CHAPTER 9

483 16 0
                                    

CHAPTER 9

CLYDEN POV

"Kailan pwedeng makuha ang dna test?" Tanong ko sa doctor na kumuha sa 'min ng specimen para malaman kung magkapatid ba talaga kaming dalawa ni Jasmine.

Kinabukasan nang ibalita sa 'kin nong detective na kinuha ko para hanapin si Jasmine ay nagpa dna test kami agad.

Bago 'yon ay pinakilala ko muna siya kila Mom and Dad at ganon na lang ang tuwa nila nang ibalita ko sa kanila ang tungkol don.

Hiling nila na si Jasmine na talaga ang anak na matagal na nilang hinahanap. Napagdesisyunan nga din pala nila Mom and Dad na ako at si Jasmine ang magpa dna test kesa sa kanilang dalawa.

Nagtataka lang ako kung bakit parang ang bilis niyang nahanap. Sila Mom at Dad nga ilang taon ng hinahanap ay hindi pa rin nila makita tapos nong ako na ang bilis.

"I think mga one week Mr. Vale dahil bubusisiin namin ito nang mabuti para masiguradong tama ang test na lalabas." He said and I just nod at nagpasalamat saka na kami umalis ni Jasmine don.

Pansin ko lang na hindi siya nagsasalita. I think nahihiya siya.

"Hey, ahm, habang hinihintay pa natin ang resulta ng dna test ay don ka muna titira sa bahay." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Nandito na kami sa sasakyan ko at pinapaandar ko na 'to pauwi sa bahay.

"Ah, okay po." Nilingon niya ako at 'yun lang ang sinagot niya at binalik na ang tingin ulit sa harap.

Hinayaan ko na lang siya dahil baka nahihiya at naninibago pa siya.

"Kung may mga kailangan at gusto ka, sabihin mo lang sa 'kin, h'wag kang mahihiya." Sabi ko ulit at nilingon siya na agad ko rin naman binalik ang tingin ko sa harap dahil nagdadrive ako at baka mabangga pa kaming dalawa.

Kita ko sa peripheral vision ko na tumitingin siya sa 'kin at para bang may gusto siyang sabihin kaso parang nahihiya siya na ewan.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko habang nakatingin pa rin ako sa harap habang nagdadrive.

Nakita ko naman na napaiwas siya nang tingin sa 'kin at tsaka bumuntong hininga.

"Ahm, g-gusto ko po kasing mag-aral sa school na pinapasukan niyo ngayon." Mahinang sabi niya pero narinig ko naman.

Halata rin ang hiya at pag-aalinlangan sa boses niya nang sabihin niya 'yon. Pinark ko saglit ang kotse ko sa tabi at tsaka siya tiningnan.

"Okay, if that's what you want then I will transfer you pero baka sa sunod na linggo ka pa makapasok don." Sabi ko sa kaniya at kita ko ang gulat sa mga mata niya nang sabihin ko 'yon.

"Okay lang ba sa 'yo 'yon?" Tanong ko ulit at marahan kong hinaplos ang buhok niya.

"O-okay lang po sa 'kin 'yon, maraming salamat po." Sabi niya kaya napangiti ako.

I think magiging close na rin naman kami sa isa't isa kapag nagtagal.

"Sige, sasabihin ko muna 'to kila Mom and Dad. Sure naman akong papayag 'yon eh." Sabi ko at pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko.

Kailangan kong magmadali dahil may pasok pa 'ko at anong oras na.

"Salamat po ulit, kuya." Nagulat pa 'ko dahil sa biglaan niyang pagtawag sa 'kin ng kuya. Buti na lang hindi ko naihinto ang sasakyan ko.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora