CHAPTER 28

459 12 2
                                    

CHAPTER 28

LIANNA POV

"Like what I said, I'm too young before kaya ako umalis, kaya ako nakapagdesisyon nang ganon, na hindi ko pinag-iisipan nang mabuti kasi nga I'm still young. Naisip ko no'n na baka hindi ko kayo mahawakan ng maayos kaya ako umalis. Marami akong mga tanong at pagdadalawang isip no'n kaya nagdesisyon na lang ako basta na umalis ng hindi sinasabi sa inyo. Na baka bumagsak lang kayo kapag ako ang namuno sa inyo pero hindi ko naman alam na hindi niyo kakayanin no'ng umalis ako. Pasensya na ulit. I'm sorry, hindi ko sinasadya. Nandito na 'ko ngayon at nagpakilala na 'ko nang lubos sa inyo. Kung dati ay lagi akong nakamaskara ngayon ay hindi na at kung dati ay hindi ako nagsasalita ngayon ay naririnig niyo na 'kong nagsasalita. Maraming salamat sa tiwalang binibigay niyo sa 'kin at sorry talaga." Mahabang sabi ko at ngumiti sa kanila sabay peace sign.

"Babawi ako sa lahat ng hindi ko nagawa noon." Dugtong ko pa at natahimik ang lahat.

Akala ko galit sila sa 'kin pero nagulat ako nang sabay sabay silang tumayo at sabay sabay na yumuko sa 'kin.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa nila. Pagkaangat ng mga ulo nila ay sabay sabay silang nagsalita.

"Welcome back, our boss queen." Sabay sabay na sabi nila nang may mga ngiti sa kanilang mga labi habang nasa akin ang mga mata nila.

Napangiti naman ako. Kahit ngayon ay ginagalang pa rin pala nila ako. Kahit na may hindi ako magandang nagawang desisyon noon ay heto sila at tinanggap ako ulit.

Dahil sa ginawa ko ngayon ngayon lang ay alam kong kalat na sa buong mafia ang pagbabalik ko at ang tunay kong pagkatao.

"Sa dami ng sinabi ko 'yan lang sasabihin niyo? Ang bad." Nakangusong sabi ko kaya natawa sila.

Ano ba 'yan, kanina pa sila tawa nang tawa, ah. Clown na ba ako?

"Wala 'yon, boss. Hindi kami galit sa 'yo, naiintindihan namin kaya h'wag ka ng mag-alala diyan tsaka masaya kami dahil nandito ka na ulit." Sabi naman ni Jeffrey na malapit lang sa 'kin kaya ngumiti ako.

"Thank you, Jeffrey. Ang bait mo talaga." Ngiting sabi ko at niyakap siya.

Natatawa namang niyakap niya din ako pabalik. Pero agad din akong humiwalay ng yakap sa kaniya nang maalala kong nandito pala si hubby.

Nilingon ko si hubby at ang sama nang tingin niya sa 'kin pati kay Jeffrey, napapout naman ako.

Sabi ko na, eh. Baka mas lalo pang magalit sa 'kin si hubby nito.

"That's all for today. Bukas ay mag-memeeting tayo, 'yung original meeting. Announcement at pagpapakilala ko lang naman ang naganap ngayon. Bukas ang original meeting. Ipapatawag ko na lang kayo, maraming salamat." Nakangiting sabi ko at nag bow.

Ganon din naman ang ginawa nila, nag bow rin sila sa 'kin at nagsimula na silang umalis sa gym.

Nagpaalam na muna ako kay Jeffrey at tsaka ako kinakabahan na naglakad palapit kila hubby.

"Hehe." Unang nasabi ko nang nasa harapan na nila ako.

Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa kamay habang nakatingin sa walang reaction na mukha nila.

"Wah, kuya, hubby, h'wag kayo magalit sa 'kin kasi nag secret ako! Huhu." Mabilis na sabi ko nang makita kong tinaas ni kuya 'yung kamay niya.

Pumikit ako dahil akala ko ay sasampalin niya ako pero hindi ko naramdaman 'yung kamay niya sa pisnge ko.

"Bakit ka nakapikit?" Natatawang tanong ni hubby kaya unti unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita kong nakangiti na sila sa 'kin.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now