CHAPTER 22

423 13 0
                                    

CHAPTER 22

THIRD PERSON POV

Napatigil siya sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya nang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Wait lang, ah?" Sabi niya at tumango lang naman ang mga kaibigan niya.

"Yes? Who is this?" Takang tanong niya nang masagot ang tawag.

"Boss." Napakunot ang noo niya dahil sa itinawag sa kaniya nang tumawag sa kaniya sa phone.

"Huh? Bakit mo 'ko tinawag na boss?" Takang tanong niya.

"Boss naman, nakaka hurt ka naman. Hindi mo na 'ko ma-remember?" Sabi ulit ng kausap niya kaya napaisip siya kung sino ang kausap niya.

Pamilyar nga sa kaniya ang boses ngunit hindi niya maalala kung kanino boses 'yon at kung sino 'yon.

"Jefrey?" Nakakunot noong tanong niya. Bigla niya kasing naalala ang pangalan na 'yon.

"Ayun! Nadali mo, boss haha." Sabi nito kaya natawa na lang din siya.

"Oh my goodness, Jefrey! Ikaw talaga 'yan? Sorry na, hindi kita na-bosesan agad. Ang tagal na rin kasi no'ng huli kong narinig boses mo, eh."

"Naku, bossing. Okay lang 'yun, ano ka ba. Miss ka na namin, buti na nga lang at hindi ka pa nagbabago ng number kaya natawagan kita ngayon."

"Hindi talaga ako nagbago ng number baka kasi may tumawag sa isa sa inyo eh tsaka sorry din kung hindi na 'ko bumalik, ah? Kumusta na kayo?"

"Hindi kami okay ngayon, bossing. No'ng umalis ka naging mahirap sa 'min dahil hindi namin alam ang gagawin ng walang gumagabay sa 'min para sa mga kailangan naming gawin. Naging mahirap talaga sa 'min nang umalis ka. Hanggang ngayon wala pang pumapalit sa pwesto mo. Umaasa kami na balang araw ay babalik ka para hawakan ulit kami. Sa ilang taon na lumipas, boss hindi ka namin inistorbo o tinawagan man lang kasi naisip namin na baka may problema ka at kailangan mong mapag-isa at kusa ka na lang babalik sa 'min at ipapaliwanag ang dahilan mo kung bakit mo kami iniwan nang ganon na lang. May tiwala kami sa 'yo, bossing. Naniniwala kami na hindi kayo aalis nang ganon na lang kung walang dahilan. Sobra talaga kaming naghirap no'ng nawala ka, bossing. Promise, pero ginawa namin ang lahat at thankful naman kami dahil nagagawa namin lahat ng mission namin kahit na mahirap pero iba ang ngayon, bossing. Hindi na namin kaya. Tinawagan kita, bossing dahil hindi na namin kaya ang hirap. Ikaw lang ang makakatulong sa 'min, kailangan na namin ang boss namin para gabayan ulit kami. Kailangan na kailangan ka na namin ngayon ulit, bossing kaya kita tinawagan. Ipapaliwanag ko sa 'yo lahat kapag bumalik ka na ulit dito. Sana pumayag ka, bossing. Kailangan na kailangan ka talaga namin ngayon." Natahimik siya at napatakip sa bibig niya. Hindi niya inaasahan na sobra pa lang naghirap ang mga myembro niya.

Bigla niyang nasabi sa kaniyang sarili na, Ang tanga mo naman para iwan ang mga taong kailangan ka.

"S-sorry, Jefrey. Hindi ko sinasadya. Hindi ko rin naman ginustong iwan na lang kayo nang ganon, patawarin niyo 'ko. Napakawalang kwenta kong boss sa inyo. Dapat pinalitan niyo na 'ko, hindi ko deserve ang pagiging boss sa inyo dahil iniwan ko na lang kayo nang ganon. Ni hindi ko naisip na pwede kayong maghirap once na iniwan ko kayo nang walang pasabi, patawarin niyo 'ko." Naiyak ng sabi niya.

"Boss, hindi kami galit sa 'yo dahil sa pag-iwan niyo sa 'min. Alam naming may dahilan ka kung bakit mo 'yun nagawa at mas lalong hindi ka namin papalitan dahil ikaw lang ang nag-iisang queen boss namin. Deserve mo ang pagiging queen boss namin dahil kung hindi dahil sa inyo ay hindi namin maipapakita ang totoong kami at ang mga tunay naming kakayanan. Ikaw ang nagpakita sa 'min ng mga bagay na hindi namin alam at ikaw rin ang nagturo sa 'min ng mga bagay na hindi rin namin alam kaya h'wag mong sasabihin na wala kang kwentang boss sa 'min dahil may kwenta ka boss, tandaan mo 'yan. Ikaw lang ang boss queen namin na mahal na mahal namin." Mas lalo siyang napaiyak dahil sa mga sinabi ng kaniyang malapit na kaibigan.

Hindi lang niya ito ka-myembro o ano dahil isang malapit na kaibigan niya rin ito at pamilya na niya na rin ito.

Lahat ng mga kasamahan niya noon ay pamilya niya. Hindi lang ito basta basta mga tao lang na kilala niya.

"Sorry talaga, Jefrey. Ihingi mo na rin ako ng tawad sa mga member natin. H'wag kang mag-alala, sa pagkakataon na 'to ay babawi ako sa inyo. Gagawin ko na ang tungkulin ko bilang boss queen niyo. Sabihan mo sila na babalik na 'ko at handa akong gawin ang mga hindi ko nagawa noon. Maghanda kayo dahil sa pagbabalik ko ay sisiguraduhin kong matatapos ang kung ano man ang problema niyo diyan. Tatapusin ko ang tungkulin ko na hindi ko natapos noon. Sabihan mo ang lahat na maghanda sa pagbabalik ko dahil may mahalaga akong ipapagawa sa inyo upang mas lalo kayong maging malakas at maging matatag katulad ko para sa sunod na mawala ako ay makakaya niyo na ng hindi niyo kailangan ng tulong ko. Hindi pang habang buhay ay nandito ako bilang boss queen niyo, Jeffrey pero h'wag kang mag-alala dahil hangga't nabubuhay ako ay tutulungan ko kayo. Tutuparin ko lahat ng ipinangako ko sa inyo noon. Lahat 'yun ay gagawin ko. Babawi ako sa ilang taon na nawala ako. Maghanda kayo, sasabihan kita kung kailan ako babalik diyan, maghahanda lang ako." Sabi niya at napangiti.

Inaamin niya sa sarili niya na nagsisisi siyang iniwan niya ang mga ito nang walang pasabi at sa ilang taon na nawala siya ay hindi nawala sa isip niya ang mga ito.

Lagi niyang tinatanong ang sarili kung handa na ba siya ulit na bumalik at magpaliwanag kung bakit nga ba siya bigla na lang umalis.

Hindi niya lang inaasahan na ngayon ito tatawag sa kaniya, buong akala niya kasi ay galit ang mga ito sa kaniya dahil sa biglaan niyang pag-alis.

Hindi naman niya ginusto na umalis doon at iwan ang mga taong kailangan siya kaya simula ngayon ay nangako siya sa sarili niya na babawi siya sa mga ito.

Babawiin niya ang mga hindi niya nagawa na dapat niyang gawin no'ng umalis siya.

Walang pagdadalawang isip siyang umoo agad kanina nang sinabihan siya ni Jeffrey na bumalik na siya.

Matagal na rin naman niyang hinanda ang kaniyang sarili para dito pero kahit ganon ay kailangan niya pa ring masiguro na handa na nga talaga siya ulit.

Hindi madali ang tungkulin niya, malaki ang responsibilidad niya kaya kailangan na talaga niyang bumalik.

Hindi niya lang lubos maisip na hindi nagalit sa kaniya ang mga ito dahil buong akala niya ay galit ang mga ito sa kaniya kaya labis na lang ang tuwang naramdaman niya dahil sa nalaman na hindi naman pala galit ang mga ito sa kaniya.

Buong akala niya rin ay may iba ng boss ang mga ito kaya nagulat siya kanina nang sabihin nito na wala pang pumapalit sa pwesto niya.

Hindi niya nga alam kung bakit siya napunta sa pwesto na 'yun sa mura niyang edad.

"Aasahan namin 'yan, boss queen! My goodness boss! Excited na 'ko!" Natawa na lang siya dahil sa sinabi ni Jefrey.

Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap nilang dalawa at natapos na rin.

Hindi niya alam kung ganon pa rin ba siya kalakas tulad ng dati pero may tiwala siya sa sarili niya na kaya niya pa at malakas pa rin siya tulad ng dati.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ng kaibigan niya nang makabalik siya.

Buti na lang at hindi napansin ng mga kaibigan niya na umiyak siya kaya nakahinga siya nang maluwag don.

"Wala, napasarap usapan namin eh." Sabi na lang niya at napakibit balikat bago naupo sa pwesto niya kanina bago siya umalis para sagutin ang tawag.

To be continued...

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now