Epilogue

9.3K 245 27
                                    

Wade's POV:

Kagigising ko lang at napahinto nang makitang tulog na tulog si Natasha, she's naked and here I am hugging her from behind. Dito kami sa Baguio nags-stay kasama ang kambal, she's 5 months pregnant at kay bilis umusad ng panahon. Hinalikan ko ang leeg niya at mas niyakap pa ang baywang niya. Huminga ako at hinaplos ang buhok niya and I can hear her, humihilik.

Napapangiti na lang ako kapag na-aalala ko kung papaano kami nagsimula, kung papaano ako unang nahulog sa kanya. Na-aalala ko kung papaano ako na friend zone ng isang Natasha. Gusto kong matawa dahil napakabata pa namin noon nung umamin ako sa kanya but she ignored me.

"Hayaan mo na baka naman hindi ka ang type," pang-aasar ni Jetro habang nakaupo kami sa swing ng garden nina Tita Cathalina.

Ngumuso ako. "Palagi niya naman akong hindi pinapansin. Napakasungit niya, pero gusto ko pa rin siya..." sambit ko sa nagrereklamong boses.

Simula nun nagtiis akong lapitan siya kahit pa magsungit siya sa harapan ko ay nagtiis pa rin ako dahil, alam kong magiging akin rin siya pagkatapos.

"Here, tulips for you," kinakabahang sambit ko nang magkita kami sa restaurant isang gabi.

Nagtaas siya ng kilay at hinawakan ang bulaklak na ibinigay ko. Gusto kong tumawa at ngumiti ngunit kinakabahan ako lalo pa't ito ang unang araw na magd-date kami.

"Salamat, nag-abala ka pa. So, what are we going to eat?" sambit niya at inilibot ang paningin sa menu.

Na-alala ko pa nung mga araw na sabay kaming nagt-travel around the word. Doon nagsimulang lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya ngunit 'yun rin ang araw na pag-alis niya sa Pilipinas kasama sina Tita.

"Babalik naman ako kaya huwag kang mag-alala," sambit niya at marahang niyakap ang baywang ko.

"Promise?" tanong ko at sinilip ang mukha niya, she nod her head and smiled. "Hihintayin kita," dagdag ko at hinalikan ang noo niya.

4 years akong naghintay sa kanya, ngunit napakadaming lumabas na scandal about her. Hindi ko pinakinggan ni isa sa kanila ngunit nang mapuno ako ay sobra ang galit ko. Hindi ko matanggap na ang pangako niya ay napako dahil lang sa isang lalaking isang araw niya lang nakilala sa Italy.

Bumalik siya, nagbago ako, at ganoon rin siya. But look at where I am now, in her arms at malugod pa rin akong tinatanggap kahit na madami akong nagawang mali sa kanya. Ngumiti ako at tinapat ang singsing sa kamay ni Natasha, it looks good on her lalo na ang maliit na diamonds sa pagitan nito.

"I love you," mahinang bulong ko at hinalikan ang pisngi niya.

Marahan akong bumangon at naghanda dahil gusto kong ngayon ko sasabihin na pakakasalan ko siya. Alam kong kahit hindi niya sabihin sa akin gusto niya nang magpakasal, nakikita ko sa mga mata niya ang kagustuhang magsuot ng gown.

"Boys!" pagtawag ko sa mga anak ko na mabilis lumapit sa akin.

"Sì, Daddy?" pagtatanong nila at mukhang naistorbo ko pa ang pagligo nila sa swimming pool na nasa garden.

"I need your help, I'm gonna proposed to your Mom, can you help me to prepare?" masuyong sambit ko.

"Sure, Dad!" si Wayne sa magiliw na boses.

"Yeah, sure," sambit ni Warren at tinaas pa ang isang kamay.

Ngumiti ako at tumango, nagtulungan kami sa pag-ayos ng gamit. Lumabas kami ng bahay at pumunta sa kagubatan kung saan sa dulo nun ay ang nag-iisang talon na napapalibutan ng mga bulaklak at puno. Naisip ko na doon na lang dahil alam kong magugustuhan ni Natasha ang kapaligiran.

"Ilagay mo diyan," sambit ko habang nakaturo sa gitna kung saan kitang kita ang umaagos na tubig mula sa talon.

Naglagay ako ng pulang rosas sa paligid ng lamesa at pati sa upuan ay ganoon rin. Nilagay rin namin ang iniluto naming pagkain kanina lang, nilagay ko ang wine at iba pa. Tinulungan rin nila akong lagyan ng bulaklak ang gilid ng lamesa at ganoon rin sa upuan.

"Done!" sabay-sabay na sigaw namin nang matapos ang ginagawa, nagtawanan kaming tatlo.

"I'm sure Mommy's gonna love this. She really love nature," si Warren na nakapamaywang sa harapan ng talon.

Sumakay kami sa sasakyan at kaagad bumalik kung nasaan si Natasha, mabilis kong minaneho ang sasakyan dahil alam kong gising na si Natasha. Inalalayan ko silang makababa at kaagad kaming pumasok sa loob at naabutan si Natasha na kumakain at nakatutok sa cellphone.

"Goodness! Kanina ko pa kayo hinahanap. Akala ko iniwan niyo na ako dito," bungad niya habang nakanguso.

"Sorry, mahal. May inasikaso lang kami sa labas," sambit ko at niyakap siya. "Tara, may pupuntahan tayong dalawa," dagdag ko at ngumisi sa kanya.

Sinuot ko ang blindfold sa kanyang mga mata at inalalayan siyang makalabas. Hawak niya ang braso ko dahil natatakot daw siya kaya natawa ako. Sinakay ko siya sa kotse ko kasama ang kambal na nakangiti sa akin.

"Saan ba tayo pupunta?" pagtatanong niya habang suot pa rin ang blindfold.

"You will see later, baby..." sambit ko at maingat na minaneho ang sasakyan.

Nakarating kami kaagad at mabilis ko siyang inalalayan, hinawakan ko ang baywang niya at lumakad ng kaunti. Nang makarating sa gitna ay dahan dahan kong tinanggal ang piring sa mata niya.

"W-wow..." namamanghang sambit niya at tinignan ako. "You made this?" dagdag niya habang nakangiti.

"With the help of our kids," sambit ko at nagkibit balikat sa kanya.

"I'm speechless..." She murmured at umupo sa upuan.

Umupo rin ako at ang kambal ay pinagsilbihan si Natasha, natawa si Natasha at nakangiting pinagmamasdan ang kambal na hinihawa ang meat niya.

"Kayo talaga, ano bang ginagawa natin dito?" pagtatanong ni Natasha at inamoy ang tulips na dinadala ko.

Sumeryoso ako kaya natigilan siya at napatitig sa akin. "Babe, alam kong hindi na tayo bumabata pa at alam kong alam mo na mahal na mahal kita hindi ba?" seryosong sambit ko.

"W-wade... galit ka ba? Don't scared me," she murmured kaya natawa ako at hinawakan ang kamay niya.

"No, baby," sambit ko at tumayo kasama siya. "I just want you to know how much I love you. I'm so lucky to have you in my life and I never regret loving you, chasing you, and protect you all the damn time. You're so special to me babe, kayo ng mga anak natin." Hinalikan ko ang likod ng palad niya.

"Baby..." Her voice broke kaya pinunasan ko ang nangingilid niyang luha sa mga mata.

I sighed and gulped dahil maski ako ay naluluha. "Gusto kong malaman mo na handang handa akong makasama ka sa habang buhay, handang handa akong protektahan at alagaan ka. Gusto kong sabihin na hindi kita iiwan at maraming salamat dahil hindi mo ako sinukuan. Hindi mo ako binitawan kahit alam kong alam nating pareho na tayong bumibitaw sa kung anong mayroon tayo. Gusto ko na malaman mo na sa oras na 'to at sa araw na 'to magiging akin ka habang buhay," seryosong sambit ko.

Tinakpan niya ang kanyang bibig nang makita ang box na hawak ko, dahan dahan kong niluhod ang isa kong tuhod. Nanginginig ang labi ko at pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa matinding kaba.

"Wade..." lumuluhang sambit niya at pinunasan ang luha sa mga mata niya.

I sighed. "Baby, hindi ko na kaya pang patagalin ito. Kung pwede lang kitang pakasalan dito ay gagawin ko, pero alam kong ayaw mong hindi ka nagsusuot ng gown sa mismong kasal natin..." Suminghap ako at inilabas ang singsing. "Now, I will asked you the same question, can you be my end game for the rest of our lives?" sa huli ay gumaralgal ang boses ko.

She's crying at bakit napakaganda niya pa rin kahit umiiyak? She nod her head repeatedly. Tumawa ako at tumayo para isuot sa kanya ang singsing, pinunasan ko ang luha sa mata ko.

"Yes... I will be your end game for the rest of our lives..." She murmured and kissed my lips.

I, Wade Ferelle and I am done Chasing The Heir.

- END -

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Donde viven las historias. Descúbrelo ahora