CHAPTER 13

513 14 0
                                    

CHAPTER 13

CLYDEN POV

"Oh, anak? Bakit parang galit ka? May problema ba?" Takang tanong sa 'kin ni Mom.

Yes, I'm mad dahil sa nalaman ko. Kagabi matapos naming mag-usap ni Lianna ay umuwe na din agad ako.

Naabutan ko pa si Jasmine kagabi sa sala at gustong gusto ko siyang tanungin pero nagpigil ako ng galit. Hindi niya pwedeng malaman na alam ko na ang totoo. Dapat ko munang malaman ang dahilan bakit niya nagawa 'yon sa 'min nang hindi niya nalalaman at alam kong may mga kasabwat siya dito.

Hindi niya kasabwat ang doctor at ang detective na kinuha ko kaya alam kong may iba siyang kasabwat.

"Wala 'yon, Mom. Don't worry about me." Sabi ko na lang at sabay ngiti.

Sorry, Mom pero hindi ko muna sasabihin ang totoo sa inyo ni Dad, sorry.

"Ganon ba? Sige, tawagin mo na ang kapatid mo don sa taas, kakain na tayo at baka mahuli pa kayo sa mga klase niyo." Sabi ni Mom kaya napatango naman ako.

Habang palapit ako sa kwarto niya ay parang gusto kong pumasok na lang bigla at sugurin siya. Pasalamat siya at babae pa din siya.

Kakatok sana ako sa pinto niya nang makita kong bukas 'yon nang konti kaya sumilip na lang ako.

"Oh yes. Don't worry, hindi nila malalaman." Rinig kong sabi niya.

Napataas naman ang kilay ko. Ano naman kayang hindi namin malalaman?

"Tanga 'yung Clyden eh, pati na 'yung mga magulang, tss haha. H'wag kang mag-alala, akong bahala sa kanila." Rinig ko pang sabi niya. Sino bang kausap niya sa phone?

Gago 'to, ah. Niloloko nga lang talaga kami, tangna.

Feeling ko 'yun ang kasabwat niy. Humanda sila sa 'kin once na nahuli ko sila.

Ang galing umakting ng babaeng 'to. Hindi ko namalayan. Buti na lang talaga matalino si Zack kaya nalaman ko ang totoo.

Dahil kung hindi edi napaikot na ng tuluyan ng babaeng 'to ang isip ko. Una pa lang talaga hindi na maganda ang nararamdaman ko sa Jasmine na 'to. Tanga ko nga dahil binalewala ko lang 'yon.

"Jasmine, lil sis, kakain na." Tawag ko sa kaniya kaya naibaba niya bigla ang cellphone niya.

Lihim akong napairap. Nagpipigil lang ako ng galit. At nandidiri ako na tawagin siyang lil sis. Kaya pala parang hindi ko gustong tawagin siyang lil sis dahil she's not really my sister naman pala.

"K-kuya? Kanina ka pa diyan?" Kabado niyang tanong. Ngumiti naman ako at naglakad palapit sa kaniya.

Wow! Galing, ah? Kanina napaka ano ng itsura pero ngayon biglang umamo ang mukha, tsk. Aacting na rin ako. Akala niya ba siya lang marunong mag-acting? Psh.

"Hindi naman, kakarating ko lang, why?" Takang tanong ko, kunwari. Hindi niya alam na mas best actor pa 'ko sa kaniya.

"Ahm nothing, kuya hehe. Tara na po sa baba." Ngiting sabi niya kaya tumango na lang ako.

Pinauna ko siyang maglakad at nong una parang nagdadalawang isip pa siya pero sa huli ay ginawa niya pa rin.

Maganda na ring itago ko na lang muna ang tungkol dito para malaman ko kung anong tinatago niya.

Basta ang masisigurado ko lang ay hindi ako makakapayag na galawin niya ang kapatid ko pati na sila Mom and Dad.

Dahil once na may ginawa siyang hindi ko magugustuhan, hindi ko alam ang pwede kong gawin sa kaniya.

That Childish Girl Is My Long Lost SisterWhere stories live. Discover now