Special Chap: Flashbackz

960 115 17
                                    

Abby's POV

"Sela, tara na." magkakalahating oras ko ng nilalambing 'tong maganda pero toyoing asawa ko para sa unang ultra-sound nya kaso dinalaw ng topak at morning sickness si kamahalan.

"I don't want too." payak na sagot nya habang nakasubsob sa unan at nilapitan ko naman sya saka umupo sa kama. Limang buwan na yung tiyan nya at malaki na din yung baby bump nya kaya sobra akong natutuwa tuwing nakikita ko sya.

"Sure ka? Ayaw mo talaga? Ayaw mong makita yung future baby natin? Ayaw mong malaman kung healthy ba sya? Ayaw mong—

"Abby look at me! Tumataba na 'ko siguro naman healthy sya!" she whined at saka umupo para tumingin sakin, "Tingnan mo nga yung pisngi 'ko—

"Oh anong meron? Mas lalo ka ngang gumaganda, ang blooming mo kaya—


"Mukha akong bulldog!" inis na putol nya sakin saka bumalik sa pagkakahiga habang pinipigilan ko naman ang sarili kong tumawa.


Pigilan mo sarili mo Abby baka kung ano pang mangyari.


"Ano ba 'yang mga iniisip mo, Mahal? Oo nga mukha kang bulldog ngayon pero wag mo na lang isipin." biro ko na mabilis ko ding pinagsisihan ng sipain nya ko ng malakas dahilan para maglaglag ako sa kama.


"Wag mo 'kong bwisitin ng bwisitin Abby. Ayokong maging kamuka mo yung anak ko." mataray na sabi nya dahilan para tumayo ako mula sa lapag ng nakakunot ang noo.


"Bakit naman hindi?Anak ko din 'yan, kasal na tayo so obviously pag lumabas 'yan Trinidad ang apelyido nyan. Halika na baka kanina pa naghihintay yung Doctor mo sayang naman yung pagpapa-appointment ni Ate Aya, professional Doctor pa naman yung titingin sayo." mahabang paliwanag ko pero nakakuha na naman ako ng malditang sagot.


"Kung gusto mo ikaw na lang magpa-ultra sound Abby, ipa-check mo yung mga bulate mo sa tiyan." relax Abby. Asawa mo 'yan.


"Ipapa-check ko sila kung sasama ka. Baka kasi nakuha ko sila sa pagkain ko ng kung ano-anong palaman na nilalagay ko sayo—


"Wow. Abelaine, talaga lang ah. Sating dalawa ikaw ang tamad maligo kaya kahit araw-araw mo pa gawing palaman 'tong katawan ko never kang bubulatihin." asar na sagot nya bago ako irapan at tumayo sa kama habang ako patawa-tawa lang dito sa lapag.


"So ano?Pupunta na ba tayo?" tanong ko ng mapansin kong dinampot nya na sa wakas yung mga gamit nya.


Kanina pa kami bihis eh sadyang bigla lang syang sinumpong.


"Tara na, pagkatapos natin sa check up bumili tayo ng donuts." mataray pero nakangusong sabi nya. Sabi ko na nga ba sinuhulan na naman nya yung sarili nya.


Nung nkarating kami sa hospital ay agad na pinapahidan ng kung ano man nung Doctor yung tiyan nya habang hawak ko naman ang kamay nya at excited na nakatutok sa monitor.

"Okay Mrs Trinidad, breath and relax. We'll see kung healthy ba yung baby nyo." nakangiting sabi nung Doctor at saka kinuha yung transducer at pinatong sa tiyan ni Sela.


Excited at wala sa sarili namang nakaabang ako sa video monitor kahit na gulong-gulo at wala akong maintindihan. Nabigla lang ako when the Doctor suddenly gasps kaya kabado akong tiningnan sya.


"Bakit Doc?Anong meron?" tanong ko at saka tiningnan si Sela na kunot-noo ding nakatingin sa monitor bago ibaling ang tingin nya sa Doctor na bigla na lang ngumiti, creepy.


"You're an IVF patient right?" tanong nya na parang hindi sya makapaniwala.


"Yes, and this is my first time." mahinang sagot ni Sela habang humihigpit ang kapit nya sa kamay ko.


"Well, mukhang kailangan nyong pasalamatan ang lahat ng bathala dahil hindi lang isa ang dinadala mo Mrs Trinidad. Congratulations, you have a healthy twins!" paliwanag nya kaya naman biglang nanlaki ang mga mata ko at halos mabitawan ko si Sela at akmang tutumba na 'ko dahil sa narinig ko.


"Twins?Kambal? Kambal! May kambal na tayooo, Mahal!" mabilis kong inayos ang sarili ko at saka masayang tiningnan si Sela na maluha-luhang nakatitig sa monitor.


"Tinagalog mo lang yung twins eh." aniya habang humihikbi at umiiyak sa tuwa.


"I can clearly see na malaking bata yung isa...pero pareho naman silang malusog. See that? That's their heartbeat." turo nung Doctor sa monitor.


"Pwede na po bang malaman yung genders?" naluluhang tanong ni Sela at nginitian naman sya nung Doctor.


"Well since you're already in 18 weeks of pregnancy that means you're a 5 months pregnant so yes. Pwede na nating malaman, let me." he said bago igala yung transducer sa tiyan ni Sela.


Binitawan ko yung kamay ni Sela para dukutin yung cellphone ko at mabilis na kinuhaan ko ng litrato yung monitor.

"Isesend ko kala Tito Daddy!" excited na sabi ko saka ko hinawakan ulit yung kamay ni Sela at inintay yung Doctor.


"Look at that, sobrang pinagpala nyo naman. It was a girl, she's really big." nakangiting sabi ni Doc habang pinapaliwanag samin yung pwesto nung kambal. "And this one here is a boy, a tiny but healthy one."


Halos lumundag na 'ko sa saya habang titig na titig sa monitor, parang gusto ko bigla magtatalon sa gitna ng ulan.


"Oh my god." bulong ni Sela habang nakangiti.


"Sure ako mahihirapan kang mag-deliver kaya I suggest na sa hospital ka na mag-labor kapag malapit na yung due mo." paalala nung Doctor at saka tinanggal na yung transducer sa tiyan ni Sela kaya inayos ko na yung damit nya at saka inabutan sya ng mineral water na binili ko kanina.


"Doc, pwede ba naming makuha yung ultrasound pictures?" tanong ko habang kumikinang ang mata ko sa luha dahil sa saya.

"Sure, I'll be back." hinubad nya yung gloves nya at saka lumabas ng room.

Nung umalis yung Doctor masayang tiningnan ko naman si Sela na hawak ang tiyan nya habang humihikbi kaya nilapitan at niyakap ko sya.


"Kaya naman pala mukhang bulldog ka—


Mabilis akong napabalikwas ng hinampas nya ko sa braso kaya tinawanan ko sya habang pinupunasan ko ang sariling luha ko.

"Mommy, mommy na din ako." umiiyak na sabi nya habang binabanggit ang pangalan ni Mommy Mena.

I kissed her forehead bago ako umupo sa tabi nya sa hospital bed at niyakap sya.


"See. Sabi ko sayo hindi lang tala ang ibibigay ko sayo, pati langit Sela. At ikaw ang magsisilbing buwan naming tatlo." malambing na hinalikan ko pa sya sa labi bago ko sya nginitian at tinitigan.


"Anong gusto mong pangalan?" tanong nya at napaisip naman ako.


"Sabi ko nga, sila yung tala at langit. Edi Star and Sky ipangalan natin." kibit-balikat ko at inirapan nya naman ako.


"Ang talino mo 'no? Nasan yung utak mo? Sa paa? Witty mo ah." tingnan mo, asar na naman.


"Witty na cutie." dinilaan ko pa sya para maasar sya lalo at tagumpay naman yon ng ibato nya sakin yung bote ng tubig.

"Hindi ka na makakaulit sakin Abby sinasabi ko sayo." tinawanan ko na lang sya bago namin inintay na bumalik yung Doctor.


Magiging mabuting magulang ako, pangako ko sa sarili ko 'yan.




A/N

Sinong mabagal mag-UD? Bakit ang bagal nyo? Tamad ah. Have a nice afternoonnn!

-Tiger

'Manila Girls'Where stories live. Discover now