CHAPTER 12

511 16 0
                                    

CHAPTER 12

CLYDEN POV

"Clyden, I have a question." Napatingin ako kay Zack nang seryosong itinanong niya 'yon sa 'kin.

Kami lang dalawa dito sa hq dahil nga naglalunch 'yung iba. Bigla na lang niya kong pinapunta dito ng hindi ko alam kung bakit.

"Ano?" Takang tanong ko.

I think seryoso ang pag-uusapan naming 'to. The way he ask ay halata mong seryoso na agad.

"Are you really sure that Jasmine is your sister?" Tanong niya, napakunot naman ang noo ko.

"Yes, of course. Nagpa dna na kami 'di ba? So I'm sure that she's my sister." Kunot noong sabi ko, napatango tango naman siya. The truth is I'm not really sure.

"Sure?" Paninigurado niya pa. Ano bang problema nito?

"Oo nga, bakit ba?" Natatawang tanong ko. Ngayon lang kasi siya naging ganyan.

"Hmm, I think she's not your sister, no, because she's not really your sister." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Why? Paano mo nasabing hindi ko siya kapatid?" Takang tanong ko. Nahihiwagaan ako sa lalaking 'to, ah.

"Secret." Ngising sabi pa niya at nagpandekwatro pa.

Kinginang 'yan.

"Alam kong nagdadalawang isip ka pa rin hanggang ngayon na kung kapatid mo ba talaga siya, right?" Seryosong sabi niya na hindi ko na ikinagulat.

"Yeah, you're right." Sabi ko at napangisi naman siya. Napailing iling na lang ako.

Si Zack Prince Monterial lang naman po siya.

Yes, totoo 'yun, na hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado na kapatid ko siya kahit na nagpa dna test na kaming dalawa.

I don't know why pero 'yun ang nararamdaman ko. Nang una ko siyang makita. Oo, aaminin ko na may kung ano akong naramdaman pero iba pero nang niyakap ko siya, hindi ko mafeel ang lukso ng dugo.

"Simula pa lang niloloko ka na niya pati na ang mga magulang mo. Hindi ko kayo masisisi kung naniwala kayo sa kaniya. I know that she's not really your sister." Seryosong sabi niya.

What the hell!

"H-how did you know that?" Takang tanong ko.

"Tss, I'm not stupid like you, idiot. I have my ways and don't tell to Jasmine that we already know that she is not your sister because I have a plan." Ngising sabi niya at mukhang masaya siya sa naisip niya.

Naguguluhan pa rin ako pero sumang-ayon na rin ako sa sinabi niya.

All this time niloloko lang pala kami ng babaeng 'yon? Pakitang tao lang pala siya sa 'min? Nagpauto rin naman ako, putangina.

Kaibigan ko si Zack at alam kong hindi niya ako niloloko kaya naniniwala ako sa sinasabi niya.

"Kung ganon, sino pala ang kapatid ko?" Takang bulong ko na narinig niya pala. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

"My girlfriend." Simpleng sagot niya na ikinagulat ko.

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nagkibit balikat lang siya.

Gago talaga 'to, ang daming sikreto amputa.

Hindi ko alam paano niya nalaman o nasabing hindi ko kapatid si Jasmine, masyadong mautak ang lalaking 'to. Pinapasakit niya ang ulo ko.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterМесто, где живут истории. Откройте их для себя