Chapter 59

5.3K 155 4
                                    

Natasha's POV:

Sumakay kaagad ako sa kotse kung nasaan si Emmanuel. Nagising nalang ako na nasa puder na ako ng mga Santiago at nakahimlay ng ilang araw. Tinignan ko si Wade na pumasok sa kotse kaya huminga ako ng malalim at ngumisi kay Emmanuel na nakangising tumingin sa akin. Gusto kong ngumiwi sa kanya kaso nga lang baka masira ko ang dapat plano ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop bago halikan.

"Good job, honey. Natututo ka nang makipagsuntukan," masayang sambit niya.

"Ikaw ang nagturo sa akin kaya naman alam ko kung papaano," peke akong ngumiti at tumawa.

He chuckled. "Tatandaan mong may kasalanan sa'yo ang mga Martinez at ang lalaking 'yun, Sasha..." kalmadong sambit niya.

Sasha ang ipinangalan nila sa akin sa loob ng ilang araw at nasanay na ako doon. Ilang araw nila akong tinago at sa tingin ko ay mananatili muna ako sa kanila dahil may kailangan akong malaman at matapos. Hinaplos ko ang isang buwan kong tiyan at iniwas ang paningin sa unahan. Huminga ako ng malalim dahil masakit ang pagsuntok ko sa bawat kanto ng katawan ni Wade.

"Nagpapameeting si Daddy kaya naman pupunta tayo doon. We will talked about our wedding," mahinahong sambit niya.

"That's good," ngumiti ako sa kanya at nginitian niya ako pabalik.

Umirap ako sa kawalan at nakita na ang mansyon ng mga Santiago sa Baler, Aurora. Inalalayan niya akong bumaba at inakay ako papunta sa loob. Nakita ko na ang mag-asawang Santiago sa hapag kainan kaya ngumiti ako ng matamis at humalik sa kabilang dalawa. Ngumiti silang dalawa pabalik at sinenyas ang upuan sa tabi ni Tito.

"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa iyo?" pagtatanong niya sa akin.

"Yes, matutuwa kayo kapag nakita niya ang pagmumukha ng Tristan na 'yun," natatawang sagot ko.

Tumawa si Tita. "Mabuti naman at maaasahan ka namin hija. Ipagpatuloy mo lang 'yan at makukuha natin ang gusto nating lahat," nakangiting sambit niya.

Pinagsilbihan ako ni Emmanuel at nanatiling nakatingin ako sa pagkain. Gusto kong sumuka sa harapan nila dahil sa walang kwentang pag-uusap nila. Inaalala ko lang talaga ang anak ko kaya naman kumain ako at hindi sila pinansin.

"Gusto kong patayin mo si Cathalina," maya-maya ay narinig kong sambit ni Tito sa seryosong boses.

Natigilan ako at pasimpleng lumunok. "Bakit?" kalmadong tanong ko. "Anong ginawa niya sa pamilya natin?" dagdag ko.

Ngumisi si Tito. "Marami siyang ginawa, unang-una siya ang nag-utos na ibangga ang sasakyan mo. Pangalawa, siya ang nagpabagsak sa kumpanya natin na tahimik na naglalayag. Pangatlo, sila rin ang dahilan kung bakit nagtatago tayo," seryosong sambit niya at pinaglaruan ang baso.

Liar. "Anong gusto mong gawin ko kung ganoon, Tito?" nakangising sambit ko.

"Gusto kong patayin mo siya, gusto kong patamaan mo ang puso niya," aniya at pinagaaralan ang mukha ko.

Tumaas ang kilay ko at tumango sa kanya kaya natuwa naman siya at nginitian ako. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam akong pupunta sa kwarto para makalanghap ng payapang hangin dahil para akong sinasakal sa presensya nilang lahat. Simula ng dumating ako dito ay nakuha ko na ang lahat ng gusto ko, ang mga dokumentong magpapatunay na sangkot sila sa illegal na drugs, sangkot bilang myembro ng mga sindikato, illegal na mga baril, at kung anu-ano pa.

Sinirado ko ang pintuan at bumuntong hininga. Mabuti nalang hindi kami natutulog sa iisang kwarto ni Emmanuel dahil baka hindi ko makayanan. Pumunta ako sa balkonahe at taimtim na nagdasal na sana maunaawan ni Wade ang ibig-sabihin ng sulat na ibinagay ko.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now