CHAPTER 31

385 10 0
                                    

CHAPTER 31

CLYDEN POV

Three years, three years na simula ng umalis si Lianna at iwan kami. Three years na din ang nakalipas simula ng mangyare ang kaguluhan noon.

Pero ngayon masasabi ko lang ay maayos naman na ang lahat. Ang grupo namin ay si Zack pa rin ang namumuno samantalang sa grupo naman ni Lianna ay siya pa rin ang boss queen nila. Hindi nila pinapalitan si Lianna.

Kahit daw wala ito at umalis muli sa kanila ay umaasa sila ulit na babalik ang kanilang boss tulad ng pangako nito pero sa pagkakataon na ito ay nagpaalam na nang maayos sa kanila ang boss nila kung bakit ito nawala at nangakong babalik ito ulit.

Samantalang ang mag-ama naman ay parehas na nakakulong ngayon sa kulungan. Deserve naman nila 'yon. Hindi nga lang dapat kulong ang dapat ibigay sa kanila. Dapat mas mabigat na parusa pa.

Hindi ko alam bakit hindi pa tinuluyan ni Lianna ang hayop na Theo na 'yon. Kung ako 'yon ay tinuluyan ko na 'yon para hindi na umulit sa kagaguhang ginawa niya.

"Where is your sister, Clyden? I want to meet her." Biglang sabi ni Mom kaya napalingon ako sa kaniya.

Napabuntong hininga naman ako at lumapit sa kaniya at umupo ako sa tabi niya at inakbayan ko siya.

Alam na ni Mom at Dad na hindi talaga nila anak si Jasmine. Nagalit sila kay Jasmine no'n, siyempre pero hindi rin naman tumagal ang galit nilang 'yon.

Kaya simula ng malaman nila 'yon ay lagi na nila akong tinatanong kung nasaan ang totoong kapatid ko pero hindi ko magawang sabihin sa kanila.

Alam nila Dad at Mom na kilala ko na ang totoong kapatid ko pero hindi ko pa sinasabi sa kanila na si Lianna 'yon.

Gusto na nila itong makasama at makita ulit pero hindi pa pwede dahil wala si Lianna dito sa Pilipinas, nasa ibang bansa siya.

Yup, nasa ibang bansa si Lianna. Hindi namin alam kung bakit. Matapos niyang magpagaling sa hospital ay nagpasya siyang pumunta muna ng ibang bansa.

Sobrang pasasalamat talaga namin na hindi siya natuluyan nang mabaril siya. We're thankful that she's alive, na nakaligtas siya.

No'ng una ay hindi ako pumayag pero wala akong nagawa sa huli dahil nagpumilit siya kaya pumunta pa rin siya do'n. Hinayaan ko na lang din siya.

Miss na miss ko na siya dahil hindi ko siya binibisita tulad ng sabi at gusto niya. Ni isa sa 'min pati ng mga kaibigan niya ay hindi siya binibisita o tinatawagan tulad nga ng hiling niya kaya mas lalo namin siyang namimiss.

Lalo naman ang lokong si Zack, tsh. Hindi na kaya ang hindi makita ang wife kuno daw niya.

Corny.

Pero wala siyang magawa dahil kapag sinundan niya si Lianna do'n ay makikipaghiwalay ang kapatid ko sa kaniya.

At dahil alam niyang kayang totohanin ni Lianna 'yon ay hindi siya nagsubok na sundan si Lianna sa ibang bansa kahit na gusto niya na at mayakap at mahalikan ulit, tsh. Takot lang niya kay Lianna.

Hindi rin kasi sinabi ni Lianna kung saang bansa siya pumunta basta nagpaalam lang siya sa 'min na pupunta siyang ibang bansa.

Hindi namin alam ang dahilan ni Lianna kung bakit nagdesisyon siyang umalis ng bansa.

"Soon, Mom. Trust me, makikita niyo din siya. Not now but soon. I promise." Sagot ko kay Mom at hinalikan siya sa noo.

"Okay, I trust you, son." Sabi niya kaya napangiti naman ako. Alam ko naman na gusto na nila itong makilala but Lianna is not here at walang time noon.

Pagkatapos kong magtrabaho sa kompanya namin ay pumunta ako sa bahay nila Zack.

I'm the new CEO of our company. Mahirap but wala akong magagawa dahil ako ang panganay sa 'min ni Lianna at ako ang lalaki so kailangan ako ang sunod na mag-manage ng company namin.

Pagbukas ng gate nila Zack pagkarating ko sa bahay nila ay nakabusangot na mukha ni Zack ang bumungad sa 'kin.

"Oh, anyare sa 'yo? Mukha kang namatayan haha." Natatawang asar ko sa kaniya.

"Fuck you!" Sigaw niya lang kaya mas lalo akong natawa.

"Sorry, bro but I can't fuck you." Pang-aasar ko pa sa kaniya na mas lalong ikinasama ng mukha niya.

"What the fuck are you doing here?" Maya maya ay tanong niya kaya ngumisi ako.

"Of course, I'm visiting your sister." Ngising sabi ko kaya ngumiwi lang siya.

"Yeah, whatever." Irap na sabi niya at pinapasok niya na ako.

Ang dami pang sinabi papapasukin din naman ako. Tsaka bakit ba siya lagi 'yung nagbubukas ng pinto?

Pagpasok namin sa loob ay nakita ko agad si Lydia na nakasuot ng apron at may hawak pang sandok sa kanang kamay niya habang ang isang kamay ay nakalagay sa bewang niya at ang mga mata ay tutok sa tv.

Napangiti naman ako sa itsura niya. Para na siyang nanay sa itsura niya ngayon. Future nanay ng mga anak ko.

"Tsh, baka matunaw." Rinig kong sabi ni Zack kaya inismiran ko lang siya.

"Inggit ka lang kasi wala kang baby." Pang-aasar ko sa kaniya at nang akmang babatukan niya ako ay tumakbo ako papunta kay Lydia at bigla ko na lang siyang niyakap mula sa likuran niya kaya nagulat siya.

"Hey!" Gulat na sigaw niya at pinukpok ako sa ulo ng hawak niyang sandok.

Napabitaw tuloy ako sa pagkakayakap sa kaniya at humawak sa ulo kong hinampas niya ng sandok.

"Oh my gosh! I'm sorry, masakit?" Nag-aalalang tanong niya nang makilala na ako at lumapit sa 'kin at hinawakan 'yung ulo kong pinukpok niya ng sandok. Napangiti tuloy ako.

"Buti nga sa 'yo haha. Pukpukin mo pa 'yan, ate. 'Yung sobrang lakas, ah." Sabi ni Zack habang natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw kaya pukpukin ko, noh? Tara, lapit ka." Sabi ni Lydia at naglakad siya palapit kay Zack na agad namang umatras.

"Hey! I'm just kidding, tsh." Asar na sabi niya at tumakbo na paakyat sa taas.

Nagkatinginan kami ni Lydia at sabay kaming natawa dahil sa inasta ng magaling niyang kapatid.

"Hindi pa rin ba natawag sa 'yo si Lianna?" Biglang tanong sa 'kin ni Lydia habang nagluluto siya.

Nandito kami ngayon sa kusina nila. Nagluluto pala siya ng tanghalian nila nang dumating ako.

"Hindi pa rin." Sabi ko at lumapit sa kaniya at naglalambing na yumakap ako sa kaniya mula sa likuran niya at pinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

Narinig ko namang tumawa siya dahil sa ginawa ko pero hindi niya naman ako pinaalis, hinayaan niya lang ako.

And yes, Lydia is my girlfriend again. Simula ng umalis si Lianna ay niligawan ko ulit si Lydia. Nang maging maayos na ang lahat, doon ako gumawa ng move ulit para sa 'ming dalawa.

Nagkausap kami tungkol sa nararamdaman naming dalawa at nagkaliwanagan na kami sa past namin kaya matapos no'n ay niligawan ko siya ulit at heto malapit na ang second anniversary namin.

Nagpaplano na akong magpropose sa kaniya sa second anniversary namin. Gusto ko na siyang maging asawa ko kaya yeah, naghahanda na ako at kinakabahan ako sa magiging sagot niya once na nagawa ko na ang proposal ko sa kaniya.

At alam na 'to ng lahat maliban na lang sa kaniya. Malamang siya 'yung aayain kong magpakasal, eh, alangan namang sabihan ko siya 'di ba? Edi hindi na 'yon surprise, psh.

Bago ako magplano ay nagpaalam ako sa parents nila at pumayag naman sila. Buti na lang, kabado bente din ako no'n.

Goodluck na lang sa 'kin. Shit!

To be continued...

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now