CHAPTER 6

577 19 0
                                    

CHAPTER 6

LIANNA POV

Naiinis pa rin ako kay hubby, ay Zack pala. Galit ako sa kaniya eh kaya hindi ko siya tatawaging hubby, hmmp. Bahala siya diyan.

Kahapon ko pa siya hindi pinapansin kahit na natawag siya sa cp ko ay hindi ko sinasagot. Kakainis kasi eh, hindi ko alam bakit bigla niya na lang akong hindi pinansin kahapon.

Ngayon ay naglalakad na ako papasok sa school. Katulad ng unang pasok ko ay nakatingin pa rin sila sa 'kin. 'Yung mga studyante hindi ko na lang pinapansin dahil nga bad mood ako, hmmp.

"Uy, Lianna my friend. Hindi pa rin kayo bati ng hubby mo?" Tanong sa 'kin ni Claudia my friend nang makarating na kami sa room.

"Hindi." Masungit na sabi ko at padabog na umupo.

"Hala, galit yarn? Haha." Natawang sabi nito at tumabi na ng upo sa 'kin.

"Hmmp, bahala ka diyan." Tanging sabi ko na lang nang natawa pa rin siya.

Napatigil lang siya nang tawa at napatikhim nang makitang naglalakad na papasok dito si hu– Zack.

Alam kong pupunta siya sa 'kin kaya iniwas ko ang paningin ko sa kaniya at napairap.

Hmmpp, naiinis pa rin talaga sa kaniya eh. Bakit kaya niyang hindi ako pansinin?

"Wife." Tawag niya sa 'kin pero hindi ko siya pinansin at kinuha ang cellphone ko para maglaro.

"Are you still mad at me?" Tanong niya pero hindi ko pa rin siya pinansin, narinig ko naman siyang napabuntong hininga.

Hala, hala, h'wag kang marupok, self.

"Why the hell I'm doing this? I'm the one who supposed to be mad, not her. What the fuck?" Rinig kong bulong niya kaya napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo ko.

"Ano? Ano? Minumura mo ba ako, ha?!" Sigaw ko sa kaniya kaya napatigil 'yung mga kaklase ko sa ginagawa nila at napatingin sa 'kin habang si hub– Zack ay napatulala lang sa 'kin. Nagulat siya sa biglang pagsigaw ko.

Sa totoo niyan wala talaga akong naintindihan sa ibinulong ni hubby, ginaya ko lang sa palabas na napanood ko 'yung sinigaw ko sa kaniya.

Bakit? Masama ba nasabi ko?

"Wife, I'm not cursing you." Sabi niya at dahan dahang lumapit sa 'kin at todo usog naman ako para hindi magkalapit ang mukha naming dalawa.

"Awit! Ang landi friend, ah? Haha. Pabebe ka pa eh, kausapin muna 'yan." Bulong ni Claudia my friend sa 'kin kaya sinimangutan ko siya na ikinatawa niya lang.

"I have a chocolates and lollipop's in my bag so if you want those two I will give it to you but in one condition." Dahil sa sinabing 'yon ni Zack ay nagningning ang mga mata ko. Naglaway kaagad ako.

Wah! Maraming chocolates tsaka lollipop! Wah! Yummy!

Pero napawi rin ang ngiti ko nang maalalang galit nga pala ako sa kaniya.

"Hmmpp, ayoko bibili na lang ako." Nakapout na sabi ko.

Kahit sa totoo lang gustong gusto ko ng makuha 'yung chocolates at lollipops na sinasabi niya.

H'wag marupok, self. Pleasee lang.

"Anong condition naman 'yan?" Singit ni Claudia my friend.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now