Chapter 52: Care

Magsimula sa umpisa
                                    

"Allison, Magbayad na kayo ng utang ninyo sa tindahan!" Galit na sigaw ni aling Eya.

"Po? Hindi po ba nakiusap na ako na sa sahod ko nalang-"

"Ilang beses mo na iyang sinabi, Allison!" Napapikit ako nang lalong lumakas ang boses nito. Nagsimulang magbulungan ang mga kapitbahay namin. Halo halong awa at panghuhusga ang naririnig kong lumalabas sa bibig ng mga ito.

"Isa pa iyang renta ng bahay! Ano sa tingin niyo libre lang kayong titira diyan?!" Galit na sigaw ni aling Nena.

"Nagbabayad naman po ako, Aling Nena." Mapait itong tumawa.

"Wow, Allison! Nagbabayad daw siya! Mga kapitbahay! Nagbabayad daw!" Namamahiyang sigaw nito. Bumaba na lamang ang tingin ko sa batik batik na semento.

"Aling Nena, Nagaabot po ako sa nanay ko ng pang bayad sa inyo kada kinsenas. Imposible naman pong hindi ako nagbabayad." Kalmado kong sabi dito.

"Aba! Ako pa ata ang tinatawag nitong sinungaling! Siya, Sige!" Dinuro niya ang pintuan ng bahay namin.

"Tawagin mo iyang nanay mo!" Nakakabingi nitong kinatok ang yerong pintuan ng bahay namin.

"Hoy! Lumabas ka diyan! Ikaw ang humarap sa amin!" Sigaw ni aling Nena habang walang tigil na kinakatok ang pinto.

"Baka po wala diyan ang nanay ko, Pag-usapan nalang po natin ito bukas. Nakikiusap po ako."

"Hay nako, Allison! Ayan ka na naman!"

"Aling Nena, Baka po masira ang pinto-"

"Wala akong pakialam, Bahay ko ito!" Bumuntong hininga ako habang patuloy nilang sinisigawan ang ina ko. Halos buwagin na ni aling Nena ang pintuan sa sobrang lakas nito kumatok.

"Diyos ko! Maawa ka dito sa anak mo!" Sigaw naman ni aling Eya.

"Allison..." Napatingin ako sa aking braso nang may kamay na dumampi dito.

"What's happening?" Takang tanong ni Sebastian. Hindi ako nagbibiro kung sasabihin kong natahimik ang lahat ng nasa paligid. Tumigil sa pagkatok si aling Nena at tinitigan si Sebastian.

"Wala, Seb. Ako na ang bahala dito." Tinaasan ako ng kilay ni Sebastian at doon ko napagtantong hindi siya naniniwalang wala ito.

"Excuse me, What seems to be the problem?" Tanong ni Sebastian. Sandaling nanahimik ang paligid bago  muling magsalita si Sebastian.

"Ano pong problema kay Allison?" Makapal at mabigat ang pahkakasabi nito sa bawat salita. Marka ng taong hindi naman talaga sanay magtagalog.

"Hindi nagbabayad ng utang iyang si Allison! Ilang buwan nang libreng nakatira iyan sa-" Natahimik ang bibig ni aling Nena nang ilabas ni Sebastian ang pitaka nito.

"Teka, Sebastian-" Hinawakan ko ang pulso nito. Tumingin ito sa akin na para bang binabalaan akong bumitaw sa pagkakahawak ngunit hindi ako nagpatinag.

Kung totoo ngang ilang buwan na hindi binayaran ni mama ang renta ng bahay, Sigurado akong libo-libo na ito. Isa rin ang utang kay aling Eya. 

"Allison, Can you just stop complaining for just a minute? I'll handle this." Bumalik ang tingin nito sa mga ale.

"Magkano po ang needed?" Magalang na tanong ni Sebastian.

"Walong na libo para sa walong buwan na utang nila sa renta." Parang halimaw na mabilis nagbago ang itsrua ni aling Nena nang maglabas ng higit pa sa sampung libong papel si Sebastian.

Nagsimula muli ang ugong bulungan na parang mga bubuyog na chismis ang hanap imbis na bulaklak.

"Kayo po?" Gusto kong matawa dahil sa halatang hirap ni Sebastian na ipag-patuloy ang pagtatagalog.

"Limang libo na ang utang ng mag-inang iyan sa tindahan." Muli, Sigurado akong hindi lamang limang libo ang inabot ni Sebastian dito. Lahat iyon sa loob lamang ng pitaka niya galing.

"Makakaalis na po kayo. Please don't bother her again." Kahit na tunog mayabang alam kong sinusubukan ni Sebastian maging magalang sa mga ito.

"Ah, Wait." Para namang nanginig sa takot si aling Nena at Eya nang pareho itong hawakan ni Sebastian sa balikat.

"Bakit, Hijo?" Tanong ni aling Eya.

"If Allison and her mom doesnt pay the bills, Pwede po ba ako ang tawagan ninyo? Huwag..." Tumingin muna sa akin si Sebastian.

"What's the word, Al?" Umangat ang pang-itaas na labi nito habang nagiisip. Pinanlakihan ko ito nang mata, Binabalaan siyang huwag nang ituloy ang nais niyang gawin.

"Right." Humarap itong muli sa dalawang ginang.

"Huwag niyo na pong guluhin si Allison." Mabagal nitong sambit, Sinusubukang hindi magkamali.

"Ako na po ang magbabayad sa lahat. Just give me a call." Tumango ang dalawa nang abutan silang pareho ni Sebastian ng maliit na papel.

"May number ko po iyan. Thank you. You can go now." Ngumiti ito sa kanila.

"Alam mo, Hindi mo na sana iyon ginawa." Tumingin ako sa paligid ko at makitang umoonti ang mga taong nanonood.

"Yeah, But I wanted to. Plus," Tumigil saglit si Sebastian.

"Where do you expect yourself to get that much money only by working part-time at the restaurant?" Tanong nito.

"Oo nga..." Siguro dapat kumuha ako ng isa pang trabaho.

"Don't even think about getting another job, Al. You already have enough on your shoulder as it is. Ako na nga ang bahala, Let it go."

"Hindi ko talaga alam paano ako magpapasalamat sa iyo sa lahat nang nagawa mo ngayong araw. Tatlong beses mo na akong nailigtas." Umiling ito habang mahinang humahagikgik.

"Al, You can thank me by not thanking me. I care about you, I did everything I did on my own. Kaya just don't think about it."

Hindi na ako umangal nang dire-diretsing buksan ni Sebastian ang pintuan ng bahay. Dahil una sa lahat, Siya rin naman ang nagbayad nito at pangalawa, Alam kong wala si mama.

Love How You Hate Me (Castel #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon