CHAPTER 25

433 16 4
                                    

CHAPTER 25

CLYDEN POV

"Really?" Gulat na tanong ko matapos marinig ang sinabing 'yon ni Clark.

Matagal ng hindi bumabalik ang boss queen ng La Chierra group sa hindi namin alam na dahilan kung bakit siya umalis.

Yes, magkakampi ang grupo namin at tinutulungan namin ang grupo niya no'ng umalis siya.

Ngunit hindi sakto ang tulong namin dahil wala din kami do'n para gabayan ang mga grupo namin.

Kaya natutuwa ako sa nalaman ko na nagbalik na siya. Kahit na kakampi namin sila ay hindi namin kilala ang boss queen nila.

Yes, nakakaharap namin siya pero nakatakip ang mukha niya at hindi siya nagsasalita kaya hindi namin siya kilala.

Kahit na ganon ay alam namin na malakas siya kaya nga ganon na lang ang lungkot namin ng umalis siya.

"T-teka, anong sabi mo?" Tanong bigla ni Claudi. Napakunot naman ang noo ko dahil sa naging reaction niya.

"Boss queen ng La Chierra, bumalik na." Kunot noong sabi ni Clark.

"Shit." Rinig naming sabi niya. Napataas naman ang kilay ko.

Bakit ganon na lang ang reaction niya nang malaman 'yon?

"May alam ka ba tungkol sa Mafia?" Tanong bigla ni Zack, naunahan ako.

"A-ah wala naman hehe." Sabi niya at maya maya ay bigla siyang lumabas ng kwartong 'to.

What the...

"May tinatago 'yon." Napatingin kami kay Jasmine nang bigla siyang magsalita.

"Kahit anong sama nang tingin niyo sa 'kin hindi ko alam kung nasaan 'yang isip bata niyo." Sabi niya na naman at pa chill na sumipol pa.

"Manahimik ka na nga lang diyan." Sabi naman ni Sky na inirapan lang naman siya ni Jasmine.

Magsasalita sana ako nang mag ring ang cellphone ko at kita ko sa pangalan ng tumatawag ay si Lianna.

Fuck!

"Lianna?" Sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya. Napatingin tuloy sila sa 'king lahat.

"Hey yow, kuya hihi." Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong si Lianna 'yon at mukhang wala namang masamang nangyare sa kaniya.

"Where are you?" Tanong ko.

"Ahm secret, kuya hihi. Basta, okay lang naman ako. H'wag na kayo mag-alala sa 'kin hihi. Nasa–" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil bigla na lang niya 'yun binaba.

What the...

"Where is she?" Tanong ni Zack sa 'kin nang itago ko na ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

"I don't know. Hindi niya sinabi pero okay lang daw siya. Nasa maayos naman daw siyang lugar." Sabi ko at tumango tango naman siya.

May tiwala naman kami kay Lianna sa mga sinasabi niya. Siya 'yung tipo ng tao na hindi nagsisinungaling.

"Baka kasama naman niya sila Mila at Lia." Sabi naman ni Liam.

"Oo nga." Sabi naman ni Sky.

"Ay, mga bossing. May natanggap pa 'kong text sa kanila. Kailangan niyo daw bumalik do'n ni boss Zack para kausapin 'yung boss queen ng La Chierra group." Biglang sabi ulit ni Clark.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now