CHAPTER 4

614 21 0
                                    

CHAPTER 4

CLYDEN POV

"Ang kawawang Clyden. Dahil ang kaniyang mahal ay may mahal ng iba." Napailing na lang ako sa kanta ng mga gago. Kahit hindi magkatunog sa original na tono ay kinanta pa rin nila, maasar lang nila ako.

"Tangna, hindi kayo titigil?" Iritang sabi ko at tumawa lang naman sila nang malakas.

Napailing na lang ako. Nandito kasi kami sa HQ namin. Pagdating pa lang namin dito ay bigla na lang silang kumanta ng ganiyan.

"Kawawang Clyden!" Sabay sabay na kanta nila na ikinabwisit ko lang.

Nang babatuhin ko na sila ng hawak kong libro ay bigla na lang silang nagtakbuhan papunta sa kusina nitong HQ. Parang bahay lang kasi 'to, kumpleto sa mga gamit. Kumpleto lahat.

"Tarantado." Iiling iling na sabi ko at nagbasa na lang ulit pero walang pumapasok sa utak ko.

Nagbabasa nga ako pero wala rin akong naiintindihan o pumapasok man lang sa utak ko kaya kailangan ko pang ulit ulitin para maintindihan ko 'yung binabasa ko.

Iniisip ko kasi kung sino 'yung maswerteng boyfriend ni Lydia. Like what the heck?!

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon iniisip, nakakaleche lang.

Aaminin ko na nagulat ako ng malaman kong may boyfriend na siya pero 'di ko naman inaasahan na hanggang ngayon ay iisipin ko 'yon.

"Clyden." Napalingon ako kay Zack nang tawagin niya ako.

"Yes?" Tanong ko at naupo naman siya katabi sa 'kin.

"Ahm, are you okay?" Tanong niya na ikinatawa ko.

"Of course, I'm okay. Why did you ask?" Natatawa ko pa ring tanong.

"Nothing, I'm just worried about your feelings?" Patanong rin niyang sabi, hindi sigurado sa sinabi. Natawa na lang ako.

"Don't worry, I'm okay. By the way, I want to meet your girlfriend." Pag-iiba ko ng usapan para maalis sa 'kin ang topic na mukhang gumana naman. Naalala ko lang kasi ang tungkol sa girlfriend niya tsaka ayoko ng pag-usapan ang about kay Lydia.

Nakita ko naman ang pagningning nang mga mata niya nagg banggitin ko ang salitang girlfriend.

Mukhang mahal niya talaga 'yon, ah. Kung sino man ang girlfriend nito ay napakaswerte niya.

"Oh, tomorrow. I will introduce you to her." Sabi niya kaya natawa na lang ako.

Hindi ko maiwasang maexcite. Nawala lang ang ngiti sa labi ko nang marinig ko na namang kumanta ang mga walangya kong kaibigan.

"Ang aming Clyden. Siya ay kawawa. Kawawang Clyden." Sabay sabay na kanta ng tatlo. Hinayaan ko na lang sila sa kabaliwan nila at pinagpatuloy na lang ang pagbabasa ko na naputol kanina kahit na wala naman akong naiintindihan.

* * *

LIANNA POV

Nasaan na kaya 'yon si kuyang nagbigay sa 'kin ng 1000 kahapon? Gusto ko siyang makita eh para magpasalamat kasi binigyan niya ako 1000 pesos.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now