Chapter 24

5.7K 155 5
                                    

Wade's POV:

Mabilis na lumipas ang mga araw at palagi kaming nagkikita ni Natasha, nabalitaan ko rin na nakauwi na ang tarantado niyang fianceè. One time, nakita ko na s'ya at nakausap pa kaya lang puro pamimilosopo lang ang sinasagot ko sa kanya. Mabuti rin na natitikom ko ang bibig ko dahil ayokong masaktan s'ya kapag nalaman niya na nakikipaghalikan sa 'kin ang fianceè niya.

Madaming trabaho sa opisina kaya inabala ko ang sarili ko buong maghapon, walang babae sa paligid. Simula nang mahalikan ko si Natasha parang naging gawain ko na ang tumigil sa paghalik ng ibang babae, parang naging goal ko na labi lang ni Natasha ang hahalikan ko sa magdamag. Nakakatawa lang na sa isang halik nagawa kong maadik, ganoon naman palagi ang epekto niya sa 'kin. 

Nakatayo ako habang tinitignan ang lalaking nahuli namin nung nakaraan, nambibiktima s'ya ng mga kababaihan. Mga babaeng mahihina at madaling maloko, nagpanggap s'yang businessman at nagbebenta ng mahahaling sasakyan. Napapailing ako dahil ang laki laki ng katawan niya pero nakukuha niya pa ring mambiktima. Malaking pera ang nakukuha niya at pinapapirmahan niya ng pekeng document at hindi na magpapakita.

"Side view..." utos ng isa sa mga team ko habang kumukuha nang litrato niya.

Nakahalukipkip lang ako at nakatingin sa kanya, tinignan ko ang oras at paniguradong nandoon na ang bulaklak para kay Natasha. Every 2pm ay nandoon s'ya sa shop dahil may mga kinikita ata s'yang kliyente para sa trabaho. Minsan nagkikita kami doon at hindi pa rin nagbabago ang pagiging suplada niya at pagiging malamig.

Tss. Hindi ko nga alam kung bakit kinikilig ako kapag nakikita ko ang suplada niyang mukha. The way she talks to me, para akong nakalutang sa mga ulap at nakakabaliw.

"Babalik muna ako sa opisina ko maraming pinapaa-asikaso sa'kin si Chief," paalam ko sa kanila at tinignan pa ng isang beses ang lalaki bago umalis.

Huminga ako ng malalim at kaagad na pumunta sa opisina ko na malapit sa tables ng ilang mga sundalo. Pinihit ko ang doorknob at kaagad na nangunot ang noo ko nang makita si Faye, palagi niya nalang akong kinukulit na maka-date kaso ayoko. Marami akong ginagawa, totoo 'yun, at isa pa inaasikaso ko rin si Troy dahil nag-aaral na.

"Faye?" nagtatakang tawag ko at kaagad na umupo sa sofa.

She smiled. "I've missed you, Wade. Pumunta ako dito dahil I'm expecting something from you..." aniya sa makahulugang boses.

I sighed and looked at her. "Sinabi ko na sa'yo na busy ako at marami akong trabaho," sambit ko at tinuro ang toreng papel na nasa lamesa ko.

She pouted and sit beside me. Ang mga kamay ay nakayakap sa bewang ko kaya napalunok ako at medyo umatras ng kaunti dahil sa paglapit niya. She looked at me and kissed my lips, napalunok ako at nanlalaki ang mata nang kumandong s'ya sa 'kin.

"F-faye don't..." mahinang sambit ko sa kanya habang inaayos ang strap ng damit niya.

She sighed. "You're always busy Wade. You don't have time for me, we didn't catch up because of your work. I wait for you kagabi but you didn't showed up, bumili pa naman ako ng bagong lingerie para sana..." She gave me a sly smile.

Hinawakan ko ang bewang niya at inaalis sa kandungan ko, umiling s'ya at hinalikan ang leeg ko. Napapalunok ako at kaagad na inisip si Natasha, marahan ko s'yang tinulak dahil ayokong masaktan s'ya. Kahit papaano ay naging mabuti s'ya sa 'kin, ayokong isipin niya na wala akong utang na loob para sa kanya.

"Stop, Freya..." mahinang sambit ko at marahang tinulak ang mukha niya na nasa dibdib ko.

"Why? Before naman go na go ka sa mga halik ko, ikaw pa nga ang nagf-first move..." napapaos na bulong niya.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now