CHAPTER 7

562 17 0
                                    

CHAPTER 7

LIANNA POV

Napatingin ako kay hubby na nakahiga 'yung ulo niya sa hita ko.

Natutulog ata siya eh kasi nakapikit siya. Shh lang tayo, ah? Hinahaplos ko 'yung buhok niya, ang lambot kasi eh, ang sarap niya suklay sukalayin.

Nandito kami sa HQ nila ng mga friends niya pero wala friends ni hubby dito, kami lang dalawa dito ni hubby kaya shh lang tayo.

"Uy, hubby. Tulog ka ba?" Tanong ko habang hinahaplos ko pa rin 'yung buhok niya. Gustong gusto niya kasing gawin ko 'yon lagi sa kaniya eh.

"Hmm." Mahinang ungol niya lang kaya napakibit balikat na lang ako.

Bati na kasi kami eh kaya ganiyan na naman siya sa 'kin. Hmmp, kung hindi lang dahil sa chocolates at lollipops ko eh 'di ko siya papansinin.

Tsaka sinabi na rin sa 'kin ni hubby na nainis lang daw siya sa 'kin kahapon sa ginawa ko daw kaya hindi niya ako pinansin.

Anong ginawa ko sa kaniya kahapon? Meron ba?

"Hubby, miss ko na si Mommy." Maya maya ay malungkot na sabi ko at napatingin sa langit.

Napatingin lang ako ulit kay hubby nang bigla siyang bumangon at naupo nang maayos sa tabi ko at inakbayan ako kaya napasandal ako sa dibdib niya.

Hmmpp, ang bango talaga nitong hubby ko.

"I know that she misses you too and someday you will see each other again." Dahil sa sinabi ni hubby ay napangiti ako.

Kailan ko kaya ulit makikita si Mommy at si Daddy lalo na si kuya? Kahit kelan kasi hindi ko pa nakita face ni kuya ko eh.

"Gusto ko na rin makita si kuya, hubby. Miss ko na sila." Naiiyak ng sabi ko.

"Shh, don't worry I will do my best to find them, to help you, okay? So stop crying." Sabi niya at hinaplos nang marahan ang buhok ko.

Kapag ginagawa niya 'yon ay inaantok ako. Nakakatulog ako.

"Sleep, wife. I know someday you will see your family again and I will do my best to make it happen if that's the way to see you smile, to make you happy." Huling salita na narinig ko bago ako makatulog.

* * *

SKY POV

Habang naglalakad kami papunta sa HQ ay ang iingay nitong mga kasama ko.

Hayst, ang sasarap lagyan ng tape ng mga bunganga eh, nakakairita. Parang hindi rin ako maingay eh, noh?

"Hoy, nandito na tayo, h'wag na kayong maingay." Sabi ni Liam nang nasa harap na kami ng HQ namin.

Mahina akong natawa nang makitang nakatayo lang sila, walang nagbubukas ng pinto, nakasara kasi eh.

Alam kasi namin na nandiyan si bossing tsaka si Lianna baby eh. Shh lang kayo, ah? Na tinawag kong baby si Lianna, ayoko pa mamatay.

"Hoy, buksan niyo na." Mahinang sabi ko pero nagtulakan lang sila kung sinong magbubukas.

Mga gago talaga 'tong mga 'to.

Natahimik lang sila nang si Clyden na ang nagbukas ng pinto at ang bumungad sa 'min ay si bossing habang buhat niya si Lianna na tulog na.

"Hoy, bossing! Anong ginawa mo diyan?!" Gulat na sigaw na tanong ni Clark.

Agad naman niyang natakpan ang bibig niya nang samaan siya nang tingin ni bossing.

"Kapag nagising siya sa ingay niyo, humanda kayo sa 'kin." Sa sinabing 'yon ni bossing ay napalunok kami.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon