Chapter 48

5.7K 167 2
                                    

Wade's POV:

Nang makalabas ako ng hospital ay ang pagbalik ko sa trabaho. Ayokong ipagpaliban ang trabaho ko dahil may binubuhay na akong pamilya, may pera naman ako pero iba pa rin kapag nagt-trabaho ako para sa pamilya ko. Masaya akong malaman na may anak kami ni Natasha, pakiramdam ko ay nabuhayan ako dahil sa kaalamang magkaka-anak ako sa kanya. Ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa mundo.

Inasikaso ko ang kaso ni Emmanuel dahil ilang araw na rin. Katulong namin si Natasha sa paglutas ng kaso dahil ang sabi ng Chief namin ay makipagcommunicate kay Natasha, maraming kasing koneksyon si Natasha kaya naman nagiging madali para sa'min ang paglutas.

Pinuntahan namin ang lahat ng pwedeng puntahan ni Emmanuel noong gabing 'yun. Nalaman namin na pumunta s'ya sa isang restaurant at may kinitang babae ayon sa waiter na nagserve sa kanila. Nalaman rin namin na palaging nandoon si Emmanuel at may kinikitang babae kaya naman mas naging pursigido kaming malaman.

"Hintayin nalang natin si Natasha para makapagsimula tayo," sambit ng Chief namin.

Nandito kami sa meeting room dahil pagsasamahin namin ang mga ebidensyang nakuha namin ilang araw ang nakakalipas. Nakaupo ako at kagat ang ballpen dahil ilang minuto na kaming naghihintay sa kanya. Ano naman kayang ginagawa nun? Tss.

"She's here," sambit ni Chief.

Napatingin kami doon at nakita si Natasha. Wearing a light green slacks, white sando, and a light green coat kasama niya ang dalawang lalaki. Nagsusumigaw ng kapangyarihan ang postura niya at ramdam mo ang otoridad sa tindig at postura niya. Napaayos ako ng upo nang tumabi s'ya sa 'kin at tinignan ako.

"I'm sorry nalate ako may inaasikaso lang ako. So let's start?" pormal ang boses niya at tumango sa 'kin.

Binigay namin ang mga nakalap naming evidence sa ilang araw na nagimbestiga kami. Marami kaming nakalap na impormasyon dahil sa araw-araw na kasama namin si Natasha. Tumayo ako at tumikhim para makapagsalita na.

"Ang mga folders na 'yan ay nakalap namin sa araw-araw at ang laman ay ang mga impormasyon na nag-uugnay kay Emmanuel. Nalaman namin na palaging nasa pribadong restaurant si Emmanuel at may kinikitang babae. Wala pa kaming clue tungkol sa babae pero nagtanong na rin kami sa mga waiter doon. Ang sabi niya ay madalas daw na nandoon si Emmanuel at palaging may kausap na babae," paliwanag ko sa kanya.

Tumango siya. "Gusto kong alamin ninyo ang tungkol sa babaeng kinikita niya at kung anong dahilan bakit sila nagkikita," pormal ang tono ng boses niya.

Umupo ako at tinignan s'yang nakikipag-usap sa dalawang lalaki na kasama niya. Masyadong hands-on si Natasha at talagang walang araw na wala kaming ginagawa dahil sa utos niya. Kaya naman madalang kaming magkita dahil madami rin s'yang ginagawa at hindi ko maiwasang mag-alala para sa baby namin.

"Ito naman ang impormasyon tungkol sa interview namin sa mga magulang ni Emmanuel. Palagi daw umaalis ang anak nila tuwing gabi at nalaman namin na palagi siyang nasa Los Baños at doon namamalagi pero nang puntahan namin ay wala na s'ya doon. Masyadong malinis at walang bakas ni Emmanuel ang nasa bahay," sambit ni Brent.

Ngumuso si Natasha. "Gusto kong tignan ninyo ang katawan na nasa sementeryo. I want a DNA test and I want to make sure na kay Emmanuel talaga 'yun. Masyadong mabilis ang pangyayari, maasahan ninyo ang dalawang 'to kapag may mga kailangan kayo. Hindi ko pwedeng biguin ang instincts ko sa ngayon," pormal na sambit niya at tinignan kami.

"Ang huli lang naming kita sa kanya ay ang pagsakay niya sa isang itim na Van. Bukod doon ay wala na dahil walang CCTV ang lugar kung saan nabangga ang kotse ni Emmanuel," paliwanag ko sa kanya.

Kinagat ni Natasha ang labi niya kaya napalunok ako. Tinignan ko ang mga kasama ko na titig na titig kay Natasha, bakas ang paghanga at ang iba pa ata ay nakanganga na. Sinong hindi? The heir of Martinez is here and I'm lucky that she's mine.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now