CHAPTER 16

529 18 0
                                    

CHAPTER 16

LIANNA POV

"Hinahanap mo daw ako?" Napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko nang makita kong pumasok doon si kuya Clyden.

Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo ko sa kama ko at tumakbo palapit sa kaniya.

Naramdaman ko namang nagulat siya pero hindi ko 'yon pinansin at sinubsob ko lang ang mukha ko sa dibdib niya. Niyakap niya rin naman ako pabalik.

Hindi ko alam pero habang nandon ako sa building na 'yon ay siya ang gusto kong makita.

Hindi ko rin nagustuhan ang nangyare sa 'kin kanina don. Dahil sa pangyayaring 'yon ay unti unting bumalik sa isip ko ang nangyare sa 'kin noong 5 years old pa lang ako.

Ayaw ko na 'yung maalala pero sa tuwing nasa dilim ako ay bigla na lang 'yon napasok sa isip ko, minsan naman ay sadyang napasok lang sa isipan ko.

Hindi ko pa kayang ikwento ang tungkol don, ayaw ko pa. Hindi ko pa kaya.

"Hey, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni kuya Clyden at hinawakan niya ang balikat ko para iharap ako sa kaniya.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Natatakot lang talaga ako, sobra ang takot na naramdaman ko don kanina.

"Takot ako." Umiiyak kong sabi, napabuntong hininga naman siya at pinunasan ang mga luha kong natulo gamit ang kamay niya.

"Shh, it's okay. Don't cry na, hindi na 'yon mauulit pa." Sabi niya at niyakap ako.

Nanatili kami sa ganong sitwasyon ng ilang minuto bago niya ako inaya sa baba. May mahalaga daw kasi siyang sasabihin.

Pagbaba namin ay agad kong nakita sila Claudia my friend doon na nagkwekwentuhan.

"My gosh, Lianna my friend! Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Claudia my friend at niyakap pa 'ko, ganon din naman sila Lia.

"Okay lang ako, Claudia my friend." Nakangiting sabi ko kaya napatango tango naman sila.

Agad hinanap ng mga mata ko si hubby sa bahay pero hindi ko siya makita kaya tinanong ko sila Claudia my friend kung nandito din ba si hubby. Nagbabakasakali lang ako kung nandito din siya.

"Umuwe na siya, ang tagal mo daw magising eh." Sabi ni Mila.

Napasimangot naman ako at napayuko, hmp. Sayang naman.

"Bakit siya umuwe agad? Gusto ko siya makita." Malungkot na sabi ko. Namiss ko bigla si hubby.

"I'm here, wife." Agad na hinanap ng mga mata ko si hubby nang marinig ko ang boses niya at nakita ko siyang lumabas galing sa kusina namin.

Narinig ko namang nagtawanan sila Claudia my friend at nakita kong napailing iling si kuya Clyden pero hindi ko na sila pinansin.

"Hubby!" Sigaw ko at dali daling tumakbo palapit sa kaniya para yakapin siya.

"Hey, dahan dahan lang. Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya. Napangiti naman ako dahil don. Lab talaga ako ni hubby.

"Yup, okay na 'ko, hubby. Tingnan mo." Sabi ko at lumayo sa kaniya ng konti kaya napakunot ang noo niya.

Pinakita ko sa kaniya ang pag-ikot ikot ko at ang pagtalon talon ko para makita niyang okay na 'ko.

"Tss, stop that." Medyo inis niyang sabi at kinuha ang kamay ko para hilahin palapit sa kaniya para yakapin ako.

'Di ko napigilan ang mapangiti dahil sa ginawa niyang 'yon.

"Ehem, baka nakakalimutan niyong may tao pa dito. Hustisya naman po para sa mga single, ehem." Pagpaparinig ni Claudia my friend kaya nagtawanan kami pati na rin si hubby ay natawa.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now