CHAPTER 20

467 16 23
                                    

CHAPTER 20

CLAUDIA POV

Matapos nang nangyare ay tahimik na umuwe kami nila Lianna. Hindi siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay kaya nag-aalala ako.

Hindi ko alam kung anong reaction niya sa nakita niya, hindi namin siya mabasa. Hindi namin malaman. Ni hindi man lang namin siya nakitang umiyak na ikinagulat ko pa.

Nandito kami ngayon sa room at tinititigan ko lang siya habang busy siya sa pagkain ng paborito niyang lollipop at nanonood siya sa cellphone niya, wala pa naman kasi 'yung teacher namin.

Promise, simula kagabi tahimik lang siya. Hindi niya ako kinakausap kahit na kinakausap ko siya. Hindi niya ako sinasagot.

Hindi ko lang inaasahan na magagawa niya 'yon kagabi. Napaka tapang niya don, ah. Nagulat ako, kami.

Para ngang walang nangyare kagabi dahil sa inaakto niya ngayong araw eh.

"Claudia my friend, bad ba 'ko? Kasi sinampal ko si hubby kagabi?" Biglang tanong ni Lianna na ikinatanga ko.

H'wag mong sabihin na kaya siya tahimik ng ilang oras ay dahil iniisip niya 'yan?

"Anong tanong 'yan, beh?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mila.

"Kasi naman, eh. Sure akong masakit 'yon." Naka pout na sabi niya kaya nagtinginan kaming tatlo ni Mila.

Shit 'tong babaeng 'to.

"Hindi ka nagalit sa hubby mo? Nakita mo naman na hinalikan niya si Jasmine kagabi 'di ba?" Tanong ko sa kaniya kaya tumango naman siya.

"Hindi, bakit naman ako magagalit kay hubby? Masama ba 'yon?" Curious na tanong niya, napasapo na lang ako sa noo ko.

Oh my goodness, Lianna. Saan ka ba pinaglihi?

"Anong utak meron ka ba?" Natatawang tanong ni Lia.

"Ikaw na nga 'tong naloko diyan pero bakit parang hindi ka pa galit sa hubby mo? Oo nagulat kami kasi nagawa mong sampalin si Jasmine pati si Zack at masaya kami don pero shit naman, Lianna. Akala ko galit ka na kay Zack kasi 'di ba sinampal mo siya?" Sabi ni Lia, nagpipigil na sigawan si Lianna.

"Eh kasi 'di ko naman gustong sampalin si hubby eh..." Sabi niya at may binulong pa kaya hindi namin naintindihan.

"Huh? Ano 'yon?" Takang tanong ko kaya umiling naman siya tsaka na lang ngumiti.

Hay naku.

Ito na nga ba sinasabi ko eh kapag may ganong eksena hindi siya maaapektuhan dahil nga masiyadong ano 'yung isip niya. Hindi pa siya ganon ka-matured kaya okay lang sa kaniya na lokohin siya ni Zack.

"Hmmp, lagot talaga sa 'kin 'yun si Jasmine, tsk." Rinig naming bulong ni Lianna.

Pero sa tingin ko ay medyo nasaktan siya sa nakita niya kagabi. Wala, kita ko lang sa kilos niya. Parang gusto niya ng patayin si Jasmine sa sama ng tingin niya kagabi eh.

May malaking sikreto si Lianna na hindi alam ng kahit sino man, ako lang.

"Ano ng plano mo, friend?" Tanong ko kay Lianna.

Kakausapin din pala namin 'yung kuya niya mamaya para tanungin kung tuloy pa rin ba ang plano sa bruhildang Jasmine na 'yon.

Sa totoo lang, masaya ako dahil nalaman ko na sila pala 'yung magkapatid.

Alam ko naman talaga dati pa lang na hindi magtatagal sa 'min si Lianna. Alam ko na kukunin at kukunin siya sa 'min ng totoo niyang pamilya.

Kaya matagal ko ng hinanda ang sarili ko kapag nangyare na 'yon kaya nga expect ko ng kukunin na siya sa 'min ni Clyden nang malaman niya na kapatid niya si Lianna.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now