahan.


Pano ka ba makakabawi? Alam ko naman sa sarili kong unang kita ko pa lang kay Marsela gusto ko na sya at alam ko din sa sarili kong hindi naman ako ganto pag nagkakagusto ako kasi alam ko kapag may gusto ako pinaglalaban ko. Pero ba't ako naduduwag para kay Marsela? Tanginaaa bakeeettt!


"Uh. Excuse meee? Hindi ka pa ba tapos dyan?" rinig ko ang boses ng isang babaeng nagpipigil kaya naman huminga ako ng malalim at mabilis na binuksan ang pinto.


"Sorry." dumiretso ako sa gilid para kumuha ng tissue at nagsalamin na din. Habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin lumabas naman yung babae.


"Success." ngiti nya sabay hugas ng kamay sa lababo.


"Sorry natagalan." mahinang sabi ko at napatawa naman sya.


"Okay lang. Umabot pa naman." tumango ako at napansin syang nakatingin sakin sa salamin.


"B-bakit?" tanong ko at napangiti naman sya.


"Bago ka no?" tanong nya at napatango naman ako. "I'm Rans."


Inabot nya ang kamay nya at ayoko namang isipin nyang maarte ako kaya tinanggap ko 'yon.


"Abby."


"Nice to meet you, Abby. Well, see you when i see you." ngiti nya bago lumabas ng comfort room.


Lumabas na din ako at nagmadaling pumunta sa room ko dahil baka nga kanina pa nagsisimula ang klase ko.


Pagpasok ko nandon na si Ms. Anne mabait naman sya at alam nyang bago lang ako kaya pinapasok nya ko agad sa klase nya. Nakita ko naman si Marsela na nakaubob sa desk nya, hindi na ko kumibo at tiningnan ko lang sya na nakapikit. Ayokong maramdaman nyang nakatitig ako sa kanya kaya naman inalis ko agad ang tingin ko sa kanya at hinanap si Ecka na nakaupo sa bandang likudan ko.


Sumenyas sya sakin na parang nagtatanong kung anong nangyari kay Marsela pero hindi ako kumibo.


~


Mabilis na lumipas ang araw na 'yon. Wednesday na at walang pasok dahil busy ang MISE para sa event na gaganapin mamaya. Nasa condo ako nina Gabbo, nagkukwentuhan sila pero tahimik lang akong nakatutok sa malaking telebisyon.


"Nakakatuwa talaga mga bro. Alam nyo yung, ang lapit lapit na namin ni Belle sa isa't-isa. Skskskks enebe." kwento ni Ecka.


"Hala ka 'te. Bawal mafall task satin nina ate Sheki na bantayan sila." sagot naman ni Gabbo.


"We? Bawal mafall? Eh bat whipped na whipped ka kay Coleen?" depensa naman ni Ecka at nagsimula na nga silang mag-asaran.


"Ano pa 'to si Ate Lara. May paflashlights pa hashtag supportive lover ka?" asar ni Gabb sa patawa-tawang katabi ko.


"Syempre. Kayo na nagsabi diba, hate tayo ni Brei so kailangan bumawi tayo sa kanya." napaisip naman ako sa sinabi ni Lara.


'Hate tayo, bumawi tayo.'


Napabuntong hininga naman ako kaya nakuha ko ang mga atensyon nila.


"Ano pa 'to si ate Abby." panimula ni Gabb na sinundan naman ni Ecka.


'Manila Girls'Where stories live. Discover now