Date Night

1.2K 103 12
                                    

Abby's POV

Natapos na kami kumain at nagsimula na ding dumating sina Gabb at Ecka kasama sina Coleen at Belle kinahapunan.

"Yesss akala ko di na ko makakabalik dito." bungad ni Belle sabay nag-unat.

"Gusto mo ba dito?Pwede namang iwan ka na namin dito sa susunod." biro ni Ecka at nagtawanan naman kami.

"Okay lang. Basta ba iiwan nyo din si Sela dito e-Speaking of who. Asan ang magaling mong asawa Mrs. Abelaine?" biglang tumaas ang kilay nya kasabay nung iba na biglang nagcrossed arms at tiningnan ako ng masama.

"T-Teka bat parang kasalanan ko?" tanong ko then Coleen steps forward.

"Kasalanan mo talaga Ate Abby! Hindi mo kami ginising at ininvite sa kasal. I could've been the bride's maid or flower girl!" nagtatampong sagot nya.

"AT! Walang nakarating na handa samin, tapos gumising kami wala na kayo sa Manila?Nauna na kayo dito di nyo kami sinama!!" sabi naman ni Sheki habang nakapamewang pa.

"Bukas ako babawi sa fiesta, akin lahat ng handa nyong lumpiang shanghai." singhal ni Belle.

"Teka nga. Ecka, Alice. In-explain nyo ba ng maayos yung nangyari sa mga 'to?" tanong ko at nagkatinginan naman sila.

"Walang labis, walang kulang." sabay na sagot nila at nakakunot naman ang noo ko na tumingin pabalik kala Coleen.

"Sure kayo?Eh bat parang kulang-kulang pa din sila?"

"Wag mo na pansinin Abby, matagal nang kulang-kulang 'yang mga yan." sagot ni Ecka kaya nagtawanan kami pero hindi sina Belle na inirapan lang kami.

"Dadating ba si Rans?Binigay nyo ba yung address?" pagbabago ko sa topic para makalimutan nila tampo nila sakin kahit mga 5 minutes lang.

"Hahabol sya. I've given her the address, wait bakit ba pati si Mommy Rans pinapunta nyo?" Coleen asked at tumawa naman ako.

"Malalaman nyo bukas." ngisi ko sa kanila.

"Abby pwede na ba kami magpahinga? Si Sheki kanina pa inaantok sa sasakyan e." napatingin naman ako sa babaeng katabi ni Alice, kaya pala hindi sya masyado maingay ngayon.

"Oo sige. Akyat na kayo sa taas nina Coleen, tawagin ko lang si Abea." pumasok ako sa loob at saka hinanap si Abea. Nahagip ng mata ko sina Sela at ang family nya na kasalukuyan pa ding kausap sina Papa sa living room at mukang nagkakasundo na.

Si Alice at Sheki lang ang natulog dito sa bahay sinama nina Ecka sina Belle at Coleen sa mga bahay nila. Hindi sumama si Gia, Ella, Jem at Dana, bad mood daw kasi si Jem kaya walang magawa si Dana kaya magpaiwan na lang din. Si Gia at Ella naman naghahanda sa pagpunta nila sa Quezon. Pagkatapos nila magpahinga, tinulungan na din nina Papa sina Tito Daddy na dalhin yung mga gamit nila sa guest room kung san sila mag-iistay for this night. Pero syempre, sa kwarto ko makakasama si Marsela, mwehe.

Gabi na at nasa taas na silang lahat, naiwan akong naghuhugas ng pinggan dito sa kusina, muntik na kong mapatalon ng biglang lumitaw si Sela sa tabi ko habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

"Ang sipag, asawa ko ba 'yan?" hanggang ngayon triple pa din ang nagiging tibok ng hearttt ko sa twing maririnig ko syang tinatawag akong asawa nya, aaackkk enebe kese kenekeleg eke ih.

"Ang ganda naman ng katabi ko, 'yan ba yung pumikot sakin?" asar ko para maitago ang pamumula ng muka ko at successful naman dahil suminghal sya bago nya ko itulak ng mahina.

Lumipas ang isang minuto at nagtataka ko syang tiningnan, bigla kasi syang nanahimik. Asaarrr 'yarn.

"Okay ka lang?" tanong ko habang pinupunasan ang ibang baso at tiningnan nya naman ako bago sya pumunta sa likod ko at binigyan ako ng back hugged.

'Manila Girls'Where stories live. Discover now