CHAPTER 34

420 13 0
                                    

CHAPTER 34

LIANNA POV

Nandito kami ngayon lahat sa isang beach resort nila hubby dahil dito naisipan ni Kuya mag propose kay Ate Lydia.

Isang linggo na rin no'ng magkita-kita kami dahil sa kalokohan ko at ngayong araw na ang 2nd anniversary nila Kuya at Ate Lydia.

Ang alam lang ni Ate Lydia ay naisipan namin na magbakasyon lang at magbonding-bonding at mag-celebrate dahil nakabalik na ako. 'Yun ang akala niya. Hindi niya alam na ngayon mismo, sa araw ng 2nd anniversary nila ni Kuya na magp-propose na si Kuya sa kaniya.

No'ng makabalik kasi ako dito no'n bago ako makipagkita sa kanila ay inalam ko na ang mga nangyare sa kanila no'ng wala ako.

Tinanong ko si Jeffrey dahil may alam 'yun. Siyempre, napunta sila hubby do'n, eh kaya hindi na ako nagulat na may mga relasyon na 'yung mga naiwan ko dito.

Hindi nga ako makapaniwala no'ng nalaman ko 'yun, eh. No'ng una, kilig na kilig ako.

Masaya ako sa kanila, sa mga kaibigan ko dahil nahanap na nila ang para sa kanila.

Kaya nga no'ng nagtext ako ay lahat sila tinext ko dahil alam ko na no'n na may mga ano na sila ganiyan, basta gano'n.

"Nakakatampo, baby girl. Nakalimutan ata ng Kuya mo na 2nd anniversary namin ngayon." Malungkot na sabi sa 'kin ni Ate Lydia.

Nandito kaming dalawa sa dalampasigan ng dagat habang 'yung mga kasama namin ay abala doon. Naghahanda kasi sila sa proposal ni Kuya mamaya.

Hindi ko alam kung saan banda, basta dito lang sa resort nila hubby. Para hindi mahalata ang plano ni Kuya ay dito kami sa may dagat pumunta.

"Hindi niya 'yan nalimutan, Ate. Baka mamaya babatiin ka na niya." Pagpapalakas ko ng loob niya.

"Ewan ko. Kasi sa aming dalawa siya lagi ang unang bumabati ng gano'n. Inaabangan niya pa nga tuwing alas dose, eh tapos do'n siya babati. Nag-abang nga ako kagabi, eh kaso wala akong bati na natanggap sa kaniya hanggang sa nakatulugan ko na lang. Wala siyang tinext sa 'kin kahit ngayon wala." Malungkot talagang sabi ni Ate Lydia.

Naawa naman ako bigla dahil hindi ko alam na nag-abang siya kagabi sa bati ni Kuya.

Ang plano kasi ni Kuya ay magkunwari kaming lahat na nalimutan namin ang anniversary nila ngayon. Na nalimutan ni Kuya anniversary nila, gano'n.

Mahirap nga daw sabi ni Kuya 'yun, eh dahil kapag nakikita niya ang lungkot sa mga mata ni Ate ay nasasaktan daw siya do'n.

"Think positive lang, Ate Lydia. Naniniwala akong hindi 'yon nalimutan ni Kuya." Sabi ko habang nakangiti.

"Sana nga. Sige na, mauuna na muna ako do'n sa cottage, ah? Salamat, baby girl." Sabi niya at niyakap ako kaya niyakap ko rin siya pabalik at napangiti ako.

Nang makaalis na siya ay nagdesisyon akong mag-ikot-ikot na muna sa lugar tapos mamaya babalik na lang ako do'n sa kanila.

Maya maya habang nag-iikot ako ay may nakita akong batang lalaki na umiiyak kaya nilapitan ko siya.

"Hello, baby boy. Bakit ikaw umiiyak?" Nakangiting tanong ko do'n sa bata na sa tingin ko ay nasa edad tatlo o lima.

Lumuhod pa ako para magpantay kaming dalawa ng bata at tsaka ko pinunasan ang luha ng batang lalaki.

"I can't find my parents. I think I'm lost." Sabi niya at nagsimula ulit siyang umiyak.

Dahil sa sinabing 'yon ng bata ay bigla kong naalala ang sarili ko no'ng bata din ako.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon