Chapter 1

17 11 0
                                    



Vanna

Binaba ko ang ballpen na hawak ko saka napatingin sa bond paper na napuno ko na. Muli ko itong binasa para makita kung may mali ba o may kailangan ba akong baguhin bago ko ito itype sa laptop.

Tyler gritted his teeth. He's mad but he chose not to show it. He shouldn't be mad, that's what he's thinking as he'll face Violet.

He clenched his fists and calmed himself by breathing heavily. After a while of doing this, he finally felt relaxed, and ready to face Violet Evergreen, the love of her life.

He stood up and start walking towards the door. But before he could open it, someone opened it first.

And it's Violet.

Violet's soft demeanor was enough to make Tyler calm down in rage. Why is he so mad though?Violet's such a sweet person. She's friendly and everyone likes her. It was normal that some guy would like her but Violet knew better.

"Tyler-" before Violet could add another words, Tyler immediately grabbed her in the nape and kissed her deeply. It was so loving, full of love and regret. He cut the kiss just as fast as when he kissed him.

"God, I'm sorry baby. Sorry for hurting your feelings. I should've known better. I'm sorry-

Hindi ko na naituloy pa ang pagbabasa nang may tumawag sa akin mula sa baba. Itinabi ko ang mga scratch ko saka shinut down and laptop saka bumaba na.

"Bakit po tita?" tanong ko nang makarating sa ibaba.

"Ikaw muna magbantay rito ha. Aalis muna ako para bumili ng tanghalian. Wag kang mangungupit!" paalala ni tita Theresa habang isinusukbit ang bag niya. Tumango ako saka umupo sa upuan na nasa tindahan.

"Syempre tita. Ingat ka," sagot ko saka sumaludo pa.

"O siya, aalis na ako," sabi niya saka lumabas na. Napakalumbaba ako habang nagaantay ng bibili. Sana pala dinala ko yung laptop ko para nakapagsulat ako. Kaso baka may bumili at hindi marinig sa taas.

Sa ngayon, sa tita Therese ako nakatira. Malapit kasi ang school ko sa bahay nila saka isa pa, walang katulong si tita dito lalo na at mag-isa lang siya. Kaya naman pag wala akong ginagawa ako nalang ang nagbabantay ng sari sari store niya.

"PABILI!!" napairap ako ng may sumigaw. Tumutuktok pa nung barya na akala mo madaling madali. Kita namang may tao na sa loob makasigaw wagas. Kala mo nagtatawag ng sunog.

"Ano?" tanong ko.

"Pabili yelo, isa," sabi niya kaya napairap ulit ako. Kala ko naman halagang isang milyon yung bibilhin sa lakas ng sigaw, yelo lang pala.

Tumayo ako saka binukas yung ref at binigay yung yelo sa kanya. Inabot niya yung tres na nilagay ko agad sa lalagyan ni tita ng pera.

Dalawang oras din akong nagbantay sa tindahan. Nakakabagot nga dahil hindi din naman ganon karami ang bumibili. Kung may bumibili naman, yung iba nakakainis.

Yung mga bata na bumibili ang lakas tumuktok ng barya nila tigpiso lang pala bibilhin. Baka nga rinig pa sa kabilang bahay yung mga sigaw nila.

Maya maya dumating na si tita Therese. Ang tagal naman bumili ni tita, baka nakipagtsismisan pa ito sa daan. Madami kasing katsismisan yan si tita kaya di nahuhuli sa balita.

Syempre except sa balita tungkol sa akin.

"Vanna!Ikaw na nga magluto ng isda!Ako na diyan sa tindahan!" sigaw ni tita pagkarating na pagkarating sa bahay.

"Opo!" sigaw ko rin saka lumabas na ng tindahan.

"O magkano benta?"tanong ni tita ng makalabas ako.

" Tingnan mo nalang tita. Saka po pala, ubos na yung isang tray ng itlog. Bumili si Mang Fred ng pito kanina,"sabi ko pa.

"Ay sige. Bukas pa pupunta si Kaloy para magdeliver ng mga itlog. Iluto mo na yan, iprito mo nalang nagugutom na ako e," sabi pa ni tita saka inabot sa akin ang plastic na may lamang isda.

Tumango ako saka dumiretso sa kusina. Habang naglilinis ng isda kung ano anong pumapasok sa utak ko.

Ang boring ng buhay ko. Nakakainis isipin na lahat ng gusto kong mangyari, hanggang isip ko nalang.

What if totoo si Tyler?What if I'm his Violet?Ano kayang mangyayari?Ganito din ba kaboring ang buhay ko?

Definitely not.

Pero alam ko na hanggang what ifs nalang ang lahat kasi si Tyler, gawa gawa ko lang. Fictional character siya na gawa lang ng isip ko.

Pero di rin naman masamang umasa diba?

Creating "Him"Where stories live. Discover now