Chapter 53

5.6K 169 0
                                    

Wade's POV:

Kagabi ay bumyahe kami para makabalik sa Laguna. Iniwan namin sina Wayne sa Siargao at gustuhin ko man silang isama ay hindi muna pwede dahil ayokong masaksihan nila ang gulo. Ngayon na kasama ko na sila ay hindi na ako papayag na may sisira na naman sa aming dalawa. Hindi ako papayag na masisira na naman ang pamilyang binuo ko, ang pamilyang pinangarap ko ng ilang taon.

Nang makabalik kami ay nagkaroon ng maraming event ang mga Martinez. Madami ring shoot si Natasha dahil kinuha siya ng iilang mga sikat na fashion designer. At kasama niya ako sa mga lakad niya lalo pa't alam kong maselan ang pagbubuntis niya lalo ngayon na limang linggo na siyang buntis.

Naghanda na rin ako dahil palaging natawag si Tita dahil sa kalagayan ni Shane. Nags-suicide na daw kaya naman kinabahan ako at paminsan-minsan ay binibisita siya sa condo niya. Masaya akong makita si Troy at naikuwento sa akin ng bata na ayaw niya daw sa Daddy niya at gusto niya daw akong maging Daddy.

"Troy, kailangan mong kilalanin ang totoo mong Daddy," mahinahon na sambit ko sa bata.

"You're my Daddy po, I...I don't like him po he lied to us and Mommy also," mahinang sambit niya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

I sighed. "Maybe in the right time? Hindi pwedeng ganyan ka at nagtatanim ka ng galit sa mga magulang mo. Maiintindihan mo rin ang lahat sa ngayon kilalanin mo muna ang totoo mong Daddy," nagpapaintinding sambit ko sa kanya.

Nang gabing rin 'yun ay sinundo ko si Natasha sa Bulacan dahil inasiko niya ang proyektong rest house doon. Mabenta si Natasha lalo pa't nakita ko ang mga sketch niya at talagang napakaganda nun. Hindi na ako nagtaka dahil noon pa man ay hilig niya na ang pagguhit at ang pagddisenyo ng bahay.

"I'm so tired, mamayang 7pm daw ang family dinner," sambit niya nang makapasok sa sasakyan ko.

"Are you okay? Baka naman mapaano ka. Sabi ko naman sayo ako na ang magttrabaho para sa atin," nag-aalalang sambit ko matapos halikan ang labi niya.

She smiled. "Hindi rin ako papayag na ikaw lang ang magttrabaho para sa atin. Kaya ko pa naman at kapag nag five months na ang tiyan ko mananatili nalang muna ako sa bahay. That way magagawa mo ang gusto mo," sambit niya.

Napatitig ako sa kanya at nandito na naman ang paghangang nararamdaman ko tuwing kausap siya. Palaging tama at sakto ang mga gusto niyang sabihin. Tumaas ang kilay niya kaya napailing ako at kinagat ang labi. Dumaan muna kami sa Dunkin'donuts dahil nagugutom daw siya. Matapos nun ay hinatid ko siya sa mansyon nila dahil sasabay daw siya kila Tita papunta doon.

"Mag-iingat ka," sambit niya at tinignan ako. "Tatawagan kita kapag papunta na kami doon, hindi ko rin kasi alam kung bakit sila nagpatawag ng meeting," dagdag niya.

I sighed and tilted my head to gave her a sweet kiss. She smiled and kissed me back. Kumaway ako sa kanya at pinanood siyang makapasok sa loob. Huminga ako ng malalim at pinaharurot papunta sa mansyon dahil sabay sabay daw kaming pupunta doon. Pinarada ko ang kotse ko at kaagad lumabas para makapasok sa loob. Naabutan ko silang lahat na nag-uusap at nandito rin si Shane kaya naman napakunot ang noo ko.

"Your here!" si Mommy at kaagad akong niyakap.

"I've missed you," bulong ko kay Mommy at hinalikan ang noo niya.

Tinignan ko si Kuya at si Shane na nakaiwas ang tingin. Ngumisi ako at niyakap si Lolo pero hindi ko tinignan si Daddy dahil hindi pa rin kami magka-ayos. Dumiretso ako sa kwarto ko at kaagad nagbihis ng puting longsleeve, black coat, black pants at isang brown leather shoes. Kumuha ako ng relo sa drawer ko at inayos pa ang dapat ayusin.

"This is it," bulong ko sa sarili ko.

Bumaba ako at naabutan silang nagtatawanan. Ngumisi ako kay Lolo at inakay na siya papunta sa sasakyan namin. Katabi ko si Lolo sa unahan at si Daddy ay nasa passenger seat kami naman ay nasa pangalawang seat. Nagkuwento lang ako kay Lolo ng mga random na bagay.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now