CHAPTER 21

429 11 0
                                    

CHAPTER 21

LIANNA POV

"Hubby." Nakapout na tawag ko kay hubby.

Nandito kami ngayon sa house nila at nakahiga ako sa hita niya habang nakaupo siya sa kama niya at nakasandal sa headboard ng kama niya dito sa kwarto niya.

"Hmm?" Sabi niya lang habang sinusuklay suklay niya 'yung buhok ko.

Dahil nga nakahiga ako sa hita niya ay kitang kita ko ang mukha niya. Napakagwapo naman nitong hubby ko.

"Ang gwapo mo naman, hubby hihi." Sabi ko at mahinang natawa.

Narinig ko rin namang tumawa siya at mahinang piningot ang ilong ko dahilan para mapasimangot ako.

"I know and you're beautiful so bagay tayo." Sabi niya at tumawa kaya napatawa na lang din ako.

Actually, tumakas lang ako sa bahay namin nila Claudia my friend para makapunta ako dito sa bahay nila hubby.

Sabi kasi sa 'kin ni hubby na bawal daw nilang malaman na okay kami ni hubby at pumunta ako dito ngayon sa bahay nila hubby.

"Hubby, masakit pa rin ba?" Tanong ko para maiba ang usapan namin ni hubby at hinaplos ko 'yung pisnge niya na sinampal ko.

Naguiguilty talaga ako, ayaw ko naman talaga siyang sampalin eh kaso sabi niya sampalin ko siya para mas maging makatotohanan 'yung acting namin at magawa namin ng tama 'yung plano namin.

Iniba kasi ni hubby 'yung plano eh. 'Yung nangyare sa lobby non ay plano namin 'yun ni hubby kaya ganon.

No'ng nasa room kasi kami non sinabi niya sa 'kin 'yung bagong plano para mas effective daw at tama nga siya dahil nagulat don sila Claudia my friend.

Kaming dalawa lang ang may alam sa bagong plano na 'yon. Wala ng iba pa.

Hindi naman hinalikan ni hubby 'yun si Jasmine eh, mukha lang niyang hinalikan si Jasmine pero hindi talaga niya hinalikan si Jasmine.

Dapat talaga sa room nila Jasmine 'yun kaso sinabi ni hubby na sa may lobby na lang.

Tapos proud na proud daw siya sa 'kin dahil ang galing daw ng acting ko non eh.

Maski siya daw ay nagulat dahil sa ikinilos ko. Yes naman, kaya kong maging serious, nuh, hmp.

"Yes, it's hurt but it's okay don't, worry. Tsaka I'm proud of you. Sabi ko naman sa 'yo kayang kaya mo 'yun eh. Actually, hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mo 'yon." Sabi niya at marahang pinisil ang pisnge ko.

"Oo nga, hubby eh. Pero kailan natin sasabihin 'yung tungkol don kila kuya?" Tanong ko at tumayo na 'ko para tabihan siya sa pagkakaupo at yumakap ako sa kaniya habang nakasandal ulo ko sa dibdib niya.

"Kapag may time na. Hayaan na lang muna natin sila. H'wag mo munang ipaalam sa kanila. We need to continue our acting, okay?" Sabi niya kaya napatango tango naman ako.

Hanggang kailan kaya namin gagawin 'to ni hubby?

"Hubby, bakit pala sinabi ko 'yung wait for my revenge?" Curious na tanong ko.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now