CHAPTER 5

580 20 1
                                    

CHAPTER 5

LIANNA POV

"What the, hey!" Sabi ni kuyang nagbigay sa 'kin ng 1000 at inilayo ako sa kaniya, napasimangot naman ako. Wah, hindi niya na ata ako matandaan. Ang ulyanin naman nito. Niyakap ko kasi siya eh, bakit ba, hmpp.

"What are you doing?" Takang tanong niya. Nakakunot pa ang noo habang nakatingin sa 'kin.

Nagulat naman ako nang may humila sa 'kin. Pagtingin ko si hubby pala na masama ang tingin sa 'kin.

Hala, hala, anong ginawa ko?

"Ehem, may nagseselos, ehem." Taka kong nilingon 'yung lalaking Clark na tinawag ni hubby kahapon.

Siya lang naalala ko eh tsaka itong si kuyang nakabangga ko dahilan para matapon 'yung favorite ice cream ko kahapon, hmmp.

Hindi sila pinansin ni hubby pati na rin ako, bahala sila diyan.

"Wait, I remember you now. You're the girl I bumped into yesterday, right?" Tanong niya kaya nangingiting napatango tango naman ako. Wah, naalala na 'ko ni kuya.

"Oh, I'm so sorry for what happened yesterday, I'm just–" Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita dahil pinigilan ko na siya.

"Huhu h'wag ka na po mag-english." Sabi ko kaya mahina siyang natawa.

"Oh, I'm sorry haha." Sabi niya na lang kaya tumango ako.

Nilingon ko si hubby na wala lang reaction ang mukha. Hala, bakit parang galit ata si hubby ko?

"Hubby, uy." Tawag pansin ko sa kaniya nang makaupo na kaming dalawa.

Pero napanguso ako nang hindi niya ako pinansin. Ano na namang ginawa ko?

"Siya 'yung sinasabi namin sa 'yo kahapon, bro. Na girlfriend nitong si boss Zack na hindi mo naabutan." Sabi ng... Ah basta, friend ni hubby, hindi ko pa alam name niya eh.

"Oh, really? Hindi ko expect 'to, ah haha. Small world nga naman." Sabi ni kuyang nakabanggaan ko kahapon at natawa ulit.

"Hubby, uy. Bakit hindi mo 'ko pinapansin?" Takang tanong ko kay hubby, binulong ko lang para kaming dalawa lang makarinig.

'Di ko talaga alam bakit 'di na 'ko pinapansin ni hubby ko eh.

Baka naman nagalit siya sa 'kin kasi pinutol ko siya sa gusto niyang sabihin kanina. Hala, hindi ko naman ginusto 'yon eh.

"Sorry na, hubby. Sa sunod 'di na 'ko sisingit, promise. Sorry na, hubby. Pansinin mo na 'ko please?" Naiiyak ng sabi ko sa kaniya.

"Hoy, Zack. Bakit naiyak 'yan? Anong ginawa mo?" Takang tanong ni kuyang... Bakit ba ako kuyang nang kuyang?

Tatanong ko nga name niya mamaya para 'di na 'ko kuyang nang kuyang.

Dahil sa sinabi ni kuyang nakabanggaan ko kahapon ay napahawak ako sa pisnge ko at don lang din ako nilingon ni hubby.

Hala, hala, baka mas lalong magalit sa 'kin si hubby kapag nakita niya akong umiiyak kaya agad ko 'yung pinunasan at tumayo at tumakbo paalis don.

Nakakahiya. Kaya para hindi ako pagalitan ni hubby ay tumakbo na lang ako paalis don.

Sorry na kasi, hubby.

* * *

CLYDEN POV

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now