CHAPTER 10

510 15 1
                                    

CHAPTER 10

LIANNA POV

"Lianna my friend, let's go na." Tawag sa 'kin ni Claudia my friend. Nakahiga pa rin kasi ako dito sa kama ko eh.

Inaantok pa kasi ako kaya hindi pa 'ko nabangon, nakakatamad bumangon.

"Hoy, bumangon ka na diyan baka malate tayo, oh." Sabi niya pa at pilit akong niyuyugyog.

"Ayaw." Nakapikit kong sabi habang nakanguso pa.

"Antok pa 'ko huhu. H'wag na ikaw magulo Claudia my friend." Inaantok pang sabi ko habang nakapikit pa rin at pilit na natutulog ulit.

Alam kong maaga pa eh kaya nga naiinis ako kay Claudia my friend eh kasi ang aga niya akong gisingin.

"Nanood ka na naman ng k-drama kagabi, noh? Kaya ganiyan ka." Sabi niya sa 'kin kaya kinuha ko 'yung unan ko at tinaklob na lang 'yon sa mukha ko.

Ang ganda kasi ng k-drama na pinanood ko kagabi eh kaya anong oras na 'ko nakatulog.

"Hay naku, bahala ka na nga diyan." Sabi niya at narinig ko naman na sumarado na 'yung pinto ng kwarto ko kaya sure akong lumabas na talaga siya.

Makakatulog na 'ko ulit. Mga 15 minutes siguro nakaidlip ako. Nagising na lang ako nang may tumapik na naman sa 'kin.

"Wife, wake up." Napakunot ang noo ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko nang nabosesan ko 'yung nagsalita.

Teka, tama ba ang rinig ko? Si hubby ba 'yon?

Hala, hala, baka nananaginip lang ako kaya hindi ko na lang 'yon pinansin. Pero maya maya ay may tumapik na naman sa 'kin pero mahina lang naman, 'yung hindi ako masasaktan.

"Ano ba 'yan ,Claudia my friend eh mamaya na kase huhu. Antok pa 'ko eh." Angal ko pa kahit nakapikit pa rin ako.

Hindi ko sure kung si Claudia my friend ba talaga 'yon eh.

"I'm not Claudia." Seryosong sabi nong nagsalita.

At dahil nagtataka na 'ko at kahit antok pa 'ko ay dinilat ko na ang mga mata ko at mukha ni hubby ang bumungad sa 'kin.

Napaupo naman ako nang maayos sa kama ko dahil sa bumungad sa 'kin. Hala! Akala ko nananaginip lang ako pero hindi naman pala.

"H-hubby?" Gulat kong tanong.

"Yes, I'm your hubby. Are you awake now?" Nakataas kilay na tanong niya, napatango tango naman ako.

"Bakit ikaw nandito, hubby?" Taka kong tanong.

Tumabi naman siya ng upo sa 'kin at inakbayan niya ako kaya sumandal na lang ako sa may dibdib niya habang nakaakbay siya sa 'kin.

"Susunduin kita, of course but Claudia said that you're still sleeping so I decided to wake you up." Sabi niya at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya habang sinasabi 'yon.

"Hmp, kase naman, hubby. Antok pa 'ko. Parehas kayo ni Claudia my friend eh, mga istorbo, tseh!" Sabi ko at lumayo na 'ko sa kaniya at tumayo na para maligo.

Maghahanda na 'ko para pumasok dahil isang oras na lang at magsisimula na ang klase namin.

Sigurado din naman ako na nauna na 'yon si Claudia my friend sa school.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now