CHAPTER 35

447 12 0
                                    

CHAPTER 35

CLYDEN POV

"Lianna?" Rinig kong takang bulong ni Mom. Mukhang ngayon pa lang niya narealize 'yung pangalan na tinawag ko.

"Yes, Mom because..." Binitin ko pa ang sasabihin ko nang makita ko ang pagtataka sa mukha ni Lianna.

Shit, hindi ko alam na sa ganitong paraan sila magkikita. Dahil sa proposal ko ay nalimutan ko ng ipakilala si Lianna sa mga magulang namin.

Masyado akong naging busy kaya nalimutan ko na ang tungkol do'n and I'm sorry about that. Ang sama ko atang Kuya at anak.

"...because she's my long lost sister." Pagpapatuloy ko at kita kong parehas na nanlaki ang mga mata nila.

"What?!" Gulat na tanong ni Lianna. Ngumiti lang naman ako sa kaniya.

"Meet our mother, Lianna." Nakangiting sabi ko at itinuro ko pa si Mommy sa kaniya.

Nagkatinginan silang dalawa at kita kong umiiyak na si Lianna. Alam kong matagal niya ng gustong mangyare ito.

Ang makita niyang muli ang Mommy niya na matagal niyang hindi nakita. Na matagal niya ng gustong makita ulit. Natutuwa ako dahil kumpleto na kami ngayon.

"M-mommy?"

"Lianna, a-anak?" Sabay na sabi nila habang nakatingin sa isa't isa. Gano'n na lang ang tuwa ko nang makitang magyakapan sila.

"Totoo ba ito, Clyden? Ito na si Lianna? Ito na ang kapatid mo? Ang laki niya na." Sabi ni Mommy sa 'kin.

"Yes, Mom. That childish girl is my long lost sister." Sabi ko pa at natawa.

"Childish ka pa rin, anak?" Natatawa ring tanong ni Mommy kaya ayun, napanguso si Lianna.

See?

Mafia siya pero isip bata kaya nakakagulat talaga na isa siyang mafia. Kaya hindi na ako magugulat kung maraming magugulat kapag nalaman nilang mafia itong kapatid ko. Mas magaling pa siya sa 'kin.

And I'm proud of my sister.

"Hmmp, ano naman? At least maganda." Sabi niya kaya parehas kaming natawa ni Mom at mas natawa pa kami nang mas humaba ang nguso niya.

Ang cute pa rin nitong kapatid ko, walangya. Masaya ako dahil walang nagbago sa kaniya.

"Childish na mahilig sa chocolate at lollipop." Pang-aasar ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin pero imbis na matakot ay mas inasar ko lang siya.

Matapos no'n ay ipinakilala na rin ni Mommy si Lianna kay Daddy. Gano'n na lang din ang tuwa ni Daddy dahil nakita na daw niya si Lianna.

Ito ata ang unang beses na nagkita silang dalawa, eh.

"Daddy, alam mo ba 'yang si Kuya kanina pa ako inaasar. Ang bad niya, ipabugbog ko kaya siya kay hubby?" Sumbong niya kay Dad na tinawanan lang siya.

Busy ang lahat ng bisita ngayon sa pagkain at 'yung wife ko ay busy naman sa pakikipagchikahan sa mga kaibigan niya kaya hinayaan ko na lang muna siya at dito muna ako sa pamilya ko.

Wife?

Ang sarap naman pakinggan no'n at balang araw ay gagawa na rin kami ng sarili naming pamilya. Hindi na ako makapaghintay na mangyare 'yon.

"Sinong hubby?" Takang tanong ni Dad kay Lianna.

Natawa naman ako dahil sigurado akong kawawa si Zack nito kapag nalaman ni Dad na may boyfriend na itong si Lianna.

"Hubby ko, Dad. Boyfriend ko hihi." Sabi niya at kinilig pa nga. Aba, marunong pa lang kiligin ang kapatid kong 'to?

"Ano?! May boyfriend ka na?!" Gulat na tanong ni Dad. Pasigaw pa kaya nagulat din si Lianna.

"Opo, bakit po? Matagal na po kami ni hubby. Siya po ang kasama ko no'ng mga panahon na ako lang mag-isa. Bukod kila Claudia my friend, si hubby 'yung laging nandyan sa tuwing kailangan ko ng makakausap." Sabi ni Lianna at napanguso pa.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kaya nga payag ako na maging sila dahil alam kong mahal naman nila ang isa't isa at malaki rin ang utang na loob ko sa gagong 'yon dahil lagi siyang nasa tabi ng kapatid ko no'ng mga panahon na wala ako para alagaan ang kapatid ko. Tsaka wala naman na akong karapatan na pakealam ang buhay nilang dalawa.

Kaya kapag nalaman ko na sinaktan niya itong kapatid ko. Naku, ihanda niya na ang libingan niya dahil ililibing ko siya nang buhay.

"Gano'n ba? Nasaan ba siya? Pwede ko ba siyang makausap?" Tanong ni Dad habang katabi niya si Mom na pinapanood lang naman kami.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Lianna at agad siyang umiling na ikinakunot naman ng noo ni Dad.

"Bakit?" Takang tanong ni Dad sa kaniya.

"Ayaw ko nga. Alam kong sasaktan niyo siya, eh kasi nalaman niyo na boyfriend ko siya. Alam ko na 'yang ganiyan. Sasabihin niyo na kakausapin niyo pero hindi naman talaga kasi susuntukin niyo siya, ganiyan kaya hindi ako papayag na makausap mo siya Daddy, hmp." Sabi niya at tumayo na sa pagkakaupo niya at nagpaalam na sa 'min na pupuntahan niya daw ang hubby niya.

"Hubby!" Sigaw niya nang makita si Zack at agad siyang tumakbo palapit kay Zack at agad itong niyakap.

Napatingin ako kay Dad na ngayon ay nakanganga dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Lianna.

Samantalang si Mommy naman ay tinawanan lang si Dad kaya pati tuloy ako napatawa na rin.

"Bingo haha." Sabi ko at napahagalpak na naman ako nang tawa.

Kahit ako ay hindi ko inaasahan na sasabihin ni Lianna 'yon. Saan niya naman kaya nalaman ang tungkol do'n?

"Hindi ako makapaniwala na sinabi niya 'yon. Mukhang ayaw niyang masaktan ang hubby niya, ah." Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Dad.

Napangiwi lang naman ako. Kung alam mo lang, Dad baka ikaw pa saktan ni Lianna kapag nalaman niyang may balak kang saktan ang mahal niyang hubby, tsh.

Matapos no'n ay nagpaalam na ako na pupuntahan ko na 'yung soon to be wife ko.

At ayun, nakita ko naman siya na kadaldalan ang mga kaibigan niya.

"Pwede ko bang mahiram ang  bestfriend niyo?" Tanong ko at hinapit ko siya sa bewang niya at hinalikan ko siya sa pisnge niya kaya napalingon siya sa 'kin.

"Yes, of course! Paano ba 'yan, ghorl? Later na lang ulit, kinukuha ka na sa 'min ng future husband mo haha." Sabi ng kaibigan niya kaya natawa naman kami.

"Sige, sige na haha. Salamat ulit." Sabi ni Lydia at kumaway na sa mga kaibigan niya.

Nang mawala na ang mga ito ay agad kong hinalikan si Lydia sa labi niya na ikinagulat niya kaya nahampas niya ako sa balikat. Tumawa lang naman ako.

"Loko ka haha." Natatawang sabi niya sa 'kin.

"Tara sa kwarto, unahin na natin 'yung honeymoon." Sabi ko sa kaniya kaya nakatanggap ako ng kurot galing sa kaniya.

"Tara ba." Sabi niya at ngumisi sa 'kin.

Natigilan naman ako at tiningnan siyang tumakbo palayo sa 'kin. Nang matauhan ay agad ko siyang hinabol.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw ko habang hinahabol ko siya.

"Habulin mo ako! Kapag nahuli mo ako, una honeymoon natin!" Sigaw niya kaya ginalingan ko sa pagtakbo at gano'n na lang ang tuwa ko nang mahuli ko siya.

Tatawa-tawa naman siya habang yakap ko siya. Magsasalita sana ako nang halikan niya ako nang mabilisan.

"Tara na, baby." Sabi niya, nang-aakit kaya nakagat ko ang labi ko at walang pagdadalawang isip na binuhat siya ng pa bridal style kaya napatili siya.

"Wala ng bawian 'yan." Sabi ko habang buhat siya at naglalakad na papuntang kwarto namin dito. Tatawa-tawa naman siyang tumango.

Nice!

To be continued...

That Childish Girl Is My Long Lost SisterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin