CHAPTER 18

469 15 0
                                    

CHAPTER 18

CLYDEN POV

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" Tanong ko kay Jasmine nang makalabas kami ng classroom nila Lianna.

Ayaw ko sanang iwan don si Lianna pero kailangan para hindi mahalata ni Jasmine na may alam na 'ko.

"Ahm–" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang tumunog ang cellphone niya.

Nandito kami sa garden ng school. I don't know kung anong pag-uusapan naming dalawa.

"Wait lang, kuya. Sagutin ko lang 'to." Sabi niya at tumango lang naman ako.

Napakunot ang noo ko nang maglakad siya palayo sa 'kin. Mukhang ayaw niyang marinig ko ang pag-uusapan nila, kung sino man ang kausap niya.

Nang huminto siya sa paglalakad ay agad ko siyang sinundan pero nagtago ako sa isang malaking puno na kung saan makikita ko lang ang likod niya.

Buti na lang hindi niya naramdaman o napansin ang pagsunod ko sa kaniya. Kapag malapit na niyang ibaba ang tawag ay tsaka ako babalik sa kung saan kami kanina.

"Bakit napa tawag ka na naman, Dad?" Medyo inis niyang tanong.

Dad?

Imposibleng tatay ko 'yan eh hindi naman siya ganyan makipag-usap sa tatay ko.

Sure akong 'yun ang totoo niyang ama at kailangan kong malaman ang plano niya. Baka nga kasabwat niya 'yang tatay niya.

"Oh yes, I know. Hindi pa naman sila nakakahalata. Oo na nga, ako ng bahala. Basta ba makukuha ko si Zack kay Lianna. Gagawin ko lahat para lang mawala 'yung isip bata na 'yon." Rinig kong sabi niya at kahit hindi ko makita ang mukha niya ay alam kong umirap siya.

So 'yan pala ang totoong ugali mo? And what the hell? Sinabi niya bang gusto niyang mawala ang kapatid ko?

Hindi ko hahayaan na mangyare 'yon. Magkakamatayan muna kami bago niya masaktan ang kapatid ko.

Dahil sa mga narinig ko sa kaniya ay mas lalong namuo ang galit sa 'kin, gusto ko na siyang sugurin kung alam niyo lang. Pasalamat siya at nagpipigil ako.

Maghintay ka lang, Jasmine. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo lahat ng ginagawa mo ngayon.

Kailangan ko ding sabihin kay Zack na may balak si Jasmine na agawin siya mula kay Lianna kailangan ko siyang masabihan.

"Bakit kasi hindi pa natin siya tinuluyan no'ng nasa building B siya? Edi sana wala na 'kong problema. Bakit kasi kinulong at pinatayan lang natin siya ng ilaw, tsh." Inis na sabi niya.

Mas lalong gusto ko siyang sugurin at kwelyuhan at sabay sapakin dahil sa narinig ko. Wala na akong pakealam kung babae pa siya.

Nang dahil sa kaniya muntik ng mamatay ang kapatid ko. Hindi ko lubos maisip na siya ang may pakana non.

Ang tagal naming hinahanap kung sino ang may gawa non tapos ngayon malalaman ko na siya pala ang may gawa non? Buti na lang sinundan ko siya para mapakinggan ang anumang sinasabi niya.

Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang galit niya para magawa 'yun kay Lianna.

Oh wait, may gusto siya kay Zack kaya siguro niya ginagawa 'to sa kapatid ko. Hindi na 'ko makakapayag na may gawin pa siya sa kapatid ko, kailangan na naming magplano.

Alam ko na kung sino ang kasabwat niya, tatay niya, tatay niya ang kasabwat niya.

Kailangan talaga naming mag-usap nila Zack kailangan naming malaman kung bakit 'to ginagawa sa 'min ng magtatay na 'to.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now